"Hatid na kita?"
"Hmmmm,"
"Pleaseeeeeee."
"Sige."
"Tara dito sa payong. Hmm. Gusto ko sana sumakay tayo ng bus."
"Sure ka?"
"Babalikan ko na lang yung sasakyan ko. Pag ganun kasi mas matagal kitang makakasama."
"...................."
Wala na akong nasabi. naporma na ba tong si Warren? Friends pa lang naman diba? Siya narin nagsabi nun. Ganito ba siya ka-sweet sa lahat ng mga kaibigan niya? Hay.
Sumulong na kami sa ulan gamit yung payong na dala ni Warren. Hawak ni Warren yung payong habang yung isa niyang kamay nakaakbay sa akin. Ang lapit na naman namin sa isat isa parang dati lang pero ang sure ako ngayon mas KINAKABAHAN ako.
Last ride na ng bus bago magbreak. Ayun wala kaming upuan kaya nakatayo lang kami. Nadamay pa ata sa kamalasan si Warren kasi malas ako ngayong araw. Pero nakita ko na siya kaya siguro di rin ganun kamalas. Siya ata ang swerte ko. :'))
Naglabas ako ng panyo. Mas basa sa akin si Warren eh. Pano ba namana protektado ako sa ulan. Naka-aircon pa man din kami.
"Warren, magpunas ka oh. Basang-basa ka pa man din sa ulan. Magkakasakit ka niyan kasi Aircon ang bus." Inabot ko sa kanya yung panyo kong pink.
"Salamat."
"Wala ---"
Pagkakuha ng panyo ni Warren pinunas niya agad sa noo ko. Diba sabi ko ikaw magpunas? Ano bang nakain ng lalaking to. Namumula na ata ako.
"Basa ka din ah. dapat inuna mo muna yung sarili mo." Ngayon pati buhok ko pinupunasan niya na.
"Akin na nga yan." sabay hablot sa panyo. Nasa loob pa naman kami ng bus isipin ng ibang tao kami. Ay hindi kaya. "Mas basa ka sa akin no. tsaka di mo naman ako kailangang ihatid eh. Pag may nangyari sayo konsensya ko pa." Ako na nagtuloy ng pagpunas sa sarili ko tapos binalik ko sa kanya ulit yung panyo.
"Ginusto ko naman to. Its not your fault." nginitian niya ako habang kinuha ulit yung panyo ko at nagpunas siya ng sarili niya.
Lubak lubak yung dinaanan naming kalsada malayo pa kasi kami sa highway. Ang hirap naman humawak sa sabitan. Nako. Kailangan ko magingat.
"Ahhh." maaa-out of balance na ako nung kinuha ni Warren yung ulo ko at sinandal niya sa balikat niya. Eto na naman siya. Unpredictable grabe.
"Ikapit mo lang yung isa mong kamay sa sabitan. I got your back. Sorry kung uncomfy ng position natin. Ok na rin to kesa naman ma-out of balance ka."
"Salamat"
yun lang ang nasabi ko. Naka-naman oh. Ang bango ni Warren tapos yung balikat niya parang natural na firm. Hindi siya katabaan talaga di rin naman payatot. Sakto lang. Nako paglumingon ako leeg niya na makikita ko. Waaaa. baka mahimatay ako dito. Left way lang ang kaya kong tignan baka magka-stiff neck ako. Ayos lang. Ano daw? Rachel Elise aba dalagang pilipina ka. Umayos ka nga.
Aayos na sana ako ng tayo nung hinawakan ng left hand ni Warren yung ulo. Bakit parang gusto niya laging nakahawak sa ulo ko? Aba. Nahihiya na ako. Ang dami pa namang tao dito sa bus. Halata bang magkaibigan lang kami? malamang hindi.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?