-CHYLENE HERA
Gusto ko na lang makaalis dito dahil sa kahihiyan at wala pa akong maisasagot sa kaniya. Hindi ako handa sa ganito kasi biglaan.
"May kukunin lang ako na nakalimutan ko." Pagsisinungaling ko at mabilis na tumakbo paalis doon.
Kahit na nasa itaas kami na hagdan ay mabilis akong tumakbo paalis. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao at pagtawag sa pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin dahil mas focus ako sa pag-alis. Bahala na kung ano ang mangyayari. Pumunta na lang ako sa golf para makapag-isip.
"Ano ang isasagot ko kapag nakaharap ko sʼya?" tanong ko sa aking sarili.
Kanina pa rin tumutunog ang aking cellphone. Panigurado na tumatawag na sa akin sina Mandy. Pinabayaan ko na muna ang cellphone ko sa pagtunog. Mamaya ko na sila kakausapin ng personal.
Napangiti na lang ako sa mga high school students na nagbo-bonding dito sa golf. Mukhang masaya sila sa kanilang bonding. Ang sarap bumalik sa high school life noong hindi pa ako stress sa college life ko ngayon.
***
Maaga akong bumalik sa dorm at napansin ko na bawat nadadaanan ko sa hallway sa dorm ay nakatingin sa akin. Nakilala ba nila ako?
Gosh, nakakahiya talaga ʼyong kanina.
Nakarating ako sa room namin na walang tao. Mabilis kong sinara ang pinto at umupo sa kama ni Mandy. Ano na ang isasagot ko kay Reen? Ano kaya ang naging reaksyon nʼya sa ginawa ko?
Biglang bumukas ang pinto sa room dahil nga hindi ko ni-lock. Pumasok sa loob si Mandy kasama si Leigh at Lay. Anoʼng ginagawa ni Leigh dito? Akala ko ba bawal ang outsider dito sa dorm kaya paano nʼya nalusutan? Nauto nʼya yata ang mga bantay sa baba.
"Anoʼng ginagawa mo rito, Leigh? Paano ka nakapasok dito?" mahina kong tanong kina Mandy na kakapasok lamang.
Sinara nila ang pinto at umupo silang tatlo sa sahig na nakaharap sa akin. "Syempre gusto ko malaman ang rason mo kung baʼt tinaggihan mo si Asther? Saka nagsinungaling ako sa mga guards na occupant ako rito," natatawang sambit ni Leigh.
Ako naman ay napailing na lang sa sinabi nʼyang nagsinungaling sʼya sa guards sa baba na occupant sʼya rito. Mabuti nga hindi nila hiningian ng I.D sa dorm.
"Oo nga naman. Bakit mo sʼya tinaggihan?" tanong ni Mandy na nagtataka rin sa rason ko.
Sasabihin ko ba sa kanila? O hindi na lang. Pero alam ko na hindi nila ako tatantanan. Mga chismosa pa naman ito.
"Gusto ko rin naman sʼya," sambit ko sa kanila sa mahinang boses.
Nanlalaki naman ang mga mata nila. Halos hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Syempre ako lang naman ang lumabag sa rules na ginawa namin ni Reen. Ako pa ang nagsabi na hanggang friends lang kami pero lumagpas na pala ako.
"Gusto mo naman pala, kaya bakit mo tinanggihan?" tanong agad ni Leigh na nakakunot noo.
Tahimik lamang na nakikinig sa amin si Lay habang nakatingin sa akin. "Natatakot kasi ako..."
Bigla ko kasing naisip ang estado ng buhay ko at buhay nʼya. Tapos ang sasabihin sa amin ng ibang tao. Kilala ang pamilya nila at hanggang paa lamang ang pamilya ko sa kanila. Magagalit din si papa kapag nalaman nʼyang susuway ako sa mga bilin nʼya.
"Saan ka naman natatakot?" tanong ni Mandy at nilapag ang kaniyang cellphone sa sahig.
Maraming bagay ang kinakatakutan ko pagdating sa pamilya ni Reen. Anoʼng sasabihin nila ʼpag nakilala nila ako? Iʼm sure kalat na sa iba ang sinabi kanina ni Reen sa akin.
BINABASA MO ANG
INVADING YOUR CAPACITY
Romance[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert, at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil para sa kaniya ang mga fictional characters ang gusto nʼya lang makasama. Para sa kaniya ang mga fic...
