47 | yes or no

489 22 20
                                    

Ion pov.

"Babe nandito na ako sa cafe." Pag update ko kay Vice.

Nandito ako ngayon sa Mary Grace dahil may importante daw na sasabihin si Cat.

"Okay, babe, balitaan mo ako ah." Sagot nito.

"Of course. Bye, I love you."

"Love you too." At binaba na niya ang tawag.

Nakita ko agad si Cat. Kita kong balisa siya. Ang unusual rin ng suot niya. Walang mali dito pero hindi naman kasi siya ganto manamit.

Naka hoody siya at pants. Naka shades rin ito.

"Cat." Tawag ko sakanya at umupo sa upuan na nasa harap niya.

"I-ion." Utal niyang sambit sa pangalan ko at yumakap sakin.

"Ca-cat, what happened?" Takang tanong ko.

Nagulat ako ngbigla siyang humagulgol ng iyak sa balikat ko. Hinila ko papalapit ang upuan sa tabi ko para duon siya paupuin.

Patuloy pa rin ang pag iyak nito.

"Cat, anong nangyare?" Tanong ko.

"He left me for someone richer, Ion, he left me."

Gusto kong tanungin kung sino pero may idea na ako. Ayaw ko ring magmukhang chismoso kaya hinayaan ko siyang mag kwento.

"And this morning I took a test. Ion, I..i..i'm pregnant."

Nabigla ako sa sinabi niya. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko at pag init ng tenga ko.

"A-are you su-sure?" Tanong ko.

"Yes, I took a test three times and it all says positive." Sagot niya.

Huminga ako ng malalim.

"What are your plans? Kelan mo sasabihin kila tito?" Dagdag ko pa.

"I don't know, I need your help that's why I called you." Inabot niya ang kamay ko.

Tinignan ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko.

"You still love me right?"

Kumot ang noo ko sa sinabi niya.

"What are you saying, Cat?" Takang tanong ko.

"Ion, please help me, be the father of my child, please, I can't face this problem alone, please?" Umiiyak nitong sabi sakin at pinisil pisil pa ang kamay ko.

"Cat, naririnig mo ba ang sarili mo?" Galit ko nang tanong.

"What? Hindi ka naman mabibigyan ng anak ng girlfriend mo! Isa pa your father and my father has been planning to merge our company. I know your company has been on a rocky road, I'll make my father help you, panagutan mo lang to." Tinuro niya pa ang tiyan niya.

"What the fuck, Cat?! You know I love my girlfriend and you're friends with my girlfriend too. How can you say all of this?!" Sinubukang kong huminahon.

"Ion naman eh, isang tulong lang naman, please? Hindi pwedeng masira reputasyon ko. I can't accept that I'll be labelled as single mom. No one can know about this, please help me, I have so many dreams!" Galit na ring sagot niya.

"Buhay ko at relasyon namin ni Vice ang kapalit ng hinihingi mo, you know I'm about to get married already. Why are you doing this to me? Dapat naging maingat ka in the first place."

"But, Ion? Please, I'll give you everything."

"No, Cat. Mauuna na ako, tapos na ang usapan natin." Firm kong sagot at nagmadaling lumabas ng Cafe.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now