21 | boracay (2)

699 18 9
                                    

Ion pov.

"Tara sir, dun tayo. Star gazing."

Sinundan ko lang siya.

"Ang ganda ng view sir, nakakabusog ng puso." Sabi niya at natawa pa ng mahina.

"Mhmm. Sobrang ganda." Saad ko habang nakatingin sakanya. Nakakamangha kasi yung ganda niya.

"Sir, nararamdaman ko yung tingin niyo sakin." Liningon niya rin ako.

Magkatitigan kami ngayon.

Hindi ko na kayang i keep sa sarili ko yung nararamdaman ko.

"Crush mo ko sir, no?" Tanong niya at ngumiti.

Hindi ako makasagot.

Marahan kong hinawakan ang mukha niya.

Linapit ko ng linapit ang mukha ko at nakita ko siyang pumikit.

"Pwede ba?" Tanong ko.

Hindi na siya sumagot at siya na mismo ang nag lapit ng mukha namin.

Walang gumagalaw. Magkadikit lang ang mga labi namin.

Ako na ang unang humiwalay.

"Ion..." sambit niya sa pangalan ko.

"I like you." Deretso kong sabi sakanya.

Namumula ang mukha niya ngayon.

Ang cute!

"Gusto kitang ligawan..." pag amin ko.

"Pero, Ion.." bago pa man siya mag salita ay inunahan ko na.

"Alam kong hindi pa handa ang puso mo mag mahal ulit. Kaya hindi ko ipipilit, sabihan mo ako kapag ready ka nang magpa ligaw ulit. Hihintayin kita." Sabi ko at yumakap naman siya sakin.

"Salamat." Bulong niya.

"Nasabi ko na ba sayo na ang ganda mo?" Tanong ko sakanya.

"Oo, pero parang lagi naman pabiro."

Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Hindi yun biro. Tunog biro pero hindi. Ang ganda ganda mo."

Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap niya.

"Ang sarap naman ng yakap mo, sana bukas may ganito ulit." Sabi ko at kumalas na sa yakap niya.

Ramdam ko rin kasi ang pangangawit niya.

"Ikaw sir ah, crush mo pala talaga ako."

Ayan nanaman siya sa pang aasar niya.

"Oo, talagang crush na crush kita!" Pag sakay ko sa trip niya.

Natawa lang siya.

"Wag mo na akong tawaging sir, wala naman tayo sa trabaho eh." Paalala ko sakanya.

"Eh nasanay na ako eh, yaan mo babe nalang tatawag ko sayo." Mayabang niyang sabi.

"Ayan ang gusto ko!" Hiyaw ko at nagtawanan kami.

~

Kinabukasan.

Island hopping ang gagawin namin ngayon.

Hindi pa rin kami masamahan ni Cat dahil busy siya sa business niya dito.

"Morning, sir!" Bati nila Jackie sakin.

Tumango lang ako.

Halos nandito na ang lahat. Pero dalawa nalang ang kulang.

Si Vice at Collins...

"Uy, ayun na pala yung dalawa eh." Sabi ni Ross at tinuro yung dalawa na nag tatawanan papalapit samin.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now