-CHYLENE HERA
Ang boring naman ng party na ito. Kararating lang namin sa venue ni Mandy. Dito sa malaking gym ginanap ang SHS night. Tapos ang lakas pa ng tugtog nila, nabibingi na nga ang tainga ko sa lakas. Wala na nga sa tabi ko si Mandy dahil may pinuntahan na classmate nʼya yata.
Nakaupo lang ako rito sa gilid ng gym dahil ang boring ng party. Around 5 na ang oras at nababagot na ako. Wala naman kasi akong kakilala rito dahil tanging si Mandy lang kaibigan ko while hindi ko naman mahagilap si Lay.
Napaismid pa ako noong makita ko kung gaano ka-sweet si Stacey at ʼyong boyfriend nʼya na under sa GAS. Akala ko bawal ang PDA rito pero hindi pala. Uminom na lang ako ng mineral water na nakalagay rito sa mesa na nasa harap ko.
Nakatunganga lang ako hanggang sa may lumapit sa akin na babae. Ito pala ʼyong kaklase ko na kamag-anak ni Reen. May hawak sʼyang milktea saka umupo sa upuan na katabi ng kinauupuan ko.
"Mukhang may gusto sa iyo si Asther," she stated na parang natutuwa sa sinasabi nʼya.
Si Reen ay may gusto sa kaniya? Thatʼs impossible. May sinabi sʼyang gusto nʼya na off-limits edi malamang na hindi ako ʼyon dahil hindi naman ako nagsabi na off-limits ako. Saka bakit sʼya magkagusto sa akin.
"Wala sʼyang gusto sa akin dahil inamin nʼya sa akin kung sino ang gusto nʼya," tanging naisagot ko sa kaniya habang nakatingin sa mga taong dumadaan.
Tama naman ako. Hindi magkakagusto sa akin si Reen dahil magkaibigan lamang kami. Sa kaniya na mismo nanggaling na hindi ako ang gusto nʼya kaya wala dapat ako ikabahala. Besides hindi naman ako kagusto-gusto kahit na sinasabi ng mga magulang ko na maganda ako.
Ma-confident ako pagdating sa academic pero sa beauty ko ay wala.
"Baka ikaw ang may gusto sa kaniya," sambit nʼya pa na mahihimigan sa boses nʼya ang panunuya.
Ang laki ng problema nito. Hindi ko alam kung ano ang problema nito sa akin. Ang lakas ng loob na makialam tapos mas maalam pa sʼya sa nararamdaman ko. Ayaw ko talaga ng ganʼtong tao, ʼyong nakikialam sa bagay na dapat hindi niya pinapakialaman. Tapos hindi naman kami close.
"Wala akong gusto sa kaniya. We are just friends, and may iba akong gusto," sabi ko habang hinahabaan ang pasensiya.
May iba akong gusto and they are not existing. They are just a characters created by a writer. Wala pa akong tao na natitipuhan maliban sa mga fictional character.
"Mabuti kung ganoʼn. Walang problema," sabi nʼya at mukhang masaya pa.
I just clenched my fist. Nakakainsulto talaga ʼyong mga salita nʼya at tono ng boses nʼya. Akala nʼya yata ay mabilis akong mahuhulog sa kaniya.
"Donʼt worry, hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya," tanging na sabi ko habang nakatingin lamang sa mga schoolmates ko na nagsasaya sa party.
May ilan na kaklase ko na napapatingin sa aking gawi at palipat-lipat ang tingin nila sa akin at itong babae. They should be, walang kumakausap sa babaeng ʼto dahil ayaw nila sa kaniya. And I think I know the reason.
"You should be. Kung gusto mo malayo sa gulo," sabi nʼya at napatingin na ako sa kaniya. Nakangisi pa sʼya at pakiramdam ko ay may mali talaga sa kaniya. "Okay lang na magkagusto ka sa iba basta hʼwag lang kay Student Council President Asther Vashreen Marquez. Kung ayaw mo masaktan sa bandang huli," dagdag pa nʼyang sabi at saka tumayo na para umalis.
Nakaalis na sʼya kaya wala akong na sabi kahit may gusto akong sabihin. Kahit hindi ko gusto ang tabas ng dila nʼya ay may point naman sʼya. Hindi dapat ako magkagusto kay Reen dahil ako lamang mapapahiya at masasaktan. Nahagilap ng mata ko si Mandy at mabilis naman sʼya lumapit sa akin. Malalaki pa ang ngiti sa kaniyang mapulang labi.

BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...