Chapter 11

315 15 0
                                    

FREEN'S POV

I'm currently walking inside the campus. Napaaga pagpasok ko kasi may dinaanan pa ako kaya naunahan ko si Nam sa pag-alis sa Apartment. May nakita akong grupo ng kababaihan na tumitingin sa'kin but i choose to ignore them.

May narinig akong yabag na tumatakbo paglingon ko nabangga niya na ako sa balikat.

"urghh" sambit ko dahil sa lakas ng impact. Pagmulat ko nakadapa na ako sa daanan. Di man lang nagsorry yung mubunggo sakin.

" Hey ! What happened?" someone asked me. Pagtingin ko si Rebecca pala. Tinulungan niya akong tumayo but i saw here looking at my eyes and lips buti nalang it's just a split of seconds .

"Thank you, Miss Rebecca. Ah, a- ano kasi... may mubunggo sa akin . Di ko alam kong sadya ba or hindi. Tumakbo kasi yun di man lang huminto at nagsorry." saad ko na bulol pa ng kaunti at pinagpag ko ang damit dahil may dumi.

" May extra ka bang t-shirt diyan?" look oh, may dumi damit mo. she asked me worriedly

"Wala nga eh. Naiwan ko nagmamadali kasi ako kanina." saad ko na di tumitingin sa kanya.

i felt awkwardness right now lumala pa when she grab my hands and hinatak niya ako papunta sa gymnasium . And i realized andito kami sa harap ng locker niya.

" Sorry" she uttered at binitawan ang kamay ko. binuksan niya ang locker at kinuha ang isang Jersey t-shirt na red. Inabot niya sa akin na di man lang tumitingin .

"Here, hiramin mo muna. Don't worry di ko pa yan nasusuot." dagdag niya pa. Nagdadalawang isip pa ako kung tatanggapin ko ba or hindi but i decided na kunin na. Wala din naman akong choice ang dumi ng damit ko.

" Thank you. Sasauli ko rin to after ko malabhan." i uttered to her and bowed my head , di ko na hinayaan na makapagsalita pa siya kaya tumalikod na ako at tumakbo papalayo sa kanya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

NAM'S POV

Andito ako ngayon sa room kasama ang bago naming kaibigan pero wala pa si Freen. Nasaan na kaya yun ? Sabi niya mauuna siya pero bakit wala pa siya rito. Habang naghihintay ay biglang pumasok si Freen at humangos pa talaga. Napansin ko kaagad ang suot niyang Jersey t-shirt.

"Hoy , Sarocha! Umalis ka ng apartment na naka- white t-shirt bakit pumasok ka ngayon na naka Jersey ha?" tanong ko sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko

"OMG!" sigaw ni Shai nakatakip pa ang dalawang kamay sa bibig . Nakaupo siya sa likuran ni freen. Buti nalang kaunti pa kami rito sa room

"Kay Rebecca ang Jersey na yan!" saad niya at tinuro ang likod na Suot ni Freen.

Kaya dali dali kong pinatalikod si Freen sa akin at kita ko nga ang surname na ARMSTRONG #07 sa likod ng Jersey.

" Bakit suot mo yan , Freen ?" tanong ni Noey sa kanya .

" Ou, nga bakit?" dagdag ni Engfa

Ang mukha ni Freen ngayon ay sobrang pula di alam kung paano ipapaliwanag kung bakit suot niya ang Jersey ni REBECCA ARMSTRONG . Ang pagkakakilala ko sa kanya ay hindi siya sumusuot ng damit ng kani-kanino lalo na sa di malapit sa kanya.

" Hey ,guys mali kayo sa iniisip niyo." saad ni freen na tinataas ang dalawang kamay animo sumusuko sa isang giyera.

" Sagutin mo kami , Freen habang kaunti pa ang tao rito." banta ko sa kanya.

" Nam , you know me. Right?"

" Ou ,kaya nga nakapagtataka , freen." dagdag ko pa

" Bago ko sagutin yan. Sino may jacket sa inyo? Kailangan kong itago yung surname ni Rebecca. Kanina nung papunta ako rito, maraming tumitingin sakin lalo na yung mga girls ang sama ng tingin nila sakin." saad niya makikita mo talaga na worried siya.

"Here , Suotin mo tong denim Jacket ko ,freen . Try to tuck in the jersey para di pangit tingnan." Saad pa ni Shai

" Thank you so much, Shai." saad ni freen at sinuot agad ang denim jacket.

" Normal lang na masama ang tingin ng mga babae sayo dahil inggit sila sayo . Suot mo lang naman ang football Jersey ng isang Armstrong , freen. So, bakit mo ba suot yan?" shai asked her while smirking.

Lahat kami ay nakatitig sa kanya at hinihintay ang sagot niya . Makikita mo ang paglunok niya ng ilang beses. Nakakatawa siyang tingnan. Ilang minuto ganun lang itsura niya hanggang sa dumating na yung ibang kaklase namin maging ang prof. Kaya di na namin siya kinulit pa.

tsk! mamaya ka sakin

~ CAFETERIA~

Andito kami ngayon sa Cafeteria wala pa masyadong students kasi 10:30 a.m palang ng umaga. Wala yung prof sa 2nd subject namin nag- iwan lang ng activity at ipapasa sa susunod na meeting. Oras na para gisahin ng tanong ang isang Sarocha!

"So, ano na? magpapaliwanag ka ba o hindi?" tanong ko , lahat kami ay nakatingin sa kanya.

"of course magpapaliwanag." saad niya

Kalmado na yung boses niya i think nakapaghanda na to ng sasabihin. Lagot talaga to sa akin kapag nagsinungaling. Tsk!

"Ganito kasi yun." saad niya pa at pinaliwanag ang nangyari simula nung naglalakad siya hanggang sa pinahiram ni Rebecca yung Jersey niya.

" Ang bait naman ni Rebecca." saad pa ni Engfa sabay tango ni Noey na sumasang-ayon

" Alam niyo ba never nakialam yang si Rebecca sa anong ganap sa school like kapag may binubully or napada tulad nung nangyari kay freen kahit nasa harapan pa niya." saad ni shai na nakangiti ng nakakaloko.

" Really? Interesting !"

"Yes. Di yan pala-kaibigan si Rebecca. Si Yuki talaga yung childhood friend niya tas yung sina Angge at Charlotte is nung high school na niya naging best friend dahil na rin siguro business partner ito ng magulang niya." dagdag pa ni Noey

"Speaking of Rebecca and her friends , papunta na raw sila rito according kay Angge." sabat ni Shai.

"Great!" saad ko pa habang nakatingin kay Freen na di makikitaan ng interest.

"Order na tayo ng lunch kasi may class pa tayo 1:30 last subject na yun sa hapon . Sila kasi wala ng pasok." saad ni Shai at tumayo na ito kaya sumunod nalang din kami at nag-order ng makakain.

Love is Love (Beckfreen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon