-CHYLENE HERA
Tambak ako ng maraming activities at assignments sa mga subject namin. Lalo na ʼyong practical research 1 namin about sa qualitative research. Naiinis din ako dahil wala lang ambag ʼyong iba kong groupmates.
Once na mag-chat ako sa gc namin ay ʼyong dalawa or tatlo lang ang nagre-reply kahit na 10 kami sa isang grupo. Naiinis ako dahil parang ako pa dapat ang lumapit sa kanila para pilitin sila na mag-cooperate sa research namin.
Grade conscious talaga ako dahil titingnan pa ito ng papasukan mo sa College lalo na strict sa grades ʼyong BS Accountancy rito. Panay cheer up lang ang ambag nila na kakayanin daw namin ito.
Ang kakapal ng mukha.
Gusto kong magalit at magwala pero hindi ko magawa. Ako pa ang naka-assign sa proofreading dahil member pa ako ng varsitarian club. Isa itong club for editing and writing poems, poetry and novel.
Halos wala akong tulog sa sobrang page-edit ko sa research namin dahil ayaw kong may mali na isa lalo na strict ʼyong nakuha naming panel.
"Okay ka lang ba talaga, Chylene?" tanong sa akin ni Mandy.
Nandito kami ngayon sa may golf kung saan nagpapahangin kaming dalawa sa sobrang stress na nararamdaman ko. Ang dami kong gustong ilabas na problema pero hindi ko kaya, parang may pumipigil sa akin na maglabas ng maraming emosyon.
"Hindi ko alam kung okay pa ba ako or hindi na. Sobra na akong na-stress sa mga subject ko tapos dagdag pa itong research paper namin," sabi ko habang tumatakbo na naman sa isipan ko ang mga activities ko at assignments.
Halatang stress na stress na ako dahil nanghihina na ang katawan ko sa dami kong iniisip. I wish na mabilis ko itong matapos.
"Ano pala ang problema sa research paper nʼyo? Marami naman kayo sa isang group. Baʼt ikaw lang ang gumagawa sa research paper nʼyo gayong marami naman kayo," tanong sa akin ni Mandy habang sumusubo ng kaniyang favorite chichirya na nova."Ewan ko, Mandy. Hindi sila tumutulong. Nakikiusap na nga ako sa groupchat namin at iyong iba lang ang tumutulong ang iba ay parang wala lang sa kanila," sambit ko at tumingin sa malayo.
I am so sad, and broke. I want to burst out my problem but I canʼt. Pagsubok pa lang ito bilang SHS student, paano pa naman kung college na ako?
"Edi hʼwag mong isali. Huwag mo silang ilista roon sa research paper nʼyo. Hindi naman sila kawalan. Nakadepende na ʼyan sa kanila kung gusto nila pumasa. Hindi mo naman hawak ang desisyon nila. Kaya cheer up na, matapang ang nakilala kong Chylene," payo sa akin ni Mandy at inabutan ako ng nova, piatos at mismo coke.
Kinuha ko naman ito at sinimulan na kainin ang nova. Dapat bang hindi ko sila ilista? Bahala na, depende na sa kanila kung gusto nila pumasa. Hindi ko naman kasi akalain na bago pa lang ang pasukan pero may research paper na kami.
Naalala ko tuloy noong Grade 9 days ko. Doon sa Entrep kong subject, pinagawa kami ng business proposal hanggang sa Grade 10. Sa Grade 9 ay nagbigay lamang kami ng free taste sa product namin na pagkain then noong Grade 10 na ay actual na nagbenta kami.
Nalugi pa nga kami dahil hindi man lang nagbayad ang iba kahit napakalaking palugid ang binigay ko sa kanila. Ayaw ko talagang groupmates ʼyong pabigat tapos kapag hindi mo sinali sa list ay sila pa ang galit.
"Bahala na nga," tanging nasambit ko.
Napansin ko ang pagngisi ni Mandy na parang may naisip na namang kalokohan. Tinaasan ko sʼya ng kilay. Ano kaya ang problema nito?
"Kumusta ang date mo kay Kaps Asther?" nakangisi nitong tanong at tinaas baba ang kaniyang kilay.
Dahil sa sinabi nʼya ay bumalik sa akin ang sinabi ni Asther. Pagkatapos nʼya kasi ʼyon sabihin ay tumakbo ako ng mabilis palayo sa kaniya dahil nahihiya ako. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisnge.

BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Storie d'amore[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...