-CHYLENE HERA
Ang bilis ng panahon and ngayon ay September 1 which means our 60th Foundation Day. Mabuti na lang at hindi natuloy ʼyong parade. Ang init-init ng araw tapos magpa-parade pa kami. Buti sana kung 6 am kami magsimula, 9 am na kasi ngayon. Kaya mas mabuti na hindi natuloy, baka maraming mahimatay sa init ng araw.
As usual, magkakasama kaming magbabarkada. Sumama na rin sa amin si Lay dahil sabay ang intramurals ng SHS at college pero magkaiba kami ng event. Pero sa amin sʼya sumama since wala raw sʼyang kasama na manood sa mga event ng SHS.
"Pumunta tayo sa gym. Iʼm sure na maraming naglalaro ngayon by colleges," pag-aya ni Leigh habang kanina nʼya pa bukambibig na pumunta kami sa gym.
"Oo na, panonoorin mo siguro ʼyong crush mo sa CBAA," asar sa kaniya ni Mandy.
Badtrip kasi ito kasi bakit SHS daw ʼyong crush nʼya. Magkaiba kasi ang events ng SHS at College.
"Oo panonoorin ko talaga sʼya. Excited na ako na mapanood sʼya," sabi ni Leigh na proud pa.
Bahala sila riyan. Basta ako focus ako sa college namin. Support ko ang college namin. Suot pa naman namin ang college shirt namin. Ang kulay ng college shirt of CBAA ay plain dark green na may design na griffin sa harap at jersey number sa likod with surname.
"Pasensiya ka na lang sa dalawang iyan. Hindi lang sila nakainom sa maintenance nila," bulong ko kay Lay since magkatabi kami.
Ang suot ni Lay ay pinaghalong light blue at white kasi iyon ang kulay ng TVL na t-shirt. With TVL name sa harap at plain sa likod.
Tumawa naman ito. "Kaya nga."
Si Mandy naman ay pinaghalong white at green dahil iyon ang color ng nursing o CSH. May panther sa harap with CSH na logo at name at plain sa likod. Habang si Leigh naman ay dark orange with white na tiger ang drawing sa harap with logo at name na CSSH. Plain naman sa likod. Ang meaning ng CSH ay college of social health habang ang CSSH ay college of social sciences and humanities. Lahat kami ay black pants pero skinny ang kay Mandy at Leigh habang wide leg sa amin ni Lay.
Ako na lang nahihiya sa dalawang kaibigan ko. Nasa gitna pa naman kami ng daan. Napapatingin tuloy sa amin ʼyong ibang students sa lakas ng boses nila na parang megaphone.
"Umalis na nga tayo rito. Pumunta na tayo sa gym," alok ko sa kanila dahil naka-agaw na kami masyado ng atensyon.
Bigla naman tumigil ʼyong dalawa at nagkatingnan. Sabay silang tumango at humarap sa amin ni Lay ng nakangisi.
"Excited si Hera para kay kaps," asar nilang dalawa.
Mga siraulo talaga.
Ayan agad ang naisip nila kahit nasa isip ko ay makaalis na kami para iwas na masyado sa kahihiyan. Sa bagay na wala naman itong mga hiya.
"Mga echosera. Gusto ko lang na umalis na tayo rito dahil nakakaagaw na tayo masiyado ng atensiyon. Hindi ba kayo nahihiya?" paliwanag ko sa kanila at inirapan sila.
Natawa si Leigh at napailing.
"Basta talaga si Hera ang magpalusot ay magaling," sabi pa ni Leigh.Bahala sila riyan na mapahiya at maging talk of the campus. Baka ma-post na kami sa facebook na maiingay kami. Hindi talaga puwedeng magsama sa iisang lugar itong si Leigh at Mandy dahil sa kaingayan nila.
"Ewan ko na lang sa inyo. Bahala na kung mapahiya tayo rito," sumusuko kong sambit sa kanila.
Si Lay naman ay tahimik lang na nakamasid sa amin. Hindi naman obvious na sʼya ʼyong pinakatahimik sa amin dahil nahihiya sʼya, saka kapag may napapadaan sa amin ay tinitingnan kaming tatlo nina Mandy. Habang ang iba ay nandidiri na nakatingin kay Lay.

BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...