-CHYLENE HERA
Nagmumukha akong tanga sa ginagawa ko ngayon. Pinagtataguan ko si Reen habang naglalakad ako papunta sa classroom ko sa Annex. May meeting daw kami ngayon ng mga classmate ko kahit foundation day ngayon. Umiiwas ako ng tingin sa mga bawat nadadaanan ko lalo na pinag-uusapan nila ako.
"ʼDi ba sʼya ʼyong liligawan ni Asther?"
"Oo, tinaggihan nga nʼya si Asther at tinakbuhan."
"Kung ako ʼyan, hindi ko tatakbuhan at tatanggihan si Asther."
"As if naman magugustuhan ka ng pamilya ni Asther."
"Strict pa naman ang family ni Asther."
Marami pa akong naririnig pero hindi ko na sila pinansin. Hanggang salita lang naman sila akin, dahil kahit sila ay natatakot sa pamilya ni Asther. Nakarating ako sa meeting place namin at may napansin ako na isang babae na ang bongga manamit.
Pinagtitingnan sʼya ng mga kaklase ko dahil parang may hinihintay sʼya. Naglakad naman ako palapit sa kanila at lumingon sa gawi ko ʼyong babae. Tumayo sʼya at ngumisi sa akin na halatang nag-iinsulto.
Nandito na naman ang babaeng ʼto. Inis na inis ako sa kaniya noʼng SHS ako.
"Long time no see. Itʼs nice to see you again, Chylene," nakangisi nitong bati sa akin at ni-head to toe ako.
Blanko lamang ang tingin ko sa kaniya dahil wala ako sa mood makipagbiruan o makipagsagutan sa babaeng ito. Naglakad sʼya palapit sa akin na parang model sa isang fashion saw. May nakapatong black shade sa kaniyang ulo. Sa tingin nʼya sa akin ay iniinsulto nito ang suot ko.
"Anong ginagawa mo rito?" seryoso kong tanong dahil naka-agaw na sʼya ng atensyon sa mga classmate ko.
Nakasuot ito ng black halter strap dress with black 3 inches wedges. Makapal ang make-up nito at lipgloss.
Sʼya ʼyong kaklase ko na kamag-anak ni Reen. Dazelle Kelly Arquiza o mas kilala bilang Kelly. Ang daming nagbago sa kaniya.
From nerd to bitch.
"Bakit? Bawal ba ako pumunta rito? Saka ang taas naman ng pangarap mo para abutin si Asther at pamilya nʼya gayong mahirap ka at pamilya mo," nang-aasar nʼyang tanong tapos tumatawa pa na parang nag-iinsulto.
Pumunta lang ba ito rito para insultuhin ako? Para ipakita sa akin na mababa akong klase na tao. Para ipakita na hindi kami bagay kay Reen? Para ipakita na mahirap ang pamilya ko.
"Hindi ʼyan ang ibig kong sabihin. Saka hindi ko pinapangarap ang pamilya ni Asther. Hindi ko rin gusto ang pag-iinsulto mo sa pamilya ko," diretso kong sagot sa kaniya.
Natawa naman sʼya sa akin at naiinis ako sa paraan ng pagtawa nʼya. Parang OA na pabebe. Halatang feeling maganda rin ang mga galawan nʼya. Ihampas ko sa kaniya ang color pink nʼyang bag na baduy.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagustuhan ni Asther. Malayo ka naman sa ideal girl nʼya. Saka hindi ka magugustuhan ng pamilya nʼya kahit anong gawin mo. Halatang pera lang ang habol mo kay Asther," nang-iinis na sabi sa akin ni Kelly.
Kaunti na lang at masasampal ko ang babaeng ʼto. Pinagtitingnan na kami ng mga dumadaan at pati na rin ang mga kaklase ko. Tapos nagbubulungan pa ang iba lalo na malakas ang boses nito na sinadya nʼya para marinig ng iba.
"Edi itanong mo sa kaniya kung bakit. Ito lang ba ang pinunta mo rito? Nagsayang ka pa ng oras para sabihin ʼyan sa akin," nang-aasar ko rin na tanong sa kaniya.
Napakuyom ang dalawa nʼyang kamao habang kalmado lang ang tingin nʼya sa akin pero nahahalata kong nagpipigil ng galit.
"Ano naman kung ganoʼn?!" naiinis nʼyang tanong at halos lumaki ang kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romantizm[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
