-CHYLENE HERA
Napilit ako nina Mandy at Leigh na manood doon sa game ni Reen. Nagkakilala na sila at parang mag-bestie na nga sila dahil parehas sila ng vibes na mga kalog. Mabuti na lang at wala kaming pasok ngayong hapon dahil sa biglang meeting ng all faculty para sa paparating na foundation day.
Kaya nandito na kami sa malaking gymnasium ng school na kung tawagin ay Kize Gym. Napakalaki nitong gym at kasya ang maraming tao. Nakaupo kami sa first bleacher na malapit sa court. Si Mandy ang pumili nito na sinang-ayunan ni Leigh. Maaga kasi kaming nakarating sa gym kaya kaunti pa ang tao. Baka mamaya ay maraming pupunta.
"Ang guwapo talaga ni Asther."
"Mala-korean ang features at webtoon."
"Sana pansinin nʼya ako."
"Ako talaga ang papansinin nʼya."
"Ang tangkad nʼya pa."
Ang daming nagbubulungan na fan girls ni Reen. Ewan ko kung bulong pa ang tawag dito dahil naririnig ko naman.
"Bakit ba rito tayo umupo? Ang lapit sa court," naiirita kong sambit at napa-cross arms.
Ayaw ko pa naman makita ʼyong pagmumukha ni Reen. Sana hindi na lang ako pumayag sa alok nʼyang manood kami ng game nʼya. Nakita ko na nagsilabasan na ʼyong mga player. Mukhang magsisimula na ʼyong laro.
"Syempre para makita natin ang naglalaro sa malapitan," sagot naman ni Leigh at may dala pa sʼyang snack sa kaniyang mga kamay.
Hindi ko man lang napansin na natapos na tawagin ʼyong mga player. Outside hitter pala ang position ni Reen maliban sa captain. Mas lalong lumakas ang sigawan noong naka-score sa spike si Reen.
"Parang tanga lang, Hera. Hindi naman obvious na nanonood tayo nang maayos kaya tayo umupo rito," mataray na sabi ni Mandy at panay cheer nila kina Reen kahit ibang college sila.
"Ang galing talaga ni Asther. Tapos guwapo pa, nasa kaniya na ang lahat," komento pa ni Leigh habang nanonood.
Guwapo nga sʼya at nasa kaniya na ang lahat. Pero ayaw ko sa kaniya. Hindi ko malilimutan ang sinabi nʼya na masasakit na salita. Mabuti nga hindi natatamaan ʼyong braces nʼya. Sumasabay pa kasi sa uso ngayon.
"I-cheer mo kaya sʼya, Hera," pang-aasar ni Mandy na tinawanan pa ni Leigh.
Ako na naman ang trip ng mga ʼto. As if naman na susundin ko ang sinabi nila. Ayaw ko i-cheer ang lalaking iyan.
"Ayaw ko nga."
"Sige na," pangungulit pa ni Mandy.
Baʼt ba ʼto nangungulit? Ayaw ko nga kausapin at pansinin si Reen tapos iche-cheer ko pa. Baka ako ang dumugin ng mga fan girls nʼya. Ang dami pa naman nʼyang fan girls.
"Kung gusto mo ay ikaw ang gumawa," final kong sabi habang nanonood sa laro.
Magaling din ʼyong opposite spiker nila. Matangkad din ito at laging nakangiti. Sʼya ʼyong tipong lalaki na mabait ang mukha. Sikat din ito tulad ni Reen. Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Mandy. Nakangisi pa ito kaya hindi maganda ang kutob ko sa gagawin nʼya.
"Hoy! Anoʼng gagawin mo?!" natataranta kong singhal sa kaniya.
She show me her sweetest smile at all. Hindi ko gusto ang mga ngiti niyang ʼyon.
"Sabi mo kung gusto ko ay gagawin ko," sabi nʼya at humarap doon sa mga naglalaro.
May binabalak nga na kakaiba ang babaeng ʼto. I need to stop her kasi hindi ko gusto ang gagawin nʼya. Pilit ko sʼyang hinihila para maupo ulit kaso hindi sʼya nagpatinag.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romantizm[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
