Chapter 20

309 11 0
                                    

FREEN'S POV

Nagtawanan silang lahat maliban sa amin ni Rebecca. Di namin alam kung anong i- rereact sa pinagsasabi nila. Napahawak nalang ako  sa batok at ngumiti nalang samantalang si Rebecca ay namumula lalong-lalo na yung mukha niya.

" He-Hey! I'm so sorry but your ship will never sail"  saad  ni Rebecca

"Tama na yan guys dahil may someone na yan si Miss Rebecca." dagdag ko para tulungan si Rebecca

"Ou, ta- tama yan ka-kaya impossible yang gusto niyo. Hinding -hindi ko magugustuhan si Freen kasi may mahal na akong iba." bulol niyang saad

"Bakit na bubulol ka diyan?" tanong ni Angge

Pinagtawanan nila ito kaya di sumagot si Rebecca. Halatang inis na inis na siya.

Cute niyang tingnan kapag naiinis.

"Paano kung wala , Freen?" tanong ni Charlotte na nagpabalik sa aking wisyo.

Napansin kong  tiningnan ako ni Rebecca  kaya  tinignan ko din siya  sa mata at ngumiti nang nakakaloko

"Well... pabitin kong sabi gusto ko makita ang reaction niya... I'll make sure that she will fall in love with me." direkta kong sagot habang nakatingin sa kanyang mga mata

Nakakatawa yung reaction niya nakanganga at nakatitig lang sa akin kaya tumayo ako at yumuko ng bahagya para pitikin ang noo niya para naman magising siya sa kung ano man ang na iimagine niya sa oras  na ito.

"Ouch!" reklamo niya habang hinahaplos ang noo

cute!

"Just kidding!"  As what Rebecca say , It is impossible .  Saad ko at umupo ulit.

"Ayyyy , Sayang  naman" reklamo ni  Angge

Natawa nalang ako sa kanila kaya nakisabay nalang ako pero di nakalusot ang nakaw na tingin ni Rebecca sa akin. Sana naman di masamain nagbibiru lang naman ako.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
NAM'S POV

Abala ako sa paggawa ng plates habang si Freen naman ay nagbabasa ng libro.  Kitang kita ko na nag- i-enjoy siya sa ginagawa niya.

"Di ka ba gagawa ng plates?" tanong ko sa kanya 

"Tapos na ako nung pag-uwi natin kanina" sagot niya na di man lang tumingin sa akin

Sana pala di nalang ako natulog kanina edi sana tapos na rin ako. Tsk!

"Sipag yan?" ngiti kong sabi

"Tinapos ko na para  practice at pahinga nalang ang gagawin ko bukas" seryoso niyang sagot

"Maibas ako , anong nakain mo kanina at biniru mo ng ganun si Rebecca?" 

Sinirado niya ang libro at  nilagay niya sa mesa bago tumingin sa akin ng seryos at sinagot ang tanong.

Wow! nabanggit lang ang pangalan ni Rebecca nakuha ko na agad ang buong atensyon niya.  Tsk!

" Rice and fried chicken , yun kinain natin nung lunch"  saad niya na pilit pinipigilan ang tawa

" Sarocha! Nagtatanong ako nang maayos kaya sagutin mo ako" seryoso kong sabi habang nakatawa lang naman ang magaling kong kaibigan

"Well, cute niya kasing mainis kaya sinabayan ko na yung kaibigan  niya." saad niya habang parang ini-imagine yung nangyari kanina sa Cafeteria

"Baka crush mo yun?" tukso ko sa kanya

"Shipper!"

"Yes. I'm your captain. Don't worry support kita diyan."  saad ko at  kunwari nagdri-drive

"Baliw!" saad niya

"kaysa dun sa sinasabi mong mahal mo pero iniwan ka naman." napatakip ako bigla sa sinabi ko. Shit!

"Nam! Sumusobra kana" malamig niyang sabi

Pagkatapos niyang magsalita ay naglakad siya papasok sa kwarto niya. Paglabas niya nakabihis na siya, naka-hoodie , naka jeans at black na cap.

"Labas muna ako"  paalam niya na di man  lang tumingin sa akin

"Saan ka pupunta?"  mahina kong tanong

"kay Sam" maikli niyang sagot at umalis

Naiwan akong mag-isa  sa apartment at di ako mapakali dahil alam kong galit si Freen sakin.  Di nakalusot sa aking mga mata ang mangingiyak niyang mata. Niligpit ko ang gamit at nagbihis . Susundan ko siya at hihingi ng sorry.

huhuhu I'm sorry bestfriend

Love is Love (Beckfreen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon