FREEN'S POV
" Normal lang na masama ang tingin ng mga babae sayo dahil inggit sila sayo . Suot mo lang naman ang football Jersey ng isang Armstrong , freen. So, bakit mo ba suot yan?" shai asking me right now while smirking.
Lahat sila ay nakatitig sa akin at hinihintay ang sagot ko. Kaya di ko maiwasang lumunok ng ilang beses dahil sa kaba tas naalala ko yung nangyari kanina na...
~FLASHBACK~
Nung nakalayo na ako sa gymnasium ay naghanap agad ako ng comfort room para magpalit ng damit . Buti nalang walang tao kaya pumasok agad ako sa bakanteng Cubicle pero nung susuotin ko na yung jersey pagkabaliktad ko nakita ko ang surname at binasa ko " ARMSTRONG #07.
" Shit! bakit ito pa yung pinahiram niya baka anong sabihin o isipin ng ibang students."
Di ko na sana susuotin pero ang dumi ng damit ko tas pagtingin ko sa relo may 45 mins nalang bago magsimula ang klase kaya wala na akong nagawa kundi sinuot ko nalang ang Jersey at lumabas.
" Girl ? look at that girl suot niya ang Jersey ni Rebecca." saad ng isang babae.
"ohh no! Rebecca is mine" dagdag pa ng isang babae
" Baka friends sila"
" Never nagpahiram ng damit si Rebecca kahit sa squad niya o sa best friend niyang si Yuki."
Ilan lang yan sa narinig ko pero hinayaan ko nalang at tumakbo nalang ako papasok sa room
~END OF FLASHBACK~
Bumalik ako sa katinuan ng dumating na yung ibang kaklase namin maging ang prof. Kaya di na nila ako kinulit pa.
Pero pagkatapos ng 1st subject namin ay ginisa nila ako ng tanong sa Cafeteria at tanging nagawa ko nalang ay sabihin sa kanila ang nangyari mula sa umpisa hanggang sa pinahiram ni Rebecca sa akin ang Jersey niya.
Marami silang komentong sinabi pero pilit kong pinakita na di ako interesado. Hanggang sa nag-decide sila na mag -order na ng lunch kaya nag order na rin kami.
" Hayss! makikita ko na naman siya"
" Who? is it Rebecca?" nam teasing me
"Ha? I did'nt say anything" i said to her but she just smirking at me.
" Sarocha! is that you? lumalabas na ba sa bibig mo yang iniisip mo? HAHAHA" she whispered it to me para di marinig ng mga kaibigan namin.
" No worries, Sarocha! Take your time." dagdag niya pa
" What do you mean? Yung order ko? Nabayaran ko na ito."
" Nothing." she said and goes to our table
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
REBECCA'S POV"Tara na ,Reb at may utang ka pang kwento sa amin." saad ni yuki na tinutulak ako papalabas ng room
" Wait muna, Saan ba tayo pupunta? kunwari di ko alam.
"Sa Cafeteria malamang." Char said
"Yeah ! andun lovey ko eh." saad ni Angge na nanguna sa amin sa paglalakad.
"Alam niyo guys since wala naman tayong pasok na , dun kaya tayo sa mall mag lunch para naman maiba, diba?" i suggested to them sana lumusot para di ko muna makita si Freen kasi nakakahiya.
"No!" sabay-sabay nilang sabi
"Okay, Chill!" i said to them
"Bakit may iniiwasan ka ba?" Char asked me
" Of course , wala. Tara na nga at gutom na ako." sabi ko nalang para makaiwas sa kanila.
Pagkapasok namin sa Cafeteria aba yung mga kumag kong kaibigan imbes na dumiresto sa table namin ay dun sa Table nina Freen dumiretso. Wala akong nagawa kundi sumunod.
"Hi , Shai and beautiful ladies" saad ni Angge sa kanila at umupo na.
Kaya umupo na rin kami at sa oras na to ay magkaharap kami ni Freen , nakasuot siya ng denim jacket . Buti nalang tinakpan niya . Di ko magawang makatingin sa kaniya. Gusto ko takasan sila kahit saglit. "Isip isip Rebecca" saad ko sa sarili ko
"Tama! uhmm , guyss ? o-order na ako sali ko na kayo." tumayo na ako di ko na sila pinasalita pa. Alam ko naman ano gusto nila.
"Ate? order po ako Combo B po 4 orders" inabot ko na ang bayad at naghintay.
Tiningnan ko sila at nakikita kong nag-uusap silang lahat at tumatawa. Sana naman di napansin ng mga kaibigan ko yung suot ni Freen.
"Miss Armstrong ? here's your order po. Thank you." saad ng tindera
Kinuha ko na at bumalik sa table namin at nilapag lahat ng orders. Tas umupo na at nagsimulang kumain.
"Thank you , Reb . Bait mo naman ngayong araw." saad ni Engfa na nanunukso ang tingin . Palipat lipat ang tingin niya sa akin at kay Freen
Damn!
HAHAHAHA tawa nilang lahat maliban sa min ni Freen . How i wish na matapos agad ang araw na to.
Pinili ko nalang na di sila pansinin kasi siguradong tutuksuhin lang nila kami. After kumain nila Freen ay nagpaalam na ang grupo nila kasi may pasok pa sila kaya naiwan kami sa Cafeteria.
" Ikaw ha! iba talaga galawan ng isang Armstrong . Walang ligaw ligaw. Inangkin agad . Pinasuot ba naman ang Jersey Hahahaha." saad ni Angge
"Bagay naman kay Freen maging Mrs Armstrong." dagdag pa ni Char
*tug dug tug dug*
When i heard the word Mrs Armstrong biglang bumilis tibok ng puso ko. Nagkakahypertention yata ako dahil sa mga babae na ito.
" Shut up , Guys . Pinahiram ko lang yun sa kanya." depensa ko
"Well, sinabi na ni Freen kanina nung nag order ka. Tinanong ko kasi siya bakit suot niya Jersey mo." saad ni Yuki na nakatitig lang sakin pero alam ko yang mga titig na yan.
"Hays! alam niyo naman pala so wag niyo na akong tuksuhin." galit kong sabi para tumahimik lang sila
BINABASA MO ANG
Love is Love (Beckfreen)
FanfictionIs it possible to fall in love with a woman, with same gender?