Twenty two

51 1 0
                                    

Familiar voice sang from the radio when Vincent turned it on. My heart skipped for seconds when I heard his voice. Parang bigla na naman ako bumalik sa gabi na iyon at sa reyalidad ko ngayon.

"Have you decided kung pupunta ka sa Cebu Con?" Vincent asked. Nasa sasakyan na kami at pauwi na. He insisted na ihatid ako dahil gabi na rin. Ilang segundo ako na tahimik lang at nakatingin sa labas ng sasakyan.

"Punta ka na. I can book our flights and hotels para wala ka na isipin." I glanced at him and he was smiling at me. "I have already secured our tickets. VIP front seat." He even continued, still convincing me. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Ayoko rin naman mangako tapos hindi ko tutuparin.

Pero parang hindi ko kaya na makita siya. Magiging magulo lang kapag nagkita pa kami.

"Sino pala bias mo sa SV19?" Vincent asked again, changing our topic when he received no response from me on his first question.

"Si Ken." sagot ko dahil siya na ang laman ng isip ko ngayon.

"Sabi na nga ba. " Napatingin ako sa kanya. Napasulyap din siya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita. "May nakita kasi akong picture niya sa living room mo." Nabigla ako pero hindi ko ipanahalata sa kanya. Iniisip ko kung anong litrato iyon. "Ang angas din naman talaga ni Ken. Ako, gusto ko si Pablo. He's a genius, a true lyricist. He can perfectly convey his feelings, ideas and emotions to the every song he creates"

"Totoo 'yan. He is really a genius." I agreed.

"When did you become a fan?" He asked once more. Their song was still playing in the background.

"Hmm. Matagal na rin. Since debut nila noong 2018." Sagot ko na lang.

"Hindi pa sila sikat noon, di ba. Sobrang kaunti pa lang ang nakakakilala sa kanila."

"Oo. Iilan lang talaga. Parang nasa 20 lang ang fans nila." sabi ko.

"Grabe rin talaga ang pinagdaanan ng grupo nila. They really deserve everything they have now." I smiled to myself and looked outside the car. I couldn't help but feel proud of them, especially Ken. They have come a long way. "You have witnessed their journey." Vincent continued and looked at me.

Naalala ko 'yung panahon na sinasamahan ko si Ken sa bawat event nila, ma pa seminar, celebration for the elderly, Korean-Philippines friendship day, at company events. Sila pa noon ang naghahanap sa mga organizers at HR, pero ngayon, sila na kinokontak ng mga organizers, TV and radio guesting, at sold out parati ang concerts.

"What made you stan them?" Tanong muli ni Vincent.

"Because of their talent."

"Paano mo sila nakilala?" Napaisip ako. Magsisinungaling na naman ba ako sa kanya?

"A friend introduced them to me. Naging curious ako kaya pinanuod ko sila. Then, ayun. Ang ganda ng boses nila. Ang galing sumayaw." Nang mapatingin ako sa kanya, nakatitig siya sa akin. "Ikaw?"

"I like you." bulong niya na sobrang hina.

"Ha?" "Green light na." Doon lang nabali ang tingin niya sa akin.

"Same with you. Nagustuhan ko talaga ang mga kanta nila na hindi basta basta lang. All have meanings. And as a dancer, humahanga ako sa talent nila sa pagsasayaw."

"Magaling ka rin sumayaw." sabi ko. Lumawak ang ngiti niya.

"Thank you." Napangiti rin ako lalo na at parang siya bata na nahihiya. "Thanks to SV19 and we met." he even continued. I smiled and nodded my head. "Punta ka na sa Cebu Con, ha. I'll book our flights and hotels tomorrow."

"Ang hirap humindi sa'yo." sagot ko. Mas napangiti siya. Napansin ko na malapit na rin kami sa bahay ko.

"You'll enjoy it, promise."

When the Sun hidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon