-CHYLENE HERA
Pumayag ako na ligawan ako ni Reen. Wala rin naman mawawala kung payagan ko sʼya. Buong buhay ko ay lagi kong sinusunod ang mga magulang ko, lagi ko rin sinusunod ang bilin nila na aral muna bago pag-ibig. Pero gusto ko sumaya, kahit ngayon lang.
Gusto ko maranasan ang maging masaya tulad ng iba sa pag-ibig. Pagmamahal lang ni Mama ang lagi kong nararamdaman at never ko nararamdaman ang pagmamahal ni Papa dahil hindi sʼya showy tapos strict pa sʼya.
Wala naman masama kung sarili ko muna ang isipin ko?
Nagsisimula ngayong araw sa panliligaw sa akin si Reen. Wala akong sinabihan na nanliligaw sʼya kasi gusto ko muna ay sekreto ito. Kahit mga kaibigan ko ay hindi nila alam. Nag-uusap kami sa chat dahil hindi sʼya puwede tumawag baka malaman ng mga kaibigan ko.
Wala kaming klase ngayon dahil bukas na magtatapos ang intramurals. Ngayon na mangyayari ang musical extravaganza. Kaya nandito kami nina Mandy sa Gym. Sumama na rin sa amin si Lay kahit sa ibang gym gaganapin ang intramurals nila. Hindi naman napansin ng guard sa entrance na SHS si Lay dahil na rin sa tulong ni Leigh na ilusot si Lay.
“Excited na ako mamaya,” kinikilig na sambit ni Leigh na nasa left side ko.
Pinagigitnaan nila ako ni Mandy. Nasa right side ko si Mandy na katabi naman nito si Lay na tahimik lamang. Nagulat ako sa malakas na music at kasabay nito ay nagsalita sa mic.
Mukhang magsisimula na ang musical extravaganza. Ang mc namin ay walang iba kundi si Sky na vice president sa student council.
“Good morning, students. Handa na ba kayo sa pagsisimula ng musical extravaganza natin?” panimulang bati nito.
Agad naman umingay ang malaking gym dahil sa bawat cheer ng colleges at drums nila. Sa may CBAA kami nakaupo at wala naman sumisita sa amin kasi sinasamaan na sila ng tingin ni Mandy kaya nasisindak sila.
Kailangan kasi sa naka-assign na seat bawat colleges kami nakaupo pero pasaway kami kasi ayaw namin maghiwa-hiwalay kaya nasa CBAA kami ngayon.
“Bago tayo magsimula gusto ko muna marinig ang bawat cheer at drums ng mga colleges. Handa na ba kayo?” malakas nitong sabi at nagsigawan na naman ulit ang bawat student.
Ako ay naririndi na sa bawat drums na naririnig ko. Magkaiba talaga ang intramurals noʼng SHS kami at ngayon. Boring ang SHS intramurals namin pero ito ay bongga.
“Simulan natin sa pagkain ng bayan. Ang College of Agriculture o COA!” malakas nitong sabi at umingay naman ang drums at sigawan ng student sa COA.
“Aggie aggie aggie woot woot woot. C-O-A! COA!” malakas na sigawan ng mga student sa Agriculture.
May nakalagay na green sa flashlight nila sa phone nila kaya umiilaw na green ang bawat paligid nila tapos green pa suot nila with name ng college nila at logo. Ang lakas din ng drum nila na may beat.
Pumalakpak naman si Sky na mc. “Maraming salamat sa ating agriculture students. Magpapatalo ba ang pera ng bayan o College of Business Administration and Accountancy?!” malakas nitong sigaw.
Halos mapatakip ako sa aking tainga sa lakas ng drum ng college namin.
“Go C-B-A-A! Go C-B-A-A! CBAA! CBAA!” malakas naming sigaw at kasabay lang namin ang drums namin.
Syempre may nilagay rin kami na yellow sa flashlight ng phone namin kaya umiilaw ng yellow. “Thank you very much for the cheer of CBAA. Ito naman, hindi rin magpapatalo ang college namin. Ang college ng paasa at crush ng bayan COE or College of Engineering!” sambit nito at medyo natawa ako sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romantik[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
