55 | the end of all

578 20 4
                                    

Vice pov.

Maaga akong nagising dahil maaga akong aayusan. Malaki ang ngiti ng mga tao sa paligid ko. Halos lahat sila ay excited para sa araw na to.

Ako rin naman. Matagal ko na rin naman tong pinangarap. Pero di ko lubos maisip na mangyayari talaga to.

"Vice, ikaw ang biggest star mamaya." Biro sakin ng kaibigan ko.

"Siraulo! Ako lang to oh." Maarte ko kunwaring sabi at tumawa kami.

Ang sarap palang tumawa. Ngayon nalang kasi ulit ako nakatawa ng ganito.

Ilang tao ang nag tulungan para make up-an at ayusan ako. Ang daming kamay na gumagalaw at dumadampi sa mukha at katawan ko.

"Vice, you're so pretty!" Pag compliment sakin ng isa sa mga kaibgan ko.

"Ikaw ang pinaka magandang bride!" Biro pa sakin ni Anne.

"Ikaw ang pinaka bonggang bridesmaid." Pag sakay ko sa biro niya.

"Kinabahan ka?" Tanong niya.

Tumango ako.

"First-time ko to eh, na dito sa pinas."

"Good luck sa pag lakad mamaya, sis. Sana di madapa. Fighting!" Yumakap pa siya sakin.

"Ready na Ms Vice?" Tanong sakin ng coordinator.

Tumango lang ako.

"Okay, lakad na on my cue, okay? In 3..2..1...go!"

Dahan dahan akong naglakad ng deretso. Manghang mangha ako sa red carpet. May mga bulaklak rin sa gilid.

Katulad kanina, ngiting ngiti ang mga tao sa paligid ko. May iilan sakanilang nakalabas pa ang cellphone para videohan ang paglakad ko.

Humihiyaw sila at pumapalakpak para sakin. Damang dama ko ang saya at mangha na nararamdaman nila.

Kasi kahit ako, namamangha pa rin talaga.

Pagdating ko sa dulo ay nginitian ko agad siya.

Seryoso ang ekspresyon ko habang naglalakad pero pagdating ko sakanya. Pag kuha niya sa kamay ko ay nginitian ko siya.

Nakangiti ako.

"Congrats!" Ngiti kong sabi at yumakap pa sakanya.

"Thank you for doing this, Vice. Laking tulong for my new wedding gown collection." Ngiting sabi sakin ni Michael.

Ang naging best friend ko sa New York. Naging magka trabaho kami dun ng ilang taon pero umuwi rin siya dito sa Pinas. Pangatlong taon na simula nung bumalik siya.

At limang taon na rin pala nung pinili kong umalis at magpakalayo layo.

Patuloy ang pag kuha ng mga photographers ng picture sakin. Big time na rin kasi ako.

Simula kasi nung pagdating ko sa New York ay marami na rin agad ang kumuha sakin. Ang modeling gig ko dati, full time trabaho ko na ngayon.

Pagtapos ng mahabang proseso ng isang runway fashion show ay nakauwi na rin ako.

Hindi sa kung saang bahay, kundi sa tahanan ko.

Ang spot kung saan madalas kaming kumain ni Ion nuon.

Hindi na si Ion ang tahanan ko pero itong spot na to ay patuloy kong binabalikan. Dahil dito kami unang nag date. Madalas kami ditong kumain.

Dito ko siya pinaubaya.

At dito ko rin siya huling nakita.

Flashback

"Congrats and good luck sa wedding." Mapait kong sabi kay Cat.

Isang linggo bago ang kasal ay pumayag akong makipag kita sakanya dito sa cafe na to. Hindi daw alam ni Ion na magkikita kami. Natawa pa ako nung una.

"Thank you, Vice. For everything." Sinserong sabi niya.

"I did it for him. For his peace. Sana maging masaya kayo, magbunga sana yung magiging pagma mahalan niyo." Halos hawakan ko ang dibdib ko dahil dama ko ang sakit ng bawat salitang sinasabi ko.

"He'll never love me like how he loved you, Vice. We know that." Inabot niya ang kamay ko

"I love him too, so much, I chose to let go." Pigil luha kong sabi.

Ayoko nang umiyak pa sa harap ni Cat kaya nag paalam na rin ako agad.

"Ingat sa New York, Vice." Sabi nito.

Nginitian ko lang siya at umalis na rin ako. Pero bago tuluyang makasakay sa grab na binook ko ay nakita ko si Ion palabas ng kotse niya.

Susundiin ata si Cat.

Sigurado pala, hindi ata. Nakalimutan ko ulit na ikakasal na nga pala sila.

End of flashback

It's been five years, Ion. Kamusta ka na kaya? I've heard your company is now the top one performing company in this country. Congrats on that. I hope you're well. I hope you're happy. Sana payapa ka.

Hindi pa rin ako nakaka move on pero nabawasan na yung sakit. Wala na rin akong regrets na na naramdaman nung nalaman kong dalawa na ang anak mo ngayon.

Kinasal pa ulit kayo. Dalawang anak at dalawang beses ka nang kinasal.

You've reached our dreams. At kahit pa hindi na ako ang kasama mo tuparin ang mga yun, ayos lang, basta ang mahalaga sakin ay masaya at ayos ka.

Sana maka limot na rin ako, sana maubos na rin ang pagmamahal ko sayo. Pero sa ngayon, eenjoyin ko muna tong pain na natitira sa puso ko.

I love you, babe. Be well.

Di ko namalayang natulala na pala ako. Napatingin tuloy ako sa labas ng cafe. Nagulat ako nang makita ko ang isang pamilyar na pigura sa loob ng sasakyan.

Ion?

~


My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now