29 | condo

646 15 3
                                    

a/n: ngayon lang nakapag update kasi napagod buong pagkatao ko sa busy week ko and pride march. happy pride, everyone! i love u all, let's be loud and proud. <33

~

Ion pov.

Naabutan ko siyang tumitingin sa lumang pictures ko.

"Psst!" Tawag ko sakanya.

"Ang dungis mo pala dati no?" Tawa niyang sabi at lumapit sakin.

"Sinuot ko nga pala damit mo, hirap kumilos sa skirt at long sleeves eh."

Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.

"Feel at home na ah. Ayos yan at dito rin naman ang bagsak mo." Yumakap ako sakanya.

"Overdose ka na sa kisspirin at yakapsul, baka hanap hanapin mo na." Ngisi niyang sabi.

Dama ko ang pag galaw niya dahil sa pagtawa.

"Ikaw yung drugs na kakabaliwan ko. Drugs? No thanks, I'm already addicted to someone." Kumalas ako sa yakap at hinila ang kamay niya.

"At ikaw yun." Sabi ko at hinalikan ang mga ito.

"Mga banat mo talaga!" Umirap pa.

Nako, pinipigil nanaman niya ang kilig niya. Ewan ko sayo, Vice!

"Pag pinipigil mo yung kilig mo lagi kang umiirap."

"Wow, kabisado na ako ah?"

~

Bumaba kami ulit para matapos ko na yung trabaho ko.

Nakatutok ako sa laptop habang siya naman ay nanonood sa netflix. Pose yung pinapanood niya, na hook na siya dun.

Ala sais na rin nung matapos ako sa lahat ng gawain ko.

"Nag pa deliver nalang ako, wala na akong maluto eh." Lumapit siya sakin at pinakita ang mga inorder niya.

Tumango lang ako. Bumalik naman siya sa couch.

"Tapos na ako. Landi time na." Linigpit ko ang mga gamit ko at pinatay na ang laptop niya.

Tumabi ako sakanya sa couch at humiga ng kaunti. Ramdam ko na ang pagod pero ayoko pang matulog dahil kasama ko siya.

"Natapos mo trabaho mo despite of being un-okay. I'm proud of you." Bulong niya at yinakap ako.

"Thank you sa help mo. Kung di ka nandito for sure hihilata lang ako." Yumakap ako sakanya pabalik.

Inakbayan ko siya habang nakayakap pa rin siya sakin.

"Ang sweet natin eh wala naman tayong label."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Eh ano ngayon? At least masaya tayo. Yang label naman na yan pwedeng ilagay kung kailan handa na."

~

Dumating rin agad ang pagkain.

"Hala, mas masarap yung sayo."

"Patikim nga ng sayo."

"Hati nalang tayo para matikman natin parehas."

Puno ng landian at tawanan ang dinner namin. Ang saya isipin dahil nagkakasundo kami sa mga bagay bagay, kahit mga small things lang, masaya na ako dun.

She always know what to say. Affirmation kasi ang love language niya samantalang sakin ay physical touch.

"Minessage ako kanina ni tita." Seryoso niyang sabi.

"Ano sabi ni mama?" Ano kayang sinabi ni mama sakanya? Nag aalala ako kasi baka madamay siya sa gulo ng buhay ko ngayon.

"Mag set daw ako ng dinner appointment. Pilitin daw kita pumunta." Nakita ko naman ang pag aalala sa mata niya.

"Pupunta ka?" Dagdag niya.

"Hmm. Oo kung sasamahan mo ako." Ngiti kong sabi. Totoo yun, pupunta ako kung sasamahan niya ako.

"Ginawa mo pa akong panabla sa tatay mo." Inirapan niya pa ako.

"Pero sige, para magkaayos ayos na kayo. Sasamahan kita." Napangiti ako.

Hinila ko siya papalapit sakin at yinakap.

"Kailangan ko ng pampakalma bukas. Kailangan kita dun. Ayaw kong madamay ka pero alam kong kailangan kita dun."

Kumalas siya sa yakap namin.

"Kahit madamay ako, ayos lang, nung hinayaan kitang iparamdam sakin yung pagmamahal mo alam ko na mga responsibility ko." Yumakap siya ulit sakin.

"Ang aga pa para sabihing mahal kita, masiyadong mabilis pero ito talaga yung nararamdaman ko ngayon, mahal kita. At mamahalin pa kita." Bulong ko sakanya bago ko siya siilin ng halik.

Hindi rin yun nag tagal dahil lumayo siya.

"Hep! Mamaya pa ang dessert." Kumindat siya at nagpatuloy sa pag kain.

~

Hindi ko na nakuha ang dessert dahil kailangan niya daw talagang umuwi ngayon. Birthday ng isa sa mga kasama niya sa bahay at hindi pwedeng wala siya.

"Susunduin kita bukas ah.'' Hinatid ko siya sa baba dahil nag book si MC ng joyride para sakanya.

"Yes, boss!"

Tinulungan ko siyang i lagay ang helmet sa ulo niya.

"Ingat." Tinanguan niya lang ako at agad ring umandar paalis ang motor.



~

a/n: short muna hehehe, sorry masyadong maraming author's note ngayon, namiss ko kasi kayo!!

yung segz scene hintayin niyo kung kelan, pinag aaralan ko pa kung paano ko papainitin at kung anong mga kinks ang ilalagay, lols!

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now