Vice pov.
Simula nung hinatid ako ni Ion pauwi ng bahay ay mas naging close kami.
Walang linggo ang dadaan na di niya ako ihahatid pauwi.
Naging ka close na nga niya rin ang mga kaibigan ko eh.
Sabay rin kaming mag lunch parati kapag walang lunch meeting.
Kapag meron ay sabay pa rin naman kami pero syempre kasama na ang mga ka meeting niya.
Tatlong buwan na rin ako sa kumpanyang to. Agad rin akong na regular.
The company has been treating me well.
Everything's great, mababait ang mga tao.
Alam ni Jhong, oo Jhong nalang dahil parati kaming nagkakasama outside ng work. Parang kaibigan ko na rin yun.
Alam ni Jhong ang landian moments namin ni Ion. Parati niya kaming inaasar.
Minsan pa nga niya kaming nahuling nagsu subuan sa office ni Ion.
flashback
"Ion, paki—uy!"
Nagulat kami ng biglang pumasok si Sir Jhong sa office ni Ion.
Napabalikwas ako agad kaya naman nagkalat ang pagkain dahil natapon ko galing sa kutsara.
"Anak ng! Huy, trabaho muna." Kunwaring inis na sabi ni Sir Jhong samin.
"Tsk. Bakit ka nandito? Lunch break ngayon." Masungit na tanong sakanya ni Ion.
"Ay pasensya na at nag tatrabaho pa rin ako kahit break na. Pirmahan mo to." Sabi ni Sir Jhong at linapag ang brown envelope sa table.
"Kayo talagang dalawa, dito pa talaga kayo nagsubuan." Pang aasar ni Sir Jhong.
Natawa naman ako kasi sobrang double meaning.
Tarantado talaga, hahahaha!
"Ginaya lang namin yung nakita namin sa twitter, Sir." Sabi ko habang tumatawa.
May nakita kasi kaming video thread sa twitter na umiinom yung bagong kasal habang mag ka angkla.
Sabi ko kay Ion na mahirap gawin yun.
Pero nagpumilit siya na madali lang.
Ginaya tuloy namin pero hindi inom kundi subo ng kanin.
"Baka iba na magaya niyo sa susunod ha. Anyways, bye, at susubuan ko pa ang sarili ko." Paalam nito at agad ring umalis.
"Ikaw kasi eh, landi landi mo Sir." Sisi ko kay Ion at tumawa.
"Gusto lang naman i try yung subuan eh." Naka pout pang sagot nito.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko sakanya at linigpit ang nagkalat na kanin.
end of flashback
Natawa ako habang inalala ko yun.
Bumalik ako sa wisyo ng may tumawag sa telepono.
"Good afternoon, this is Vice from Perez Corp. How may I help you?" Sagot ko dito.
"Tell Ion na ang nanay ay nandito na sa lobby." Malumanay na sagot ng kausap.
Hindi nabanggit sakin ni Ion na pupunta ang nanay niya today.
Sasagot na sana ako pero binabaan ako agad ni Tita.
Pumasok ako sa office ni Ion oara ipa-alam ito sakanya.
"Sir, andiyan si Ma'am Maricel Perez sa looby." Sabi ko ng naka ngiti.
"Tara, samahan mo ako sa baba." Yaya nito sakin at sumunod naman ako.
~
"Anak! I missed you!" Sabi ni Tita at yumakap sa anak niya.
Nakakatawa dahil tanggal angas si Sir.
Pinagtitinginan siya ngayon ng mga tao at wala siyang magawa dahil Nanay niya yung yumakap eh.
"Ma, ang daming nakatingin." Masungit na sabi ni Ion.
"So what? Hay anak, bakit ba gustong gusto mo na ang image mo ay cold type? Tsk. Tsk." Suway sakanya ni Tita.
Natawa naman ako.
Napalingon naman sakin si Tita.
"Oh my god, you're so beautiful! Your outfit is fabulous!" Bati nito sa akin at bumeso pa.
"Thank you po, Ma'am." Sabi ko dito at yumuko pa.
"Tsk! Don't call me Ma'am. Call me tita, hehehe!" Sabi nito sakin at hinila pa ako.
Naka angkla siya ngayon sakin.
"Nako, parati kang kinekwento sakin ni Jhong." Sabi niya sakin.
Ngumiti lang ako.
"Do you like my son?" Straightforward niyang tanong.
"P-po?" Nabigla ako sa tanong niya.
"I said, do you like my son? Hmm?" Ngiting ngiti niyang tanong.
"Ma anoba!" Suway sakanya ni Ion.
"He's good to me, Ma'am. I like him as my boss." Sagot ko.
"Nako na boss zoned ka anak." Baling niya kay Ion.
"Anyway, okay lang Vice. Sino ba naman ang magkakagusto sa masyadong masungit, ano?" Tanong nito sakin.
"Ah, heheheh." Napatawa nalang ako.
Ang awkward!
~
Nasa office ngayon ni Ion si Ma'am Maricel.
Naguusap ang mag ina.
Nakwento sakin ni Ion dati na close na close sila ng mama niya. Mahilig daw itong mag vlog at magluto.
Nakangiti naman ako buong hapon habang nag tatrabaho.
Nakakatuwa kasing isipin na bumisita dito si Ma'am Maricel. Nabanggit kasi sakin ni Ion na simula nung maghiwalay ang magulang niya ay madalang na bumisita dito ang mama niya.
Ayaw daw nito maka kita ng magpapaalala sakanya ng asawa niyang tarantado.
~
Saktong uwian ay lumabas rin si Ma'am Maricel sa office ni Ion."Oh, hija! Pauwi ka na rin?" Tanong nito sakin.
"Yes, ma'am. Out ko na rin po." Sagot ko sakanya.
"Tsk! Don't call me ma'am, sige magagalit talaga ako kapag hindi tita ang tawag mo sakin." Biro niya.
"Noted po, tita!" Sagot ko at parehas kaming natawa.
Sabay kaming pumasok sa elevator.
"I've heard a lot of good things about you, Vice. Sabi ni Jhong eh nabawasan ang kasungitan ng anak ko simula ng dumating ka." Ngiting ngiting sabi nito sakin.
"Ay, walang anuman po. Dinaldal ko lang naman po si Sir." Sagot ko.
"Hindi mo ba talaga siya bet? Ilalakad kita sakanya." Offer pa ni tita.
"Nako, masyado pong mataas ang estado ng buhay niyo, hindi po ako nababagay sa ganiyan, hehehe! Dito nalang po ako sa gilid gilid." Nakangiting sagot ko.
Sa totoo lang naman kasi diba?
"Nako ikaw talaga." Sabi nito.
Nagkausap kami ng mahaba ni Ma'am Maricel dahil wala pa daw ang driver niya. Ang dami niyang na kwento sakin at ganon rin ako.
"Oh siya, mauna na ako, Vice." Sabi nito sakin at bumeso pa.
"Ingat po kayo." Sabi ko at kumaway pa pag ka alis ng sasakyan niya.
~
YOU ARE READING
My Beki Secretary | ViceIon
FanfictionYour typical Beki Secretary stories. A ViceIon Wattpad story wherein Vice is an unemployed 28 years old stunner and Ion is your nonchalant boss that doesn't give a fuck. Love triumph hate, love wins...but, we can't have it all, can't we?