42 | calm before the storm

484 27 7
                                    

Vice pov.

The party went well. All the people that I love and matter the most were there.

Nakahabol ang mga beks papunta dito. Pero sa hotel sila tutuloy.

"Happy birthday, Vice." Bulong sakin ni ate Emma.

Di ko namalayang nasa tabi ko na pala siya.

"Thank you ate." Sagot ko at liningon siya.

Parehas kaming may hawak ng wineglass.

"We know what happened earlier, we just don't ask kasi you chose to not share it. Just so you know, we're very happy for you. Gusto ko lang sabihin dahil baka mabawas sa kung anong bigat na dinadala mo." Mahaba niyang tinaya.

"Thank you ate...salamat." sagot ko at uminom ng wine. Ayaw kong umiyak.

"So tell me, why you chose not to tell us. Why, sis?" Tanong niya.

"Ate..uhm, his father doesn't like me." Nanghihina kong sabi.

"Pero sabi niya tanggap na tanggap kayong dalawa sakanila?" Kunot nuong pagtataka ni ate.

"Yes, yun yung pinapakita sakanya ng tatay niya. Pero kapag ako nalang ang kaharap grabeng sama ng ugali. Yung nanay at pinsan niya lang yung talagang suportado kami." Pag amin ko.

"Ayaw ko munang ipaalam sa iba na engaged na kami kasi..baka mapunta lang rin to sa wala dahil hindi kami tanggap." Dagdag ko pa.

Hindi ko na kinayang kimkimin pa to kaya kwinento ko na ng buo kay ate, ayaw ko nang sarilihin yung bigat.

"Oh gosh, I'm sorry tuy, di mo deserve. It's frustrating to know na wala kaming magagawa." Yumakap si ate sakin.

"Makinig ka lang ate ayos na sakin yun. Thank you."  Sagot ko.

"I love you, welcome kayo parati dito. Kapag kaya, dito nalang kayong dalawa tumira, payapa dito tuy, mahal kayong dalawa ng lahat dito." Huling sabi niya bago pa lumapit samin si nanay at yinaya kaming pumunta na ng garden.

Speech daw muna ako bago umuwi ang lahat.

"Good evening, everyone. Thank you for coming here. Sa family ko, Nanay, mga ate ko and pinsan ko, salamat sa pag abala at binuo niyo tong magandang party na to. Sa friends ko, I love you guys, salamat sa lahat, alam niyo na yan. And of course, to my very poging boyfriend. I love you, babe! Thank you. Thank you everyone! Ingat po lahat." Maikli kong sabi at naghiyawan sila.

Nagpa picture muna ako sa lahat. Inikot ko lahat ng table at ang saya na makita yung mga dati kong kasama mag laro sa labas o gumala eh nandito rin.

Buti at nakapunta rin ang mga childhood bffs ko. Di  rin papahula ang beks b, talagang maypa bonggang cake.

"Pota ka, bakla! Ang layo ng venue mo, 8 hours kong hinawakan yang cake para di masira!" Maktol ni MC at nagtawanan kami.

Ilang chikahan pa ang naganap bago silang tuluyang bumalik sa hotel nila. Bukas rin ang uwi nila pero gabi pa. Igagala ko pa sila bukas eh.

Nang makauwi na lahat ng bisita ay ang pamilya ko naman at ang fiance ko ang pinuntahan ko.

"Guysss! Salamat ulit." Sabi ko at yumakap sakanilang lahat.

Pumasok na kami ng bahay at pumunta sa kanya kanyang kwarto.

Pagpasok eh yumakap agad ako kay Ion.

"I love you." Bulong ko.

"Ang sweet at clingy ng babe ko, anong meron?"

"Wala lang, gusto ko lang sabihing mahal na mahal kita." Ngiti kong sabi.

"Sabay na tayo maligo mahal."

Pumayag ako agad dahil sino ba ang ayaw sumabay maligo sa mga jowa nila?

"Ang haba ng buhok mo grabe." Komento ni Ion habang shina shampoo ko ang buhok ko.

Mahaba na kasi talaga to.

"Ganon talaga pag maganda." Biro ko.

"Kelan ka papagupit babe?"

Ang random ng topic namin pati ng tanong niya. Ito yung mga simpleng bagay na kinababaliw ko. Yung kalma lang lahat.

"Hmmm, siguro kapag may malaking change sa buhay ko. Ewan ko ba kung bakit ginagamit kong closure yung buhok ko. Pero ganon ako dati pa."

"Ano meaning para sayo nung pinapahaba mo buhok mo."

"Uhmmm, for me pagiging malaya to. Hinayaan ko yung sarili ko na makuha yung buhok na matagal ko nang gusto. Pagiging malaya to babe kasi di naman pwede to dati eh, yung sekswalidad ko, masama to para sa iba at yung buhok ko bawal humaba. Pero ngayon, pakshet bahala sila. Papahabain ko lang buhok ko kasi ganito ko i express sarili ko." Mahabang sagot ko.

"Go, babe! Pahabain pa natin to." Ngiting sabi niya.

Natawa nalang ako.

Ito rin yung gusto ko kay Ion. Nakikinig siya sa bawat kwento ko.

Ang perfect ng fiance ko!

~

Pagtapos maligo ay humiga na kami agad.

"Next week na tayo umuwi, babe ah?" Bulong nito sakin.

"Oo babe, next week." Ngiti kong sagot.

"Yey! Mas gusto ko kasi dito babe dahil malaki pamilya mo, mas masaya pag mas malaki."

Ako rin, mahal ko, mas gusto ko dito dahil lahat sila tanggap tayo, di katulad sa puder mo na masakit mag salita.

"Yes babe." Tipid kong sagot.

"I love you tuy, matutulog akong mahal na mahal kita."

"Gigising akong mahal na mahal ka, Noi. Love you." Sagot ko at pumikit na.

~

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now