34 | Singapore (2)

700 25 8
                                    

a/n: super busy talaga ngayon pero nag notif sakin na 1 month na pala since nag sulat ako dito kaya sige, update ulit. happy 1 month mga mahal! sobrang nakakatuwa lahat ng comments and votes niyo. di niyo alam gano kayo kalaking support sa mental health ko, ehe! pero legit, mahal ko talaga kayo.

love,
ganda.

~

Vice pov.

Monday nanaman.

from: Ion
Good morning, baby. What did you eat for breakfast?

to: Ion
naks naman, englishero na ang bessy ko

from: Ion
Anong bessy ko? ☹️

to: Ion
Miss u, bessy ko. 🫣

from: Ion
Lakas nanaman ng tama mo, pasalamat ka i heart you :(((

to: Ion
Stop! Stop the car!

from: Ion
Nasobrahan ka sa kaka panood ng memes, babe.

Natawa ako, totoo naman kasi, tangina talaga ng humor ng mga tao sa tiktok at fb. Tumawag rin si Ion sakin para mag update.

Di pa daw siya makakauwi at mukhang matatagalan pa. Nalungkot tuloy ako!

Agad rin akong nakarating sa trabaho. Pag upo ko ay natanaw kong busy na busy ang mag asawang perez.

"Miss ko na talaga si Ion." Mahina kong bulong.

Napasigaw naman ako ng biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Miss mo na?" Saad ni Jhong.

"Pota ka, sir! Nagulat ako." Hawak ko pa sa dibdib ko.

"Hahahahaha! Lunch with tita and tito mamaya." Sabi niya bago pumasok sa office ni Ion.

~

"Kailan ang kasal?" Tanong ni tito kay Jhong.

"Ay, hehehe! Maaga pa po masiyado, mukhang mauuna pa po si Vice at Ion." Sagot ni Jhong at liningon pa ako.

Nandito kami ngayon sa sukiya, japanese daw ang trip nila dahil mukhang haponesa ang girlfriend ni Jhong, si Maia.

"Oo nga pala Vice. Wala pa ba kayong plano ni Ion?" Seryosong tanong sakin ni tito.

Jusko tito, wala pa nga po kaming label eh huhu tapos kasal pa?

"Katulad po ng kila Jhong, masiyado pa pong maaga. Saka, wala naman pong same-sex marriage dito sa Pinas." Ngiti kong sagot.

"What do you—" bago pa man matapos ni tito ang sasabihin niya ay nag salita na agad si tita.

"If gusto niyo na talaga Vice, pwede namang lahat tayo lilipad da ibang bansa para dun, wag mo alalahanin ang gastos, ako na ang bahala, basta maging masaya kayo ni Ion." Humawak pa si tita sa kamay ko.

"Salamat po." Tumango lang ako at ngumiti.

"Sandalw, hindi ko maintindihan." Seryosong sabi ni Mr Perez.

"P-po?" Takang tanong ko.

"Same-sex marriage? Bakit kailangan niyo yun? Babae at lalaki naman kayo." Nanlamig ako sa narinig ko.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now