43 | the rain

464 24 6
                                    

Ion pov.

Gumising ako sa walang tigil na pag ring ng cellphone ko.

Inabot ko ito.

Bakit tumatawag si papa?

"Hello?" Sagot ko.

"You have to come home now, there's a slight problem with new data." Seryosong sabi nito.

Napabalikwas tuloy ako ng tayo, nagising ko rin ata si Vice.

"Pwede bang saluhin mo muna, pa? Next week pa balak kong uwi eh." Kagat labi kong sabi.

Tsk! Bakit ngayon pa nagkaproblema.

"Mas uunahin mo pa ba ang bakasyon kesa sa kumpanya, anak?"

"No, pa, it's just...aish! I'll be there tomorrow." Wala na akong magawa dahil ayaw kong mag away kami ni papa.

"Make sure you'll be here tomorrow, the family must always come first, son." Sabi nito bago ibaba ang tawag.

"May problema ba, babe?" Tanong ni Vice.

Nagising ko nga rin siya nung pagbalikwas ko.

"May konting aberya lang, babe."

"Uuwi ka na?"

"Hay, ayaw ko pa pero kailangan babe eh." Malungkot kong sabi.

"Aww, samahan na kita pauwi, pwede naman tayong bumalik dito ulit eh." Ngiting sabi nito.

"Sure ka ba, babe? Kahit wag mo na ako samahan pabalik, mas mabuti kung mag bo-bonding muna kayo nila nanay."

"Pwede naman tayo bumalik dito babe, unahin muna natin problema sa trabaho, okay? Sasamahan kita sa problema mo ngayon kasi sinamahan mo ako sa problema ko dito." Pag a-assure niya sakin at yumakap.

"Ang swerte ko sa mapapangasawa ko."

~

"Mag iingat kayo sa daan mga anak. Sige na lakad na para di kayo abutan ng dilim." Sabi ni Nanay Rosario at inabot pa samin ang mga pinabaon niyang pagkain.

Para daw lutong bahay naman ang makain namin sa daan pauwi.

"Thank you po ulit, Nay, mga Ate, Camille and Mas. Iingatan ko po si tutoy." Ngiting sabi ko sakanila.

"Nako! Ang ganda mo talaga teh!" Asat sakanya ni ate Marivic.

"Huy, guys, buhok ko naaapakan niyo." Pabebeng sabi ni Vice at umarte pang hinihila ang buhok niya.

Natawa kaming lahat.

"Babalik kami dito nay ha." Sabi ni Vice.

"Oo, basta mag sabi kayo bago pumunta lara maihanda ang kwarto." Ngiting sagot ni nanay Rosario.

Yumakap pa kaming dalawa ng fiance ko sa lahat bago tuluyang sumakay ng kotse.

Habang nasa daan ay nag ring ang cellphone ni Vice.

"Hello, ano meron?!" Ini loud speaker ni Vice ang call nila.

"Aga ang sungit?! Sinabihan mo na ba sila ate na sakanila kami mag tatanghalian?" Tanong ni Lassy.

Beks b ang tumawag sakanya ng face time.

"Oo, hinabilin ko na kayo, wag kayong masyadong maingay dun ha? Mamaya yang mga bunganga niyo." Suway agad sakanila ni Vice.

"Oo teh jusko, babush na, ingat kayo ni Ion sa byahe."

"Kuya Ion yung kotse lang ang sakyan ha, wag yung katabi." Sabat ni Tonton at natawa naman kaming lahat maliban kay Vice.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now