-CHYLENE
Maraming mga student sa accountancy department ang kumpulan sa bulletin board para tingnan nila kung pasok ba sila sa scholar. Si Mandy naman ay busy sa pagpasa ng requirements sa isang subject nʼya kasi hindi pa sʼya nabigyan ng grade.
Malapit na kasi ang closing ng submission of grades. Habang si Leigh naman ay may orientation sila sa club. Sumali kasi sʼya writing club.
“Kasali ka ba sa scholar?”
Napalingon ako sa dalawang babae na dumaan sa aking tabi. I think sophomore silang dalawa base sa ID lace nila.
“Oo, pero DL. Ikaw?”
“Hindi, sayang nga.”
May ilan na malungkot na umaalis at may ilan na masaya sa kanilang nalalaman. Samoʼt saring mga reaksyon ang nakikita ko.
Nang mabawasan ang mga tao ay saka naman ako lumapit sa bulletin board. Tiningnan ko ang list ng mga scholar. Una akong pumunta sa PL pero wala roon ang pangalan ko, kaya sumunod ako sa CL at ganoʼn din wala ang pangalan ko.
Nakita ko ang name ko sa DL dahil nangunguna roon ang pangalan. 2 points sana ang kulang at CL na ako. Bumalik ako sa puwesto ko na bagsak ang balikat. Magagalit na naman si papa dahil hindi ako nakapasok sa CL at PL. Sila kasi ang may allowance agad, sa DL kasi ay dapat two consecutive DL ka bago ka makatanggap.
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko kasi para akong nalulutang sa mixed emotions na nararamdaman ko. Umupo ako sa mga bench sa may labas ng college of CBAA.
Napakagat ako sa aking labi dahil panay ring ng cellphone ko. Tumatawag si mama at alam ko na ang itatanong nʼya. Bumuntonghininga ako at sinagot ang tawag nʼya.
“Hello, Mama, kumusta po kayo?” mahina kong tanong sa kabilang linya.
“Maayos naman kami, anak pasok ka ba sa scholar?” excited na tanong ni mama.
Nakaramdam ako ng guilt sa aking puso dahil mukhang excited pa si mama. Sana ginalingan ko pa kaso hanggang doon lang ang kaya ng utak ko. Kahit nagsisipag ako ay mahirap makipagsabayan sa mga kaklase ko na matatalino. Kahit minsan ay wala akong tulog dahil sa over studying.
“Pasok po ako kaso...”
Bumibigat ang pakiramdam ko sa sasabihin nila sa akin. Umaasa kasi sila na pasok ako sa CL at PL dahil malaki ang expectations nila sa akin.
“Kaso? May problema ba, anak?” malumanay na tanong ni mama.
Nakailang lunok muna ako sa laway ko bago bumuga ng malalim na hininga.
“Pasok po sa DL ang GPA ko,” sabi ko at nilalakasan ang loob ko.
Narinig ko ang pananahimik nila sa kabilang linya. Iʼm sure na nakikinig si papa sa usapan namin ni mama. Pero ilang sandali ay narinig ko ang mga komento sa akin ni papa.
“DL? Sinabi ko na ba na riyan papasok si Chylene. Lagi na lang niya ako dinidismaya. Ano bang ginagawa nʼyang bata na ʼyan? Gawin nʼya ang best nʼya para naman gumaan ang pakiramdam ko. Lagi na lang masamang balita ang naririnig ko sa kaniya,” dinig kong sambit ni papa at hindi ko na pinakinggan ang pagtatanggol sa akin ni mama dahil nagiging emotional na ako.
Parang nablangko ang aking isipan hanggang sa namatay ang tawag dahil pinatay yata ni mama. Lagi na lang ganiyan ang naririnig ko kay papa. Ginagawa ko naman ang best ko pero hanggang doon lang kaya ko. Hindi niya na-appreciate ang best ko dahil gusto nʼya mas mataas pa roon.
He set a standard for me and he want me to reach his standard for me. Kahit noʼng SHS ako, lagi sʼyang nadidismaya dahil hanggang high honor lang ako kahit kaya ko raw makarating ako sa highest honor kung talagang nag-aaral ako ng mabuti.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
