35 | happy bornday, Ion!

668 18 6
                                    

WARING:

sexual scenes ahead!

homophobic scenes ahead! (does not reflect on author's values)

~

Ion pov.

Alas otso na rin nung dumating kami sa Wolfgang's Steakhouse ni Vice. Pa welcome back daw ito sakin at celebration dahil naayos ko ang problema.

"Legal na, ah?" Pang aasar ko kay Jhong.

Kasama niya ngayon ang girlfriend niya, si Maia. Close na close ang usapan ni Maia at Vice. Ang saya tignan, parang dati lang ay nag aagawan kami ng crush ni Jhong, ngayon may dinadala na kaming girlfriend sa family dinner.

"So Dad, how was it? Did you find any problems in our management?" Baling ko kay papa.

"Everything's fine. You did great. Halos wala nga akong inasikaso." Ngiting sagot nito sakin.

"Anak, any plans for your birthday? Next week na." Nginitian ko lang si mama.

"Nako tita, alam niyo naman po yang magaling niyong anak na ayaw nag ce-celebrate." Sabi ni Jhong at natawa naman kami.

"For sure gugustuhing mag celebrate ngayon ni Ion with us, ngayon lang tayo nabuo ulit. Also, with Vicey." Ngiting sabi ni mama at liningon pa si Vice.

Nginitian lang siya ni Vice pabalik. Anong meron? Bakit nananahimik ang babe ko?

"What about Palawan?" Suhestiyon ni papa.

"Oh, magandang idea! Let's plan this tomorrow na agad para ma confirm sino makakapunta." Excited na sabi ni mama.

Hay nako, bahala sila, basta gusto ko lang kasama ang babe ko.

"Ayos ka lang?" Bulong ko kay Vice.

Tumango lang ito sakin.

Tsk! Ano kayang meron, dama ko ang uneasiness sa mukha at aura niya.

"Gusto mo na bang umuwi?" Dadag ko.

"No, let's enjoy the night. Don't mind me, may iniisip lang." Ngiting sagot niya sakin at hinawakan pa ang mukha ko.

"Alright, let's talk later." Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito.

Para lang ba maibsan ang nararamdaman niya na kung ano.

Nag kekwento ngayon si Jhong kung gaano ako kasungit sa lahat nung nag simula ako sa company 5 years ago.

"Nawala lang ang sungit niya nung dumating si Vice! Tita, yung anak mo from tigre to kuting." Nag tawanan naman silang lahat.

"Tanggal pala angas mo kay Vice eh." Tumatawang sabi ni mama.

Nag pout lang ako kasi ako ang inaalaska.

Napansin ko namang naka ngiti lang pareho si papa at Vice. Anong nangyayari???

Pagtapos ng dinner ay nag suggest akong sa unit ko nalang muna umuwi si Vice.

"Sure, namiss rin naman kita." Sagot ni Vice sakin.

Pagdating sa bahay ay yinaya ko agad siya sa cr para magbanlaw.

"Sabay tayo, babe?" Tanong niya sakin.

"Ikaw kung comfortable ka." Ngiti kong sagot.

Habang nag hahanap si Vice ng magagamit niyang damit ko nag bukas ako ng madaming kandila at pinalibot yun sa cr, pinabula ko na rin ang bath tub.

"Wow! Effort ah." Lumapit ito sakin at yinakap ako mula sa likod.

"Anything for you, babe." Sabi ko at liningon ko siya.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now