-CHYLENE HERA
I am here waiting to Reen. Nauna ako sa coffee shop kung saan kami magkikita. Napapairap ako ng palihim sa mga couples dito na halos maglampungan na. Hindi ba uso sa kanila ang word na privacy. Napaka-PDA nila masiyado. Hindi ako bitter, pero nakaiirita lang kasi.
Um-order na ako ng paborito kong oreo frappe with chicken burger and spicy fries. Bahala na si Reen kung ano ang i-order nʼya pagdating nʼya. Hindi ko naman alam ang paborito nʼyang pagkain. Dala ko ang aking laptop kasi tutulungan nʼya ako sa research paper namin.
"Naghintay ka ba ng matagal?" tanong ng kararating lang na si Reen.
Napatingin ako agad sa kaniyang sout. Isang black shirt na pinatungan nʼya ng black long sleeve button-down polo na nakabukas at black skinny pants. Bumagay rin ang white shoes nʼyang addidas ang brand. Nakasout sʼya ng relo at may dalang pack bag pero nakasukib lang ʼyon sa isa niyang balikat sa kanan.
He look cool on it kaya nagpaiwas ako ng tingin. "Hindi mo sinagot ang tanong ko," sabi nʼya bigla at umupo sa upuan na katapat ko.
"Ano bang tanong mo?" balik kong tanong sa kaniya.
Natawa naman sʼya ng kaunti kaya napataas ang aking kilay. Bakit ba laging husky ang boses nito or malumanay? Ganʼto na ba talaga ang boses nʼya?
"Sabi ko naghintay ka ba ng matagal?" tanong nʼya kaya napapahiyang nagbaba ako ng tingin.
Baka akala nʼya ay nagugustuhan ko na sʼya. Malayo mangyari ʼyan dahil ayaw ko sumuway sa batas ko sa aking sarili.
"Hindi naman, kararating ko lang din," sambit ko at ngumiti naman sʼya kaya medyo litaw ʼyong maliit nʼyang dimple.
"So, letʼs start," sabi nʼya sa akin kaya nagtaka ako kung bakit hindi man lang sʼya um-order.
"Hindi ka ba o-order ng kakainin mo?" hindi ko na napigilan itanong.
Ngumiti naman sʼya at umiling. Mukhang hindi pa sʼya gutom. Pinagpatuloy nʼya ang paghalungkat sa kaniyang bagpack na itim. Sa tingin ko ay black ang favorite nʼyang color habang purple naman sa akin.
"Anoʼng hinahanap mo?" tanong ko kasi kanina pa sʼya panay halungkat sa bag nʼya.
Umangat sʼya ng tingin sa akin at bahagyang ngumiti. Palangiti pala ang isang ʼto.
"Bakit pala Agriculture ang natipuhan mong course?" bigla kong naitanong sa kaniya kaya umangat sʼya ng tingin sa akin.
Tinigil muna nʼya ang paghahanap sa kaniyang hinahanap. "Actually, gusto ng family ko na kumuha ako ng course na related sa business dahil nag-iisa nila akong anak at gusto nila ipamana sa akin ang mga business nila. Gusto nila maging under ako sa College of Business Accountancy and Administration pero umayaw ako. Mas gusto ko maging future agriculturist kaya masama pa rin ang loob nila sa akin," pagkuwento nʼya kaya nalungkot naman ako sa kaniya.
Mahirap pala talaga maging mayaman. Mga parents ko kasi ay support sila sa kahit anoʼng course na kukunin ko as long as malalaki ang grade ko. Sinabi nila sa akin ito bago-bago lang. "Matatanggap din nila agad ʼyon. Ikaw ang magdesisyon kung ano gusto mong kunin course dahil pangarap mo at sa ʼyo nakasalalay ang future mo," sambit ko kaya napatango na lang sʼya.
"Okay lang, basta may maging girlfriend ako na maging CPA," sambit nʼya kaya kinabahan ako sa kaniyang sinabi.
Ako ba ang tinutukoy nʼya? Pero may condition na ako sa kaniya. Dapat masunod ʼyon.
"Edi maghanap ka sa CBAA sure ako na maraming magaganda roon na mga accountancy or business management ang course nila," natatawa kong sambit sa kaniya dahil ʼyon ang pumasok sa isip ko.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
