Ion pov.
"How was your La Union vacation?" Tanong ni mama samin.
"It was good, tita." Tipid na sagot ni Vice.
"Napag desisyunan niyo na ba kung anong gagawin?" Dagdag na tanong ni mama.
"I'm still looking for other investors, ma, I can't afford to lose Vice." Sagot ko at lihim na hinawakan ang kamay ni Vice sa ilalim ng lamesa.
"I see." Tipid na sabi ni nanay.
"Talagang pinaninindigan niyo, huh?"
"Kung ano mang bastos na salita ang masasabi niyo, i keep niyo nalang ho sa sarili niyo, pa." Suway ko kay papa.
"We're just stating facts, Ion, right Vice?" Baling niya kay Vice.
"No, tito, what you and Mr Grey have said to me is nothing but bigotry and hate." Nagulat ako sa sagot ni Vice dahil nung nasa sasakyan palang kami ay kabang kaba siya.
Tama yan, mahal, ipaglaban mo ang atin.
Tumawa ng malakas si papa. Sobrang nakaka insulto yun.
"Wow! Just wow." Tipid na sabi nito.
"Kung hindi niyo ire-respeto ang girlfriend ko, mas mabuti kung di nalang rin ako umuwi dito." Sagot ko at binaba ang kubyertos na hawak ko.
"Anak, no, please." Pigil sakin ni mama.
"We just want the best for you, Benigno, hindi mo pa naiintindihan dahil lason na lason ang utak mo." Walang emosyong sabi ni papa.
"No! You don't understand the situation!" Sigaw ko.
"Ikaw ang hindi makaintindi, ang simple lang ng gagawin mo!" Giit pa niya.
"Tangina, bullshit, dad! Mas gugustuhin mo pang magpakasal ako sa babaeng di ko mahal at akuin ang batang di naman galing sakin kesa sa hayaan akong maging masaya kasama ang taong mahal ko?!" Mahaba kong litanya.
"Yes, Benigno! Dahil yun ang tama."
"Joey, kalma! Ion, anak, please, calm down." Suway samin ni mama.
Inutusan ni papa ang isa sa mga tao niya na i-abot ang brown envelope sakin.
"What's this?" Mahinahon kong tanong.
"Open it." Tipid na sagot ni papa.
Binuksan ko ito at binasa.
"Ilang beses ko bang uulitin na hindi at ayaw ko, pa?" Tumataas nanaman ang boses ko.
Ito yung contract ng merging ng companies in one condition. Ang ipakasal ako.
"Just sign the damn papers, Benigno!" Sigaw nito sakin.
Punong puno na ako. Pinasok ko ulit ang papel sa envelope at hinagis ito sa kung saan.
"Mauuna na kami." Sabi ko at hinila si Vice palabas.
Traffic ang naging daan pauwi.
"Nagugutom ka ba, babe?" Tanong ko sakanya. Although naka kain naman kami sa mansion, hindi pa rin yun sapat dahil di rin naman kami natapos at nagsagutan nanaman kami ni papa.
"Yes, daan muna tayo sa kahit saan diyan, please."
Burger King ang may nakita akong maluwag na parking kaya dun nalang kami. Hindi na rin drive thru para mas komportable kaming maka kain.
"Diba yan yung CEO?"
"Shocks, di pa rin siya hinihiwalayan ng jowa niya?"
"Jusko, kung ganyan kayaman kahit ako magpapa baboy nalang eh."
"Table have turned, mamsh, mga bakla na ngayon ang namemera."
Pagsasalitaan ko na sana yung dalawang babae sa likod namin pero pinigilan ako ni Vice.
"Babe, baka lumala lang, kalma." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko."
Nang maka order ay pinili namin ni Vice ang medyo tagong upuan. Ayaw namin ng may maka kilala samin at nakakairita kapag nag chichismisan sila na akala nila di namin naririnig.
"Ang sarap." Ngiting sabi ni Vice habang linalantakan ang burger niya at fries.
Hay, panginoon, salamat at nandito si Vice kasi di ko talaga kakayanin kung wala siya.
"I love you." Ngiting sabi ko.
"Sweet ah?"
~
"1 month left, young Perez, pag isipan mo na ng mabuti." Sabi ng tao sa kabilang linya bago ito binaba.
"Pikon na pikon na talaga ako sa taong to." Sabi ko at padabog na binaba ang cellphone.
"Babe, kalma."
Hay, buti nalang talaga kasama ko parati si Vice.
"Babe, mag Japan tayo." Biglaang yaya ko kay Vice.
"Ha? Eh pano ang trabaho dito?" Bakas sa mukha niya ang pagaaalala.
"Kahit 1 week lang, sobrang stress na ako eh."
"Sure ka ba?" Tanong niya pa.
Tumango lang ako bilang sagot.
Pinili naming umalis sa sunod na linggo. Nag book na rin kami agad ng mga pepwedeng puntahan.
"Make sure babe na comfortable ha." Paalala ko sakanya.
Siya kasi ang mag bu-book ng hotel.
"Yes naman, babe, ako na to eh." Ngising sabi niya.
Habang nag titipa siya sa telepono ay may tumawag sakanya.
"Sino yan?" Curious kong tanong.
"Ah..y-yung mga b-beks lang." Utal niyang sagot.
Medyo nakakabahala dahil utal utal siya pero mas pinili kong di pansinin. Malaki ang tiwala ko sakanya.
Halos limang minuto rin siyang nawala at pagbalik ay pawis na pawis siya.
"Para kang natatae na ewan, babe." Sabi ko.
"Ah, mainit kasi sa labas eh."
Nagsisinungaling ka. Gusto kong sabihin.
"Ay, yung mga papers pala kahapon na pinadala ni Jhong napirmahan mo ba? Kailangan daw yun ng pirma ko eh." Tanong ko sakanya.
"Yes, babe, need ng pirma mo yun kaya napirmahan ko na."
Thank you! I mouthed.
Dahil nga malaki ang tiwala ko kay Vice, siya na ang pumipirma ng ibang papel para sakin. Gayang gaya niya kasi ito.
"Uuwi muna ako sa bahay ng mga beks para kumuha ng damit ko."
"Hatid na kita?" Tanong ko habang patuloy ang pag tipa sa laptop.
"No na, babe. Susunduin ako nila Chad. Pinapauwi rin kasi nila ako eh."
"Okay, babe, ingat ha?"
Nagpalitan lang kami ng i love you at halik tapos ay umalis na rin siya. Nasa labas na pala kasi ang sundo niya.
YOU ARE READING
My Beki Secretary | ViceIon
FanfictionYour typical Beki Secretary stories. A ViceIon Wattpad story wherein Vice is an unemployed 28 years old stunner and Ion is your nonchalant boss that doesn't give a fuck. Love triumph hate, love wins...but, we can't have it all, can't we?