Time starts to fly so slow.
After ng mangyari sa aming tatlo nila Warren at Patrick, wala na akong narinig pa kay Warren.
No text. No phone call.
He just leave everything behind after I dropped everything about us.
It served me right.
"Matulog ka na" napalingon ako sa gilid ko.
"Pat, andito ka pa pala"
"Uminom lang ako ng tubig sa baba."
Nagpanggap lang ako na tulog kanina sa harap ni Patrick. Ayoko na kasi na nagaalala pa siya sa akin.
Umayos ako ng pagupo at sinandal ang likod ko sa kama. Tumabi naman si Patrick sa akin.
"Kung ako sayo sabihin mo na kay Warren yung totoo."
"Hindi pwede."
"Natatakot ka ba kay tito?"
"Sino bang hindi natakot dun?"
Tumawa si Patrick.
Tinignan ko siya ng masama at lumingon siya sa akin.
"Kung alam mong mas mahalaga ang kung anung meron sa inyong dalawa ipaglaban mo"
"Hindi ganun kadali"
"Bakit?"
"Kasi alam kong eto yung gusto ni Warren. Gusto niyang maranasan ang mahalin ng isang ama"
"Yun din ang gusto ko" nagulat ako sa sinabi ni Patrick.
Ngumiti siya sa akin "Lahat naman ng anak yun ang gusto diba? pero sa tingin mo gusto to ni Warren? Kasi kung ako ang tatanungin mo, hindi kita isusuko para mahalin lang ako ng tatay ko"
"Alam kong yun din ang gagawin ni Warren"
"Eh bakit ito ang ginagawa mo?"
Hindi ako nakapagsalita.
Dahan-dahang pinasandal ni Patrick yung ulo ko sa balikat niya.
"Mahal mo siya. Mahal ka niya. Just get it over. Okay?"
Sinuntok ko yung tagiliran niya.
"Aw, seryoso ako no"
"Bakit kailangan sobrang kumplikado ng lahat ng ito para sa akin? Yung iba naman hindi ganito"
"Ganyan talaga true love sucks."
Napatingala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Fate of Love.
Teen FictionIs it true that we are capable of writing our stories or are we intertwined with the playful hands of fate? How much are you willing to give in search of true love and happiness?