Chapter 59: *clash*

18.3K 193 80
                                    

Hello Loves!

Nagising na din si Sleeping Beauty! HAHAHAHA. Im so sorry. Errr. Im a full time student na ulit. So yung update maybe laging weekend na after masatisfy yung kota. Sorry, studies first.

Nga pala sa mga di pa nakakabasa ng The One. Ang side story ng Fate of Love. Ayun po click niyo lang ang external link. Weee. Thanks po! 

Wala pa palang question for dedication tong chapter na to. Oh Em! Try kong ayusin lahat ng responsibilities ko sooon. Kailangan ko muna maging estudyante na gumagawa ng assignment niya. HAHAHA.

I hate cramming. (chos. Mapagpanggap si ako)

Happy Reading,

Raiiinn! ______________________________________________________________________________ Sumakay kami sa kotse ni Maxene. Habang nasa byahe kami ay nababalot lang kami ng katahimikan. Wala ni isang nagsalita. Rinig na rinig ko lang ang kabog sa aking dibdib dahil sa kaba kasabay ng mahigpit kong hawak sa panyo na inaasahan ko na may kasagutan sa lahat.

Naaalala na ba ako ni Warren?

Iniisip ko parin na kung siya nga ang nagligtas sa akin dun sa elevator. Kilala ako ng tao na yun. Naaalala ko na tinawag niya akong Rachel. Si Warren nga ba? Isa pa alam niya na inaatake ako ng caustrophobia ko. Ang nakakaalam lang naman nun ay ako, si Patrick at si Warren. Pero kasi parang hindi siya. Kung si Patrick naman yun bakit di man lang niya naoopen sa akin yun? At naniniwala akong hindi siya sumunod sa akin sa trip.

At itong panyo na ito? Wala akong maalala na may kinalaman kay Patrick sa panyo na ito. Kay Warren naman wala din. Isa lang naman ang naguudyok sa akin na tanungin si Warren eh. Yun yung mga bloodstains dun sa panyo.

Dun lang ako sigurado.

Blood stains yun.

Naramdaman ko na lang na huminto kami ni Maxene sa isang pamilyar na bahay. Ang apartment ni Warren.

Nakatingin si Maxene sa manibela

"Dito na kami nakatira ngayon and I guess nakita mo na to? Pero I am telling you Elise. Ibang iba na ang lahat kaya sana pagkatapos ng pagpipilit mo na makausap si Warren ngayong araw na to eh tigilan mo na." tumingin siya sa akin na may lungkot sa kanya mga mata "Please, I am begging you. Tama na. Hayaan mo na kami ni Warren. Please"

"Gaya nga ng sabi ko Maxene. Gusto ko lang malaman ang totoo"

"I guess I must believe you then huh?"

I nodded.

Unang bumaba si Maxene sa kotse habang ako ay kinakabahan na bumaba.

Ito na ang pagkakataon na binibigay sa akin ng tadhana. Sana malaman ko na ang totoo.

Naglakad kami papasok sa loob. Bumalik lahat sa akin ang alaala ng bahay na yun kaso gaya nga ng sinabi ni Maxene. Ibang iba na ang lahat. Ang dating bahay ni Warren na puno ng cartoons, anime and action figures eh wala na. Nakakita din ako ng motor sa labas ng apartment niya. Nagmomotor na pala siya? Ang linis ng bahay niya. Parang ang laki nun kesa sa mga gamit na nandun sa loob. Parang isang mature na tao na ang nakatira dun. Dala ba to ng amnesia niya? Nakakalungkot isipin na pati tong mga bagay na ito ay wala na sa Warren ngayon.

"Mallow, andito na ako"

Napailing ako. Yun parin pala ang tawagan nila. Wala na akong dapat ikapagtaka pa. Sila na diba.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon