-CHYLENE
Kanina pa ako nakatitig sa aking libro sa Theory Financial Accounting dahil walang pumapasok sa aking isipan tungkol sa mga theory. Malapit na kasi ang first semester prelim examination namin kaya naghahanda ako.
Ginulo ko ang aking buhok sa sobrang frustration na naramdaman ko. Napatingin ako kay Mandy na nagbabasa rin ng libro habang nag-take down notes, ganoʼn din si Lay.
Naiingit ako sa ibang freshmen sa ibang colleges kasi wala silang major subject basta freshmen ka pero sa amin ay may major at minor subject kami. Tatlo pa talaga ang major subject ko tapos may minor subject din ako sa ibang courses sa college namin tulad ng marketing at home economics.
Nasa chapter 1 pa lang ako ng book at pamagat na the accountancy profession. Wala akong maintindihan sa binabasa ko kasi hindi ito pinaliwanag ng maayos ng professor namin.
“The accounting standards council defines accounting as follows. Accounting is a service activity. Its function is to provide quantitative information, primarily financial in nature, about economic entities, that is intended to be useful in making economic decision,” pagbabasa ko sa unang topic sa chapter 1 ng libro.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mandy kaya nilingon ko ito at nakita ko na nakatingin ito sa akin habang tumatawa.
“Bakit ka tumatawa? Na-stress ka na ba sa binabasa mo?” kalmado kong tanong.
“Ako nga dapat magsabi sa ʼyo na stress ka na. Binabasa mo kaya ng malakas ang context kapag na-stress ka na at hindi mo maintindihan ang nilalaman ng binabasa mo. Hindi ka pa rin nagbabago, Hera,” sabi ni Mandy at umirap na lang ako.
Tama naman sʼya, ganoʼn coping mechanism ko kapag stress na sa academics. Binabasa ko ng malakas ang context kapag hindi ko naitindihan.
“Kilalang-kilala mo talaga ako ʼno?” asar kong tanong sa kaniya.
Ngumisi sʼya ng malawak at sinara ang libro na binabasa nʼya saka tinanggal nʼya ang purple specs nʼya. “Malamang, ang tagal na natin magkaibigan. Nagsasawa na nga ako sa pagmumukha mo,” natatawang sambit nito at natawa na rin ako.
Nagsasawa na rin ako sa pagmumukha nʼya kasi since high school ay magkaibigan kami niyan.
“The feeling is mutual. Nagsasawa na rin ako sa pagmumukha mo,” natatawa kong sambit.
Dati naniniwala ako na walang magtatagal sa akin na kaibigan dahil sa ugali ko at pagiging straightforward ko. Pero hindi ko akalain na magtatagal ang friendship namin ni Mandy kasi may similarities kami sa ugali. Aside lang sa extrovert sʼya habang introvert ako.
Nadagdagan din ang kaibigan ko at si Lay at Leigh pa na mukhang funny rin sila. Humarap ako sa aking libro at doon kumawala ang ngiti sa aking mga labi. Kahit stress ako pagdating sa pamilya ko ay gumagaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko mga kaibigan ko.
Napatigil ang pagbabasa ko dahil nag-vibrate ang cellphone ko sa tabi ng mga notes ko. Tiningnan ko ang nag-text at napangiti pa ako lalo na si Reen ito.
From: Reen
Study muna tayo sa mga academic natin. Goodluck sa atin at mag-date na lang tayo kapag tapos na tayo sa mga academics natin. Kaya mo ʼyan, Hera. I love you.Nag-reply rin ako sa kaniya at mas lalo akong napangiti. Kahit wala kaming tawagan at name bases kami ay natutuwa pa rin ako.
***
I canʼt believe na ngayong ilalabas ang result namin sa mga examination sa major. Nakalagay kasi sa bulletin board. Sumingit ako sa pila at nagulat ako sa result ko sa Theory Financial Accounting, Intermediate Accounting, at Notes In Business Law.

BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fict...