CHAPTER 14

807 11 1
                                    

-CHYLENE HERA

Umaga na at hindi na nagsalubong ang landas namin ni Reen. Mukhang umayon ang tadhana sa akin. Mas mabuti na rin ito para matigil na ʼyong mga chismosa sa mga usapan nila tungkol sa akin. Ayaw ko rin masira ang unang pasok sa school as a college student. Maaga ako pumunta sa annex dahil doon ang first subject ko na GEC102 Purposive Communication.

8:30 to 10:00 am ang klase ko sa annex pero pumunta ako roon ng maaga dahil hahanapin ko pa roon kung saan ang room EF6. Habang dumadaan ako sa hallway ng annex ay marami rin akong nakita na barkada na panay hanap din sa magiging room nila. May ilan din na nagtatambay sa gilid ng pintuan ng room since nakasara ito.

May nakita akong dalawang lalaki at ʼyong isa ay may hawak na DLSR camera. Pinipicturan nila 'ʼyong mga students na dumadaan. Mabuti na lang at ibang way ang nadadaraanan ko. Nasa ʼdi kalayuan kasi sila at ayaw ko pa naman ma-post sa mga facebook page ng school lalo na kung stolen ang mukha ko roon.

Hindi nagtagal ay nakarating ako sa room na hinahanap ko. Pumasok ako sa loob at umupo sa harap sa tabi ng isang babae na tinatalikuran ako dahil busy sʼya sa kaniyang sinusulat. Nilapag ko ang aking bag at binuksan ito. Kinuha ko ang COR at nilapag sa desk ko.

"Good morning, my students," bati nang kapapasok lamang ng isang babae.

Pumasok ito habang may malawak na ngiti. Mukhang good mood ito. Humarap sʼya sa amin at may malawak itong ngiti. I think nasa 30's ang dahil ang bata pa ng kaniyang hitsura.

"Our subject today is GEC102 which means Purposive Communication. I am excited to teach right now, but I have to attend some important meeting regarding to our upcoming foundation day. But you will do your assignment and pass it on Wednesday. The foundation day is coming so I hope you will enjoy it," mahaba nʼyang paliwanag.

Oo nga pala, foundation day na naman. Maririnig mo naman ang pangmalakasan na cheer sa ibaʼt ibang colleges. Sa September 1 ang foundation day ng school. I am sure na enjoy ang paparating na foundation day kasi college na kami unlike noong SHS.

Kaunti lang kasi ang department noong SHS pero ngayong college na ay super dami. 14 colleges ang nasa school namin.

"Kindly copy this one and do your assignment. Ang makakagawa nito ang may attendance at sa Wednesday ako magche-check kasali na ang attendance ngayon," sabi ni Maʼam pagkatapos nʼya magsulat sa board.

Kinuha nʼya ang kaniyang mga gamit at humarap sa amin. "Goodbye, see you on Wednesday," sabi nito at nag-wave pa sa amin.

Hindi ito kinopya ng mga kaklase ko kundi pinicturan lang nila. Ako lang ang bukod tangi na nagsulat sa notes ko. May isa akong notebook kung saan doon ko sinusulat ang mga assignment at important notes.

"Guys, gumawa kayo ng group chat then send nʼyo roon ang picture ng assignment natin," sabi nang isang babae habang inaayos ang kaniyang gamit.

"Hindi natin naitanong kay Maʼam kung saan isusulat," sabi rin ng isang babae na maliit ang buhok.

Tama sʼya, hindi namin alam kung saan ito isusulat dahil walang nakapagtanong kay Maʼam.

"Gagawa ako ng group chat at isasali ko roon si Ma'am then doon kayo mag-ask ng concern nʼyo regarding sa assignment. Ilista nʼyo rito ang facebook name nʼyo para ma-add ko kayo sa gagawin na group chat," sabi nang babaeng katabi ko.

Nilingon ako at nagulat ako kung sino ito. Sʼya ʼyong nakasama ko noong entrance exam sa Room 20. Napansin nʼya yata ang pagtitig ko kaya lumingon sʼya sa akin. Nagulat din sʼya noong nakita nʼya ako. Hindi naman nʼya siguro ako nakalimutan?

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon