-CHYLENE
Hindi ko sinasagot ang tawag at text ni Asther. Ayaw ko na sʼya makausap dahil baka ano na ang gagawin ng mga magulang nʼya sa akin lalo na kilala nila ako at ang connection namin ng anak nila.
Mas nag-focus ako sa pag-aaral lalo na napansin ko na lumiliit ang mga score ko sa quizzes at oral. Malapit na rin kasi matapos ang first semester kaya kailangan ko mag-focus. Goal ko na makapasok sa scholar.
“Hera, this past few days ay hindi mo na pinapansin si Asther. Kapag malapit na kayo magkasalubong ay umiiwas. Tell me, anong problema?” tanong ni Mandy habang nandito kami sa may golf para tumambay.
Bumili rin kami ng snacks at nagdala ng board games at badminton. Hindi kami makakalaro sa badminton dahil mahangin kaya pinili namin kumain muna ng snacks.
Biglaan itong bonding namin since lahat kami ay walang pasok sa saturday afternoon. 3pm kami pumunta rito sa golf dahil hindi rin masyadong mainit. Nakatingin naman sa akin si Lay at Leigh habang nag-aabang sa sasabihin ko.
“Mahabang kuwento,” sambit ko at nag-iwas tingin.
Dinig ko pa ang malalim nilang buntonghininga. “Edi simulan mo na para matapos,” sambit ni Leigh at ako naman ang napabuntonghininga.
Nakasuot ako ngayon ng plain light blue sweater at black pants with white sneakers. Habang si Lay naman ay yellow t-shirt with maong pants. Si Leigh naman ay plain black scoop blouse na pinatungan nʼya ng plain light brown cardigan with gray flare pants.
Habang si Mandy ay plain light green jumper dress na hanggang tuhod na may design na glitters sa gitna nito at pinatungan nʼya ng white cardigan. Si Mandy at Leigh ay suot sa paa ay white ankle strap na three inches heels.
Habang kami ni Lay ay white sneakers. May light make-up iyong dalawa habang kami ni Lay ay pulbos at liptint lang.
“Binantaan ako ng nanay ni Asther na lumayo ako kay Asther. Kapag hindi ako lumayo sa kaniya ay malalagot ang pamilya ko at ako,” sambit ko at napasinghap silang tatlo.
Hindi sila makapaniwala sa kanilang narinig. “Kailan kayo nagkita ng nanay nʼya?” tanong ni Leigh habang may lungkot ang kaniyang mga mata.
“Noong araw na hinatid mo Mandy si Leigh sa terminal sa lugar nila. Iyong galing tayong tatlo sa library, pauwi ako sa dorm at nandoon ang nanay ni Asther sa gate ng dorm na naghihintay,” sambit ko at bahagyang napailing kapag naalala ko ang pag-iinsulto sa akin ng nanay nʼya.
Hindi lang ako ang nainsulto kundi pamilya ko pati trabaho nila ay nadamay. “Sinabi mo ba ʼyan kay Asther?” mahinang tanong ni Lay at umiling ako.
Wala akong balak na sabihin sa kaniya na nagkita at nagkausap kami ng kaniyang ina. Mas mabuti na kaming magkakaibigan lamang ang makakaalam sa sinabi ng nanay ni Asther. Ayaw ko ng gulo, baka magulo rin pamilya ni Asther.
“Hindi, mas mabuti na hindi nʼya malaman. Ayaw ko magulo ang pamilya nʼya dahil lamang sa akin,” sambit ko at bahagyang napayuko.
Masakit ito para sa akin pero ito ang mas makakabuti. Tama nga ang nanay nʼya, hindi kami nababagay kay Asther. Langit sʼya habang lupa naman ako.
“I think kaya ito ginagawa ng pamilya ni Asther ay dahil tatakbo ulit sa pagiging mayor ang tatay nʼya at balita ko ay may kalaban na ito hindi tulad ng dati. Gusto ng pamilya nila na walang issue ang pamilya habang hindi pa dumating ang election,” mahabang paliwanag ni Mandy.
Ganoʼn pala ang gusto nila. May kinalaman kasi sa politics ang pamilya ni Asther. Kaya nagtataka ako kung bakit hindi ito kumuha ng courses na related sa politics o kahit political science man lang.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romansa[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
