CHAPTER 16

2.8K 40 1
                                        

-CHYLENE HERA

Nahiwalay ako kina Leigh at Mandy dahil may mga klase sila sa major subject nila habang ako naman ay wala. Katatapos lang kasi namin manood ng game ni Asther. Hindi papasok ang major teacher ko kaya bumalik ako sa dorm. Habang naglalakad papunta sa room namin ay hindi mawalay sa isipan ko ang nakita ko kanina. Sino kaya ang babaeng iyon? Mukhang ʼyon na ang tinutukoy ni Reen na gusto nʼya.

Hindi ko alam kung bakit nawalan ako ng gana. Napahinto ako sa paglalakad at tumingala sa isang room na tinigilan ko. Muntik na pala akong lumagpas sa room namin nina Mandy. Bumuntonghininga ako at binuksan ang pinto since hindi naman ito naka-lock.

Kapag hindi naka-lock ay ibig sabihin noʼn ay may tao sa loob. Pagbukas ko ay nakita ko sa side table ni Lay na nakangiti sʼya habang nakabukas ang kanan niyang drawer. Ang laki ng ngiti nʼya at kitang-kita ang ngipin nʼya.

Ano kaya ang nakikita nʼya sa drawer para ngumiti sʼya ng malaki? Parang tanga lang kasi nakangiti sʼya mag-isa. Hindi man lang nʼya napansin ang pagpasok ko at pagbukas ng pinto.

"You look stupid," sabi ko at sinara ang pinto.

Hindi nʼya ba narinig ang pagbukas ko ng pinto?

Dahil sa sinabi ko ay ang bilis nʼyang sinara ang drawer nʼya. "Ikaw pala ʼyan, Chylene," sabi nʼya habang naka-awkward smile.

Mukhang hindi pa rin sʼya comfortable sa akin. Hindi naman ako masungit o mataray. Mukha lang akong masungit pero sa kaloob-looban ko ay sobrang bait ko. Hindi lang ako marunong mag-express.

"Puwede mo akong tawaging Hera," sabi ko para maging comfortable sʼya sa akin.

Mga half day pala ang mga SHS. Hindi kagaya sa amin na depende sa schedule mo. TVL nga pala ang strand nitong si Lay at grade 12 sʼya.

"Ganoʼn ba? Sige Hera na lang itatawag ko sa ʼyo," sabi nʼya at tuluyan na sʼyang ngumiti sa akin.

Mukhang comfortable na sʼya sa akin. Sa tingin ko rin ay inspired sʼya dahil sa taong gusto nʼya. Hindi ko naman kilala kung sino ito pero alam ko na malaki ang impact nito kay Lay. Sa tingin ko rin ay sikat sa campus.

"Bakit para kang tanga kanina kung makangiti? Dahil ba sa crush mo?" nakangiti kong tanong para asarin sʼya.

Dahil sa naging tanong ko ay mas lumawak ang kaniyang ngiti. Mukhang kinikilig sʼya pero pinipigilan nʼya ang kaniyang sarili na ipakita ito.

"Oo, nasa akin pa rin ʼyong payong nʼya at ang binigay nʼyang pagkain na prickles in can," sabi nʼya at tiningnan ang nasa drawer nʼya.

Kaya pala sʼya nakangiti kanina dahil sa binigay sa kaniya. Gusto ko malaman ang taong crush nʼya para makita ko kung matino ito o sasaktan lang sʼya sa huli. Pero kahit matino ʼyong tao ay paasahin ka rin nʼya sa huli. Ikaw naman si tanga na umasa dahil sa mga simpleng salita at ginagawa nʼya kaya akala mo ay may gusto rin sʼya sa ʼyo.

"Ganoʼn ba, sana naman hindi ka paasahin niyan. Masakit pa naman kapag masaktan ka ng isang tao na gusto mo," sabi ko habang naiisip ko na naman ang nakita ko kanina.

Unti-unti na naman akong nasasaktan dahil sa nakita kanina. Ang sakit pala kung makita mo na masaya sa piling ng iba ʼyong taong nagugustuhan mo. Na-re-realize mo na hindi pala ikaw ang gusto nʼya kundi iba at sadyang mabait lang sʼya sa ʼyo.

"Pero pinagalitan at pinahiya ako ng teacher ko sa General Mathematics. 2 lang kasi ang nakuha kong score sa quiz namin na 30 items. Kaya hahanap ako ng tutor sa math," kuwento ni Lay sa malungkot na boses.

May mga teacher talaga na mahilig mamahiya ng student. I experienced that too noong research paper namin. Wala raw akong kakayahan maging leader dahil kulang ako sa comprehension sa mga kasama ko. Bakit kasalanan ko ba na hindi sila tumutulong? Kahit na ako na mismo ang kumukulit sa kanila na tumulong at binigyan ko pa sila ng task nila.

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon