CHAPTER 21

676 7 1
                                    

-CHYLENE HERA

Lunch break namin sa intramurals kaya lumabas muna kami sa gym. Pinilit ko na alisin muna sa aking isipan ang text ni Mama baka mahalata nina Mandy.

“Saan tayo kakain?” tanong ni Leigh habang panay tingin sa paligid.

“Paano kung doon tayo sa may territory, mura ang pastel doon tapos worth it pa,” sabi ni Lay habang nasa gitna namin sʼya.

Maganda ang suggestion ni Lay para makatipid na rin ako. Tinatamad kami bumalik sa dorm para roon pa kumain at magluto. Malayo kasi ang gym sa dorm namin.

“Doon tayo sa infinitea, libre ko kayo,” sabi ni Mandy at iginaya kami sa way ng infinitea na malapit lang sa gym kasi katabi ng bake shop.

Inasar naman ni Leigh si Mandy. “Sanaol talaga yamanin,” pang-aasar ni Leigh na tinawanan ni Lay.

“Nakahihiya naman,” sagot ko dahil mataas ang presyo sa infinitea.

Inakbayan ako ni Mandy dahil sʼya ang katabi ko sa left side ko. “Hʼwag ka na mahiya, Hera. Kaibigan ko kayo kaya ililibre ko kayo,” sagot ni Mandy at nakarating na kami sa infinitea.

Wala masyadong tao kaya nagmadali kaming pumasok sa loob. Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang lamig ng aircon at mabangong amoy ng shop.

“Kunin ko lang ang menu, humanap kayo ng bakanteng table baka wala tayong maupuan,” utos ni Mandy saka pumunta sa counter.

Agad naman kami humanap hanggang sa nahanap namin ay sa dulo sa may gilid. Timing na pang-apat ang upuan. Doon kami umupo sa tabi ng wall habang may bakante rin na upuan sa kabila pero pang walo ang upuan na ʼyon.

Pagkaupo namin ay timing din na dumating si Mandy habang hawak ang menu. Umupo sʼya sa tabi ni Lay habang magkatabi kami ni Leigh. Sila ang nakaharap sa mga tao na paparating habang nakatalikod kami ni Leigh.

“Ano ang order nʼyo, guys? Hʼwag na kayo mahiya pa,” sabi ni Mandy kaya tumango na lang ako kahit nahihiya ako.

Sa may tabi ng wall ako umupo at kaharap ko si Lay habang magkaharap si Leigh at Mandy.

“Una muna tayo sa meal, ano ang gusto nʼyo?” tanong ni Mandy habang nakahawak kami isa-isa ng menu.

“Ang pipiliin ko na lang ay rice with beef steak, kayo?” sabi ni Leigh at nanlaki ako sa price ng sinabi ni Leigh.

“175 ang beef steak at rice. Ang mahal,” mahina kong bulong at natawa si Leigh sa sinabi ko.

Kaya kinurot ko ito sa tagiliran ng mahina para patahimikin sʼya.
“Rice at fice fillet sa akin,” sabi ko dahil nasa 110 lang ito.

Ito ʼyong pinakamura habang 250 ang mahal dahil double rice with buffalo wings. Nililista naman ni Mandy ang order namin.

“Rice at fried chicken sa akin,” mahinang sambit ni Lay habang nakatingin sa menu.

Nasa 125 ang order ni Lay. Chicken garlic pala ang kinuha nʼyang chicken wings. “Double rice at chicken garlic sa akin,” sambit ni Mandy at nasa 190 ang price ng sinabi nʼya.

Nilista pa ito ni Mandy. “Ano ang snack at drinks nʼyo? May mga combo riyan,” sambit nʼya at namili naman kami.

Hindi kami makatanggi sa sinabi ni Mandy baka mainis sʼya sa amin dahil panay tanggi namin.

“Chessy veg nachos at grande black forest milk tea sa akin,” sambit ni Leigh at tumango si Mandy na nilista naman agad.

Tumingin sa akin at kay Lay si Mandy. “Kayo?”

INVADING YOUR CAPACITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon