Ion pov.
Pasakay na sana ako sa sasakyan ko nang marinig ko ang boses ni Vice.
Pero di ko siya linapitan dahil may kausap ata.
"Okay lang, wala naman tayong label eh." Rinig kong sabi nito.
Kausap niya si Calvin.
"I'm sorry, Vice. I'm really sorry." Dagdag pa ni Calvin.
"It's fine, Calvin. Enjoy that new chapter with your family. Im happy for you." Dinig kong sagot ni Vice.
Kitang kita ko siya mula dito. Nakangiti siya pero patuloy ang agos ng luha sa mata niya.
Nakangiti pero hindi masaya.
Masakit siyang makita na umiiyak dahil sa lalaking di siya pinahalagahan.
"I promised my wife that I won't talk to you anymore. Mag ma-migrate na kami sa Canada next month. I'm starting a new life. Im sorry." Dagdag pa ni Calvin.
"I see. It was nice meeting you. Goodbye, Mr Abueva." Huling sabi ni Vice at naglakad na papalayo.
~
Sinundan ko kung saan pupunta si Vice.Sumakay siya ng taxi kaya mas madali siyang sundan.
Sa xylo.
Pinanood ko siyang umiyak habang umiinom.
Hindi ko na kaya ang nakikita ko kaya linapitan ko na siya.
"Vice." Tawag ko dito.
"Oh, Sir! Hahaha, what's up Sir? Why are you here hmm?" Lasing na sabi nito sakin at hinila pa ako para umupo sa tabi niya.
"I saw what happened with you and Mr Abueva, nakita ko kayo sa parking." Pag amin ko dito.
"Hahaha! Chismoso ka rin sir no?" Tanong nito at linagok ang beer niya.
"Alam mo Sir, kala ko talaga magiging ayos kami nun, linigawan ako eh hahaha sino ba naman kasi ako diba? Bakla lang ako kaya masyado na akong swerte at linigawan niya ako." Pag open up nito sakin.
Sinubukan niyang pigilan ang luha niya pero taksil ang mga ito, kahit anong uno at singhot niya ay tumulo pa rin ito.
"Tangina! Hindi ba talaga ako kamahal mahal? Ganon lang ba talaga level ko? Almost but not quite? Maganda at matalino naman ako ah?" Rant nito at umiyak ng umiyak.
"Hindi naman masakit na di niya ako minahal at all eh, ang masakit kasi dun na love bomb ako eh, naniniwala na ako sa forever sana eh tapos ganon? Ganon na lang? Pero haha sige putangina, babae naman yun eh tapos may anak pa sila." Sabi nito at yumakap sakin.
Umiiyak siya ngayon habang naka yakap sakin.
Hinayaan kong mabasa niya ang balikat ko.
"Ang sakit, pero ano namang laban ko dun diba? Babae yun hahaha eh ako mukhang babae lang." Malungkot na sabi nito at nagpatuloy sa pag iyak.
Hindi ko alam kung paano siya i comfort kaya minabuti ko nang tawagan ang mga kasama niya sa bahay.
Buong time ay nakayakap lang sakin si Vice habang umiiyak.
Inalo ko nalang ang likod niya.
Ako nalang kasi Vice, ipaparamdam ko sayo lahat ng masarap at masayang bagay.
Gusto kong sabihin pero alam kong di ito ang perfect timing para sa nararamdaman ko.
Mas mahala na maging okay muna siya.
Isang oras rin bago dumating si Mc at Lassy.
At isang oras na rin pala kaming magkayakap ni Vice.
Ang sarap sa feeling pero pinipilit kong ipasok sa kokote ko na walang malisya to at tropa tropa lang.
YOU ARE READING
My Beki Secretary | ViceIon
FanfictionYour typical Beki Secretary stories. A ViceIon Wattpad story wherein Vice is an unemployed 28 years old stunner and Ion is your nonchalant boss that doesn't give a fuck. Love triumph hate, love wins...but, we can't have it all, can't we?