May 28, Friday
Ang aga pa lang eh papunta na ako sa quarters nila Warren. Di rin naman ako nakatulog ng maayos dahil sa pagaalala ko kay Kuya Nico at sa mga tanong ko kay Patrick.
Kung di nakuha ni Kuya Nico ang sagot. I will be the one to get the answers.
Kinatok ko ng malakas yung pinto nila.
"Patrick! Patrick!" talagang malakas na ang pagkatok na ginawa ko.
Ang nagbukas ng pinto ay yung lalaking si Jethro ang pangalan.
"Ray"
"Asan si patrick?! Sabihin mo lumabas siya dito"
"Ah Ray wala siya. Maagang umalis ng court"
"Dumaan ako dun kanina, wala siya. Alam kong andyan siya. Ilabas niyo si Patrick!"
"Ray wala talaga siya dito..." Natataranta na si Jethro sa mga kilos niya. Alam kong nandun si Patrick at kailangan nilang ilabas si Patrick. Mukhang alam na siguro ng basketball team ang nangyari kay Kuya Nico at Patrick kahapon.
"Ang aga-aga ang ingay ingay mo" Nakita kong lumabas si Patrick kung saan ko siya nakita nun maggitara.
Ang kalma kalama ng itsura niya nun. Parang wala lang sa kanya ang mga nangyayari. Lalo tuloy akong naiinis sa inaasta niya. Sinugod ko siya at sinampal.
"Ganyan ka ba talaga ka-walang puso? Ang sama mo!" Lumapit sa amin nun si Jethro at hinawakan ako para di makalapit kay Patrick.
"So its now your turn to put me into justice huh?"
"Bakit Patrick? Bakit kailangan humantong pa na bugbugin mo si Kuya Nico? Pwede namang ilayo mo na lang si Ate Liselle diba? At kaano-ano mo ba si Ate Liselle?"
"Dun ka na lang magpakwento sa pinsan mo. Alam niya ang lahat diba? At mukhang alam mo na rin kung sino ang dapat kampihan"
"Gusto ko malaman sayo ang sagot? Kung ikaw ang may gawa bat di ka umamin? Kung hindi ikaw, bakit ayaw mong sabihin na mali ang binibintang sayo?"
"May purpose ang lahat ng ito Elise"
"Purpose? Ano para mahirapan si Kuya Nico? Mahirapan ako? Pinsan ko si Kuya Nico. Kaibigan kita."
"Sino ba sa tingin mo ang nahihirapan sa atin? Ikaw na pinsan nung biktima o ako na parang may sala?"
Sino nga ba ang mas nahihirapan?
Di ako nakaimik
"Mukhang alam mo na ang sagot" Paalis na nun si Patrick.
"Nasan na yung Patrick na kilala ko? Yung astigin pero marunong magalaga. Yung Patrick na nagpapalakas ng loob ko. Yung Patrick na handang tumulong sa akin. Handang umintindi?"
Humarap si Patrick sa akin at pinagpatuloy ko ang pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?