48 | break up

645 19 3
                                    

Vice pov.

"Ate, please kain ka kahit konti." Pamimilit sakin ni Tetay.

Mag iisang linggo na simula nung nakipag hiwalay ako kay Ion.

"Mamaya na, tetay." Sabi ko at pinikit ulit ang mata ko.

"Ate gabi na, kahapon pa ng gabi ang huling kain mo, please ate?" Pilit niya pa.

Wala na akong magawa dahil nag aalala na rin sila sakin.

Kinuha ko ang plato at sumubo ng isang beses.

"If you need anything, nasa baba lang kami ate." Sabi ni tetay bago lumabas ng kwarto ko.

from: Ate
Inexplain samin lahat ni Ion yung nangyayari. We love you, tuy. Nandito lang kami. Balik kayo dito ni Ion kapag na sort out niyo na. Love you, diva!

to: Ate
I love you ate.

Kamusta na kaya si Ion? Simula kasi nung makipag hiwalay ako ay hindi ko na siya nakausap. Si Jhong ang nagbibigay ng trabaho sakin ngayon.

Tutal ay busy masyado si Ion sa trabaho, si Jhong nalang ang lumalapit sakin.

Work from home rin ang set up ko ngayon.

Naguusap pa rin naman kami ni Ion pero tungkol lang sa trabaho. At sa email lang. Kapag hindi na trabaho ang tanong niya, di ko na siya sinasagot.

Tuwing umaga eh nagpapadala siya ng bulaklak at prutas. Laging may note.

Yung kanina niyang pinadala ay ngayon ko lang mababasa.

Dear tuy,

Alam kong nasasaktan ka sa sitwasyon natin ngayon, pero hindi natin to maayos kung di mo ako kakausapin. Babe, miss na miss na kita. I love you.

love, Noi.

Wala ng kilig, sakit nalang ang nararamdaman ko.

Flashback

"Let's break up, Ion. Mahiwalay na tayo." Sabi ko at hinubad ang singsing ko. Inabot ko ito sakanya pero ayaw niyang tanggapin.

"Babe naman, bakit naman babe?"

"Madami nang nadadamay sa relasyon natin, marami tayong masasaktan." Wala pa ring emosyong sabi ko.

Pinipigilan ko ang emosyon ko dahil gusto kong rational mag isip ngayon. Ayaw ko munang sundin ang pesteng puso ko.

"Babe, no! Di ako payag. Babe nag promise tayo diba, walang iwanan diba? Babe, noi at tuy forever diba? Babe naman oh." Naiiyak na niyang sabi.

"Ion ayaw na kitang pahirapan pa. Please, para wala nang madamay na iba. Mag hiwalay na tayo." Sabi ko at lalabas na sana ng sasakyan niya.

"Babe, hindi, ayaw ko babe. Nadadala lang tayo ng emosyon, please? Hindi pwede to, mahal natin ang isa't isa, sapat na yun diba?"

Hindi ko na siya maintindihan.

"Ion hindi na nga pwede kasi kailangan ka ng kumpanya at pamilya mo ngayon. Tama na, please, wag mo na akong pahirapan." Sabi ko at hinila ang kamay ko.

Lumabas ako ng kotse niya at agad na pumara ng taxi. Sa beks b muna ako uuwi.

End of flashback

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now