45 | 10th

576 23 10
                                    

Ion pov.

10th monthsary

Monday.

As usual nandito ako sa office ko habang si Vice ay nasa station niya.

"Sir, andito na po yung flowers." Sabi sakin ng tao sa kabilang linya.

"Okay, wait, ako na mismo ang kukuha." Sagot ko dito.

Di na ako napansin ni Vice nung makalabas ako. Busy rin siya sa daming trabaho.

Pagbaba ay inabot ko agad kay kuyang grab ang bayad sa flowers at sa meryendang pinasabay ko na rin. Syempre nagbigay ako ng tip.

Buong lakad ko pabalik ay pinagtitingan at pinag bubulungan ako ng mga empleyado ko.

"Hala, para kanino yun?"

"Omg, sabi sayo sila ni Vice eh!"

"Girl, sayang si sir!"

Akala siguro nila di ko sila naririnig. Hays!

Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na ako sa elevator.

"Uy sir!" Tawag sakin ni Ross.

Sakto kasing bukas ang pintuan ng office ng team 1.

"Sweet natin sir, ah?" Tinanguan ko lang to.

Naglakad ako ng deretso papunta sa lamesa ni Vice .

"Babe." Tawag ko kay Vice.

"Nag abala pa ang baby ko." Sabi niya at tumayo para yumakap sakin.

"I also bought you your favorites." Ngiti kong sabi.

"Dun tayo sa loob babe, share tayo."

Pumayag naman siya agad.

"Very good ka talaga, babe! Alam na alam mo gusto ko." Ngiting ngiti siya habang linalantakan ang pepper tofu.

"Ughh, sarap!" Ungol pa niya habang kumakain.

Hindi niya mabitawan ang flowers. Tulips yun na may kulay orange at pink. Favorite colors namin.

Vini-video-han niya ngayon ito.

Nagulat ako ng itapat niya rin sakin ang camera.

"Babe, bakit nga ulit tulips?" Tanong niya.

"Tulips para lip to lip." Ngising sabi ko at natawa rin siya.

"Wow, hard launch mo na ako sa instagram ah?"

"Tagal na kaya kitang pinopost dun." Masungit niyang sabi.

Anak ng?? Sumungit agad?!

"Post rin kita sa ig ko babe." Paalam ko.

"Pero—"

"Babe nakita na ng mga tao sa baba na may dala akong flowers, nakita rin ng buong team 1 na para sayo yung dala ko. Alam na nila, babe." Mahaba kong litanya.

"Okay baby, sorry, ayoko lang kasing mahusgahan ka nila dahil ako ang girlfriend mo." Sabi niya at mapait na ngumiti.

Binitawan ko naman ang cellphone ko at lumapit sakanya at yumakap.

"Babe wala na akong pake sa sasabihin nila, basta alam ko naman tong ginagawa ko. Saka, eh ano ngayon? Ang swerte ko nga sayo eh, maganda, matalino at mabait. Wala na akong mahihiling pa."

Hindi siya sumagot. Narinig ko nalang siyang sumisinghap.

"Babe? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ko.

"Ion, hindi kita mabibigyan ng anak, hindi kita maihaharap sa simbahan, hindi legal ang relasyon natin." Umiiyak niyang sabi.

"I'm sorry, Ion, I'm sorry I'm not enough for you, sorry kasi ito lang ako, hindi ako totoong babae, hindi ko mabibigay sayo yung kalayaan—"

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now