-CHYLENE HERA
Pauwi na ako ngayon sa dorm kasama si Mandy na panay putak sa akin. Halos lahat nga ng sinabi nʼya ay hindi pumasok sa isipan maliban na lang sa paulit-ulit nʼyang sinasabi.
"Ghorl, nagpatalo ka na naman ba? Dapat nagpapatalo, dapat nilabanan mo ang panget na ʼyon," ulit na naman ni Mandy sa advice nʼya sa akin.
Paano ko sʼya malabanan kung mas mataas rank nʼya sa school? Mabuti pa sʼya may ambag sa school samantalang ako ay puro kain at lamon. "Tapos na ʼyon kapag naulit na naman ay hindi ko na sʼya papalagpasin dahil hindi lang sa story ko sʼya papatayin kundi sa real life na," naiinis kong sambit habang inaalala ang nakangisi nʼyang mukha.
Lalo na ʼyong mga patama nʼya sa akin kanina. Kahit hindi naman nʼya sabihin ang pangalan ay ako talaga ang pinaparinggan nʼya kanina. Ako lang naman ang hindi interesado sa mga pinagsasabi nʼya. "Ang brutal mo naman, baka nakalimutan mong makukulong ka kasi hindi ka minor," paalala pa sa akin ni Mandy.
Napansin ko na nasa harapan na kami ng dorm namin. Era pa nga ang pangalan ng dorm namin kaya pumasok na kami sa loob para makapag-log book.
"Hindi naman kayo visitor dito?" tanong ng nagbabantay sa gate habang nangingilatis ang tingin.
"Hindi, may mga I.D kami," sambit ko at nilabas ang I.D ko para ipakita sa kaniya.
Tumango naman sʼya at sinulat ko na rin ang pangalan ni Mandy. Sʼya na ang bahala na pumirma sa pangalan nʼya. Pagkatapos ko pumirma at nagsulat ay si Mandy na naman ang sunod dahil sa pirma nʼya.
Nauna na ako maglakad sa kaniya at sumunod naman sʼya sa akin. Tahimik lang kami sa paglalakad dahil nag-iisip na ako ng mga scenes sa on going kong novel. Alam ko na magsasalita si Mandy dahil hindi nʼya kaya na hindi makapagsalita. Marites ang isang ʼto.
"Chylene, alam mo ba na may usap-usapan dito sa girls dormitory," sabi ni Mandy habang nakakasalubong namin ang aming dormates na papalabas para siguro bumili ng ulam.
Ano naman kaya ang nakalap ng chismosang ʼto? "Ano naman ʼyon?" curious kong tanong dahil wala namang masama kung malaman ko.
Lumapit sʼya sa akin para bumulong habang naglalakad kami. Nasa Room 31 kasi ang dorm namin and kailangan pa namin umakyat sa hagdan nasa second floor ito. "Alam mo ba na may isang tao na maraming nagkakagusto sa kaniya lalo na rito sa ERA Dorm at NEW Dorm," sambit ni Mandy na mukhang namamangha.
New Dorm ang kaharap ng Era Dorm kung saan doon kami naka-dorm ni Mandy. Actually apat dapat ang nasa room namin kaso tatlo pa lang kami dahil mas pinili ng ilan na mag-cottage or boarding house.
"Lalaki ba ʼyan?"
Lumayo sa akin si Mandy at bahagyang sumimangot.
"Malamang, hindi naman sila papatol sa kapwa babae," mataray na sagot ni Mandy.
Ang sungit naman nito. Naninigurado lang ako baka babae nga ang tinutukoy niya. "So, anoʼng problema roon kung maraming nagkakagusto sa taong iyon?" nagtataka kong tanong at pumanhik na kami sa hagdan.
Napasapo ito sa kaniyang noo na parang sobra na ang stress nʼya sa katawan. "Hindi ka ba nacu-curious sa kaniya? Malamang gusto ko sʼyang makita para sigurado ako na ano ang dahilan kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. Naitindihan mo ba?" paliwanag ni Mandy at tumango ako ng tipid.
Napailing na lang sʼya sa akin. "Hindi ako interesado sa kaniya," simpleng sabi ko para tigilan na nʼya ang ganʼyang usapan.
Mas lalong tumulis ang kaniyang nguso. "Let see if masasabi mo pa ʼyan once na makita na natin sʼya," confident na sabi nʼya na kapag nakita ko ang taong tinutukoy nʼya ay mamangha ako sa taong iyon.

BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...