CHAPTER 10

3.8K 54 0
                                        

-CHYLENE HERA

Itʼs our graduation day, SHS graduation day to be exact. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ay gumagawa pa kami ng research paper. Hindi pa rin ako makapaniwala na tapos na ang high school days ko dahil pupunta na ako sa College life. Lubos din ako na masaya dahil kasali ako sa with high honors. Kung hindi lang mababa ang grades ko sa Business Management ay baka nasali na ako sa with highest honor.

Si Mandy ang batch valedictorian namin. Tuwang-tuwa naman si lokaret dahil sʼya ang magsasalita sa welcome address. Ako naman ay tuwang-tuwa sa amin dahil worth it ang paghihirap namin. Ang mga araw na iniyakan namin ang exams at project namin.

We are here at the gym na nakapila para sa martsa. Maghahanda kami for marching together with our one parent. Si Mama ang kasama ko sa pagmartsa habang si papa naman ay manonood lamang sa may bleachers.

"Anak, proud ako sa narating mo. Ipagpatuloy mo ʼyan dahil mahirap ang College. Kaunti lang ang mabilis nakatapos nʼyan," payo pa sa akin ni Mama.

Tama naman sʼya. Mahirap talaga kapag College ka na. Wala ka nang pahinga dahil kahit weekend ay may klase. May mga activities, exam at project na super hirap.

"Opo, Mama. Alam ko naman talaga ʼyan. Handa na po ako sa college life ko," sabi ko na mukhang handa sa college life ko.

Kapag nakikita ko ang mga struggles ng mga college student ay mas lalo ako'ng kinakabahan kapag dumating sa punto na college na ako. Napansin ko na umuusad na pala ang martsa. I put a smile on my face dahil importante ang araw na ito.

"Mabuti kung ganoʼn. Mas mabuti rin na handa ka na."

Tumango na lang ako sa payo ni Mama dahil malapit na kami. Una kasi sa pila ang mga ABM student, pangalawa ang STEM and pangatlo ang HUMSS sumunod naman ang TVL and last ang GAS.

Hindi nagtagal ay kami na ni Mama. Nag-martsa na kami habang tumutugtog ang sikat na graduation song for marching. Ang theme ng graduation song namin ay a million dreams at yesterday dream. Ang pinakamalungkot na kanta ay ʼyong farewell.

May ilan kasi na hindi rito mag-college. Pupunta sila sa public school or ibang private school. Heritage State University ang pangalan ng school namin at ang taas ng standard nito. Halos lahat ng nakatapos dito ay pasado sa board exam at tanggap agad sa trabaho.

Pagkatapos ko mag-marching ay roon na ako umupo sa naka-assign seat sa akin. Habang si Mama naman ay roon din sa assigned seat nʼya. Kasamaang palad ay katabi ko ʼyong hate ko na kaklase.

ʼYong wagas maka-advice sa akin. Magkasunod kasi ang apelyido namin dito sa harapan. Arquiza ang apelyido nʼya kaya magkasunod kami kasi Aragon ang apelyido ko. Kasali rin sʼya sa with honors.

Matalino rin kasi ito dahil nerd nga. Pero ngayon ay nanibago ako sa mukha nʼya dahil wala ʼyong specs na suot nʼya at naka-make up pa. Makapal nga lang ʼyong make-up nʼya na bagay sa kaniya. "Congratulations, college na pala tayo. Anoʼng kukunin mong course?" tanong nʼya bigla pero sa harap ang tingin nʼya.

Hindi pa kasi tapos ang marching dahil maraming ABM Student pero mas marami ang HUMSS. Pumapangalawa lang ang ABM.

"BS Accountancy, ikaw?" tanong ko rin dahil nacu-curious din ako kung ano ang kukunin nʼya.

"BS Marketing, pero same lang tayo ng college kaya baka magkikita pa tayo or mag-classmate tayo sa mga minor subject sa college natin," kuwento nʼya pa kaya kunwari na napatango ako.

Damn. Magkikita pa kami nito pero wala na akong magawa. Ayaw ko talaga sa kaniya dahil napaka-pakialamera nʼya.
"Kaya nga," tanging sambit ko dahil ayaw ko masira ang graduation day ko.

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon