17 | charity ball

651 27 11
                                    

Ion pov.

Sa dami ng ball na napuntahan ko ngayon lang ako kinabahan.

Siguro dahil ngayon lang ako nagkaroon ng kasamang date sa isang major event.

"Ready na po si Ms Vice, Sir Perez." Pag inform sakin ni Jelly, ang make up artist for Vice.

Tumango lang ako.

Inayos ko ang sarili ko. Naka ilang balik ako sa salamin para ma check kung ayos na ba ang itsura ko.

Kailangan gwapong gwapo!

~

Pag pasok ko ay nakita ko siyang nakatayo at may hawak na envelopes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pag pasok ko ay nakita ko siyang nakatayo at may hawak na envelopes.

Hindi ko na muna napansin ang maganda niyang katawan at mukha dahil tinanong ko muna siya sa hawak niyang envelope.

"For host ang envelopes na yan, ah? Bakit hawak mo pa rin?" Takang tanong ko sakanya.

"Hindi daw makakadating yung host na binook namin, kaya ako nalang." Ngiti niyang sagot.

"Pero? Sino na ang ka date ko? Saka, hindi mo kailangan gawin yan." Seryosong sabi ko sakanya.

"Edi mama mo! Saka ano ka ba, trabaho ko to, ako ang may dapat sumalo nito saka wag ka mag alala aayusin ko trabaho ko, baka batak to sa raket at gigs na hosting?" Mayabang niya pang sabi.

Hindi naman ako nag aalala kung di ka magaling mag host o kung ano. Gusto lang kita makasama ngayong gabi eh...gusto kong sabihin, pero di pwede at nakakatakot.

"Ikaw bahala." Yan nalang ang nasabi ko at lumabas.

Nakakainis!

Bakit ba kasi masyadong workaholic to at mabait pa, edi sana ka date ko siya ngayon. Hmp!

"Oh, anak, bakit hindi mo pa kasama si Vice?" Tanong ni Nanay sakin.

"Eh, ma, wala daw yung host na binook niya, siya na daw mag ho-host." Malungkot kong sabi.

"Ganon? Hay, hayaan mo na, mahal talaga ni Vice ang trabaho niya kaya uunahin niya talaga yun." Pag comfort sakin ni Mama.

Kahit naman kasi di ko aminin ay halat ni Nanay ang galawan ko kapag andiyan si Vice.

For sure alam ni nanay na gusto ko si Vice.

"Ako nalang muna ang ka date mo, hayaan mo at madami pang next time na pwede mong maka date si Vice." Asar sakin ni mama at natawa na ako.

~

~

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now