5 | closing the deal

650 16 0
                                    

Ion pov.

Lunch break na at nakita kong tumayo na si Vice sa upuan niya. Agad rin akong tumayo dahil gusto ko siyang sabayan.

Para saan, Ion?

Kasi ituturo ko sakanya yung presentation?

Weh?

Nagtatalo ang utak ko kaya minabuti kong habulin na siya.

"Ms Viceral!" Tawag ko sakanya.

Lumingon naman siya agad at lumalit.

"Yes, Sir?" Tanong nito.

"Saan ka pupunta?" Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil obvious naman na kakain siya.

"Lunch break na Sir. Syempe kakain?" Maayos niyang sagot pero feeling ko pabalang niyang sagot yun.

"I know. What I mean is sabay na tayong kumain dahil kailangan kita."

"Huh? Pinagsasabi mo Sir?"

"Sa presentation kasi mamaya, ano ba!" Pagsusungit ko kunwari dito.

"Pwede naman kasi sabihin na agad yan, di yung dami pang kuda. Teka papaalam lang ako sa team 1." Sabi niya at naglakad papunta sa office ng team one.

Wow, close na niya agad ang team 1? Daldal kasi niya eh kaya ganon.

"Tara na Sir!" Tawag nito sakin at sumunod naman ako agad.

~

Pinili kong kainan ang bagong bukas na coffee shop dito. May bine benta silang pasta and different kinds of bread kaya ito na ang pinili ko.

"Order whatever you like." Sabi ko sakanya.

"Okay." Tipid na sagot nito.

Sobrang awkward kaya naman minabuti kong kausapin siya.

"Mukhang close na kayo ng team 1." Sabi ko.

"Ah oo, mabait naman sila, saka yinaya nila ako kumain ngayon, eh kaso epal ka." Sabi niya at ngumisi.

"Hoy! Baka nakakalimutan mong boss mo ako." Sabi ko dito.

"Oo nga kaya nga sinamahan kita diba." Sabi niya at nang irap pa.

Anak ng...ang tigas rin ng ulo nito eh no?

"Fashion na fashion ka ah." Pag open ko ulit ng isa pang topic.

"Syempre Sir! Di pwedeng mahirap na nga ako tas magmumukha akong mahirap, sayang ang ganda ko no!" Sabi niya at kunwari pang pumosing.

"Asan ang ganda?" Pang aasar ko sakanya.

"Eto sir oh," turo niya pa sa mukha niya, "gandang hahalikan mo na sana kanina." Sabi niya at kumindat pa sakin.

Natameme naman ako dahil ang straightforward niya! What the hell!

"Oh Sir, bakit natameme ka sir? Tanggal pala angas mo eh." Pang aasar niya pa at malakas na tumawa.

Nagiwas nalang ako ng tingin.

Mabuti nalang at dumating na agad ang order namin.

~

Saktong pagpasok sa building ay nasa front desk si Jhong.

"Uy, saan kayo galing?" Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam ko na ang mukhang yan, alam kong mang aasar na siya.

"Good aftie, Sir! Nag lunch lang sa tabi tabi Sir." Sagot ni Vice.

"Di man lang nag aya. Hays!" Sagot ni Jhong at tumawa pa.

"Gusto ata akong masolo ni Sir Ion eh." Mayababg na sabi ni Vice.

"Tsk." Inismiran ko nalang sila at naglakad.

Sumunod naman sakin si Vice.

Nasa elevator kami ngayon. At nag replay ang ganao namin kanina. Pag tingin ko sakanya ay nakatingin na rin siya sakin.

"Anong naiisip mo, Sir?" Tanong niya.

Lakas talaga mang asar ng peste na to!

"Shh, wag ka ngang maingay." Suway ko sakanya.

"Alam mo Sir, pasok ka sana sa standard ko kung di ka lang masungit eh." Sabi nito na ikinatawa ko.

"Wow? Ang ganda mo naman?" Sarkastiko kong sagot sakanya.

"Oo naman Sir." Sabi niya at ngumisi.

Thank God! nakarating kami ng mabilis sa conference room floor.

~

Tinuro ko sakanya ang dapat niyang gawin mamaya. Matigas ang ulo niya dahil gusto niya rin daw aralin ang presentation. Hinayaan ko na siyang aralin ito.

Masipag talaga huh? Or baka ngayong 1st day lang?

"Sir! Titig na titig ka nanaman sakin." Pang aasar niya.

Nagiwas nalang ako ng tingin at nagtipa sa cellphone ko.

~

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now