Ion pov.
Hindi ko nasundo si Vice dahil may maaga akong zoom meeting. Pagtapos ng meeting ay bumaba ako dahil dumating yung inorder kong kape.
Wala naman akong mautusan kasi wala pa si Vice at maaga pa masyado, hindi pa start ng trabaho.
Pabalik na ako sa taas nang makita ko si Vice kasama si nanay at papa.
"Ayos lang naman po ako." Rinig kong sabi ni Vice.
"Ma." Pagkuha ko sa atensyon nila.
"Oh, andiyan ka na pala, hijo. Ikaw talaga hindi mo pa sinundo ang girlfriend mo." Pagtapos akong pagalitan ay yumakap sakin si mama.
Tinanguan ko lang si papa.
"May maaga akong zoom meeting kanina. Good morning, babe." Baling ko kay Vice at bumeso lang siya sakin.
Anak ng, nahihiya pang i kiss ako eh.
"Let's go?" Sabi ni papa.
Sabay sabay kaming pumasok ng elevator.
"Why are you guys here?" Tanong ko.
Hindi naman ako galit, gusto ko lang mag tanong. Kalmado ako ngayon dahil magka holding hands kami ng girlfriend ko.
Well, kunwaring girlfriend.
Pero magiging akin rin naman siya soon.
"Ngayong nakabalik na ang papa mo, baka pwedeng maging bonding niyo ulit ang pagpapa takbo ng kumpanya." Maingat na sagot ni nanay.
"I see." Tipid kong sagot.
"So, pumapayag ka anak?" Rinig ko ang galak sa tono ni mama.
Pinisil naman ni Vice ang kamay ko kaya wala na akong magagawa kundi um-oo.
"Thank you for giving me another chance, Noi."
Ramdam ko ang nagbabadyang luha ko.
Tangina, ma reresolbahan na ata ang pinaka malaki kong problema.
Ang walang papa.
~
Lunch time at magkakasama kaming nag lunch ni mama at papa. Hindi sumama si Vice dahil may kailangan siyang tapusin before 1 pm, pinilit ko siya pero ayaw talaga.
"Maswerte ka sa babaeng napili mo, anak. Workaholic, di aasa sa pera mo." Tumatango pang sabi ni papa.
"Yan ang di namana ng anak mo sayo, yung magaling pumili ng babae, well maliban sakin." Pag bibiro ni mama.
"Honey naman." Sagot ni papa.
Nagtawanan naman kami. Ang awkward pero mabuting sign pa rin naman to siguro.
"Ang daming pag babago sa kumpanya. Linibot ako kanina ng girlfriend mo. Inclusivity na pala ang tema ng kumpanya, hindi ko naisip yan kahit kailan. Magaling." Pag compliment ni papa.
"Well, sumusunod lang ang kumpanya sa panganga -ilangan ng mga tao nito. Okay ang company ngayon maliban sa isang site sa Singapore." Paliwanag ko.
"Bakit hindi mo pa puntahan personally? Ako ang bahala mag manage dito habang nandun ka." Pag suggest niya.
Hmmm.
"Mag a-update mamaya yung engineer na nandun, kapag may problema pa rin, sige, pupunta na muna ako don." Seryoso kong sagot.
"My boys are bonding again, hay, I missed those days na sa kalokohan lang kayo nag kakasundo, ngayon seryosong bagay na. I love you two." Emosyonal na sabi ni nanay.
YOU ARE READING
My Beki Secretary | ViceIon
FanfictionYour typical Beki Secretary stories. A ViceIon Wattpad story wherein Vice is an unemployed 28 years old stunner and Ion is your nonchalant boss that doesn't give a fuck. Love triumph hate, love wins...but, we can't have it all, can't we?