CHAPTER 22

2.5K 35 9
                                        

-CHYLENE HERA

Tapos na ang music extravaganza at hindi ko magawang sumaya. Nagdadalawang isip ako sa naging decision. Alam ko masasaktan ang mga magulang ko sa magiging decision ko.

Ganito ba talaga kahirap ang magmahal?

Gusto ko lamang sumaya dahil buong buhay ko ay lagi ko silang sinusunod at ginawa ko rin ang best ko para maging proud sila sa akin. Kahit wala akong tulog sa pag-aaral ko ay ginagawa ko dahil gusto ko maging proud sila at sumaya.

“Hera, okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa nakatulala?” tanong ni Mandy habang naglalakad kami sa may terminal.

Ihahatid namin si Leigh para makauwi na sʼya. Katatapos lang kasi ng event at may dance extravaganza pa bukas.

“Okay lang ako, nakaramdam lamang ako ng pagod,” pagsisinungaling ko at tumango naman ito.

I am good at pretending that I am okay. Hindi nagtagal ay nakarating kami sa may mga jeep. Timing din na isang pasahero na lang ang hinihintay nila para makauwi sila.

Kinausap ni Mandy at Leigh ang konduktor. Agad naman sila bumalik pagkatapos nilang itong kausapin. Sumakay naman si Leigh sa jeep at kumakaway ito sa amin sa may bintana. Sa may gitna sʼya nakaupo at panay kaway nito sa amin.

Kumaway rin kami sa kaniya. “Mag-iingat kang babae ka!” malakas na sambit sa kaniya ni Mandy at natawa ang ilang pasahero sa sinabi ni Mandy.

“Oo naman, kayo rin!” ganting sigaw rin ni Leigh.

Pagka-alis ng jeep ay naglakad naman kami sa bilihan ng ulam.

“Ano ang iuulam natin?” tanong ni Mandy habang nilalakad namin ang fifth street kasi roon maraming nagbebenta ng ulam na affordable.

“Mas gusto ko na gulay,” simpleng sambit ko habang nasa gitna nila ako.

“Ako rin,” sabi rin ni Lay.

Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa fifth street. Pumunta kami sa unang nagbebenta ng ulam at napansin namin ang kumpulan ng mga students sa may tindahan ng mga street food.

Binuksan ko ang unang kaldero at bumungad sa akin ang isang gatang monggo, habang binuksan ko rin ang sa tabi nʼya at tinolang bangus ito. Si Lay naman ang nagbukas sa pangatlo na kaldero at sari-sari na gata. Ang ikaapat naman ay paksiw na galunggong.

Patuloy kami sa pagbukas ng kaldero hanggang sa nakapili na kami. “Isang serve na tinolang bangus at isang tortang talong,” sabi ko habang kinukuha ang wallet ko sa aking bulsa.

“Ito lang ba?”

Tumango ako. “45 lahat,” sabi ng tindera at binigay ko sa kaniya ang 50 pesos ko.

Binigay naman nʼya ang 5 pesos na sukli at ang supot ng ulam. Lumipat naman ang tingin nʼya kay Leigh na nasa tabi ko. “Ano naman sa ʼyo, hija?” sabi ng tindera na I think nasa 30ʼs at medyo may katabaan ito na morena ang kutis.

Nakapusod ang buhok nito at malumanay ang tingin nito sa amin. “Isang serve na sinigang na tuna at isang pritong hipon,” sambit ni Lay at agad ito binalot ng tindera.

“50 pesos lahat,” sabi ng tindera at binigay nʼya kay Lay ang nakasupot sa white cellophane na ulam at inabot din ni Lay ang 50 pesos.

Si Mandy naman ay sa mya chicken house bumili. Isang breast part na manok ang kaniyang binili na 35 pesos ang price. Timing na nakatingin ako kay Mandy na naglalakad sa puwesto namin ni Lay ay may nakita akong tatlong lalaki sa may kumpulan ng isaw.

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon