Three

246 39 1
                                    

Agad rin kaming bumalik ng Metro Manila dahil may concert sila Ken Sumaglit lang talaga kami sa Lucban para i-celebrate ang birthday niya.

"Hello." Bati ko sa mga kapwa ko volunteers. Mababait naman sila at palangiti rin. Wala akong kilala kahit na sino pero pipilitin ko magkaroon ng mga kaibigan. This is one risky move but I really want to be part of this. I want to witness this history in the making para sa grupo nila Ken. This will be the first time that they will perform in front of almost ten thousand people.

Iiwas nalang ako kung nasaan si Ken.

"Hi Ate. Ano po name niyo?" Sabi ng isa sa mga kabataan na volunteers. Lumapit naman ako sa kanila.

"Cat. Kayo?" Sagot ko rin naman.

"I'm Anri po."

"Lia po."

"Dennise." They introduced themselves one by one. I was excited to start the day.

Ang daming volunteers. And all of them were so eager to make the event successful. Nakakatuwa makita ang pagkakaisa at pagmamahal nila sa grupo nila Ken. Sinong magaakala na mangyayari ang lahat ng ito sa isang kisap mata.

The staff gathered us and cascaded our tasks.

"Hello guys. Una sa lahat, gusto namin magpasalamat na nandito kayo ngayon at handa kayo tumulong para maging successful itong concert." Sabi ni Ate Apple. We smiled at them.
"So, to start we will group you into five. We have chosen five leaders also to lead each group." Nagsimula naman ang mga bulong bulungan. Syempre, gusto ng mga magkakaibigan na nasa iisang grupo sila.

"Ang mga leaders natin ay sila; Jane, Abby, Mae, Ria and Cat." Medyo nagulat pa ako nang marinig ang pangalan ko. Sunod naman nilang tinawag ang mga magkakagrupo. And then, they explained to us our duties and responsibilities. My group was assigned on setting up the chairs and stage. Lahat naman kami babae kaya wala na rin reklamo. Ayos rin naman ang mga kasama ko. Mukhang hindi pasaway.

Maya maya pa ay nagsitilian ang karamihan nang biglang dumating ang grupo nila Ken. Siya ang una kong nakita at pansin ko na hinanap niya rin ako sa mga taong nandito. Our eyes finally met. We stared at each other. Pinilit ko na hindi magpakita ng kahit na anong emosyon. Mabilis rin naman siyang nagiwas ng tingin.

"Good morning." Bati ni Stell, our sunshine boy. Ang gwapo nila sa personal. Hiyawan naman ang mga kasama ko. "Maraming salamat dahil pinili niyo na mag-volunteer at tulungan kami. Ramdam na ramdam talaga namin ang pagmamahal ninyo. 'Wag kayong magalala dahil we will do our best para masuklian lahat ng binibigay ninyo sa amin." Sabi pa niya. Ang mga mata ko ay na kay Ken lamang. Iba ang aura niya kapag kasama ang mga kagrupo niya. I smiled at the back of my mind.

After some tet a te with the boys we finally begin our work. Mga teens pa ang mga kasama ko kaya hindi maiiwasan ang kwentuhan. Iniintindi ko nalang din basta hindi makokompromiso ang trabaho nila. Ang laki ng venue and this will soon be filled with loud cheers and dashing lights.

"Ate Cat, anong year na po kayo?" Medyo nabigla pa ako nang magtanong si Anrie.

"Ha? Year?" Pagulit ko pa. Tumango naman siya. "Graduate na ako. I am working already." I giggled. Sila naman ang nabigla.

"Eh? Talaga po? Akala namin College student palang kayo."

"Ano po course ninyo?"

"Operations Management." Sagot ko naman.

"Ah. Saan po kayo nag-aral?" Sunod na tanong nila.

"Sa PUP Manila. Kayo ba, anong year na kayo?"

"Senior High palang po kaming lahat. Grade 12 po." Sabi nila.

When the Sun hidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon