SAM'S POV
Kasalukuyan akong umiinom at nakikisabay sa beat ng Music sa Resto Bar na pagmamay-ari ko at ng matalik kong kaibigan. Maraming tao ngayon dahil friday. Araw ng gala ng mga spoiled brat na mga estudyante sa iba't ibang kilalang pribadong paaralan.
"Sam?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin at nagulat ako kung bakit andito siya.
" Oh, bakit andito ka Freen?" tanong ko sa kanya, napansin ko agad ang lungkot sa kanyang mga mata.
" Bawal ba?" pilosopong tanong niya at ngumiti. Ngiting pilit
Alam ko na tong galawan na ganito . Iiwasan na naman niya mga tanong ko. Well, sanay na ako sa ganito niyang ugali.
"Of course you're always welcome here, Freen," saad ko at binigyan ng bote ng alak nung umupo na siya . Nasa VIP ROOM kami kaya tanaw mo ang mga nagsasayawan.
"Good to know," sabay tungga ng bote ng alak.
"What's the problem?" Last time i saw you like this was last year nung ini..
"Shut up, Sam!" You and Nam are so annoying. You kept mentioning the past. It's still painful. You did'nt know how much I'm trying to be okay even though I'm dying inside. Ou, nakikita niyo akong ngumingiti pero di niyo alam sa likod ng mga ngiti na pinapakita ko ay nasasaktan pa rin ako. Yung pangarap ko nalang na maging Engr ang nagiging motivation ko para magpatuloy sa buhay." saad niya habang tumutulo ang luha pero walang bakas na emosyon na makikita sa mukha niya.
"I'm so sorry , Freen," sabat ni Nam na nasa likuran namin na umiiyak na rin.
"Why are you here?" malamig na sabi ni Freen habang pinapahiran ang luha bago hinarap si Nam
"Ple-Please fo-forgive me , Bestfriend. I'm sorry of being insensitive," sabay yakap niya kay Freen na umiiyak
"Ang pangit mong umiyak , Nam" saad ni Freen at pinitik ang noo ni Nam
Pinahiran niya ang luha ni Nam at binigyan ng alak . Humarap siya ulit sa mga nagsasayawan. Now , I know kailangan niya lang ilabas yung bigat na nararamdaman niya.
"Bati na tayo ha?" tanong ni Nam at tumango lang si Freen sabay ngiti
"so, i think we're good na? Let' s enjoy the night." saad ko at nakipag-cheers sa kanila.
Ini- enjoy namin ang beat ng music lalong lalo na si Freen . Tila nakalimutan niya yung lungkot niya kanina. Marami na rin ang naiinom niya pero di pa nalalasing di tulad nung last time.
"Sayaw naman tayo?" saad ko at tinuro ang mga nagsasayawan.
"Sure" ngiting sabi ni Freen at tumango naman si Nam
"Good!"
Pababa na kami ng VIP room ng sinalubong ako ng mga bouncer sa Bar
"Boss? May nag-aaway po, sa tingin ko mga students pa po yun." saad ng bouncer
Inutusan ko siyang mauna at pupuntahan namin ang kaguluhan na sinabi nila. Pagdating namin ay nakadapa na ang isang lalaki at ang dalawang kamay ay nasa likod na animoy nakatali. Yung ilong puno ng dugo tas ang mata namamaga.
"Anong nangyari dito ?" tanong ko agad sa mga involved sa away.
"That bullshit Man! Binastos lang naman ang kaibigan ko. Bagay lang yan sa kanya and please i-ban niyo yan dito." utos ng isang magandang babae na sobrang puti habang dinuduro ang lalaking nakadapa
BINABASA MO ANG
Love is Love (Beckfreen)
FanfictionIs it possible to fall in love with a woman, with same gender?