Twenty seven

19 1 0
                                        

Nakaupo si Vincent sa isang upuan sa gilid ng kama kung saan nakahiga ang wala pa ring malay na si Cat. Hawak niya ang kamay nito habang umiiyak.

"Gising ka na. Please." pagmamakaawa niya. "I promise that I will never leave you alone again. Hindi ka na magiisa. I will always stay with you. Hindi ka na malulungkot. Aalagan kita. Please, Cat, wake up. Wake up for me, please." Vincent continued to plead.

Hindi na talaga siya papayag na mangyari muli ang ganito. He will make sure to always stay by her side. He will be the person she can depend on.

~~~

Maya maya pa ang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.

"Sir." tumingin si Vincent, habang hawak ang kamay ng dalaga. "may naghahanap po sa inyo." dugtong pa nito sa sasabihin. He only looked at her then at the people standing outside. He saw his parents. Marahan siyang tumayo at pumunta sa pintuan. Sa labas ng kwarto nalang sila maguusap. Naiwan ang nurse sa loob upang tingnan si Cat.

"Mom. Dad." He began, trying to compose himself but still came anxious and weary.

"What happened, anak?" nagaalalang tanong ng Mommy niya. Doon ay nagsimula na namang mangilid ang luha sa mga mata niya. He looked down at his fingers.

"I-I don't know, Ma." His voice cracked. "I just tried to call her kanina. I was not really hoping na sasagutin kasi maybe she was already sleeping, p-pero hindi, paghingi ng tulong ang naging bungad niya sa akin. S-sabi niya may sunog, nasusunog ang bahay. I don't know how it happened. I drove as fast as I could pero unconscious na siya nang mailabas sa bahay niya." He tried to narrate habang inaalala ang mga pangyayari kanina. His hands were shaking. His tears were falling from his eyes.

Mabilis siyang niyakap ng Mommy niya.

"you did good on calling her. Nalaman mo agad."

"I was late, Ma. I was late." Vincent was already crying, and his parents were consolling him.

"shhh. no one wanted this to happen."

"We have talked to her doctor. She said she's out of danger pero may mga second degree burns." sabi ng Daddy nito.

"She's still unconscious." Vincent cried as he pulled out himself from his mother's embrace.

"Have you called her parents? Do they already know that she is in the hospital?" His mom asked, while wiping the tears on his face.

"They are not here, Ma. Magisa lang siya dito."  He responded earning a surprise expression from both of his parents.

"Wala siyang kasama dito?"

"Matagal ng nasa States ang parents niya, Ma. She's been living on her own." He said as he looked inside her room. Nakita niya ang nurse na inaayos ang kumot nito.

"Poor girl. Ang hirap magisa lalo na sa sitwasyon na ganito. Can we see her?" Tumango si Vincent at binuksan ang pintuan ng kwarto. Dahan dahan silang pumasok. Hindi sana sa ganitong sitwasyon niya gustong ipakilala ang dalaga sa mga magulang niya.

Umupo ang Mommy nito sa bakanteng upuan at hinaplos ang buhok ni Cat.

"Oh my.. She's too precious to experience this." She whispered while gently caressing her hair.
"Anong plano mo kapag nagising na siya? Where will she stay? Gusto mo sa bahay nalang muna kayo para may magaalaga rin sa kanya." Suhwestyon pa nito.

"Tatanungin ko muna siya, Ma. Hindi niya pa rin kayo kilala."

"Right. This is the first that we met her." sagot nito habang nakatingin pa rin kay Cat. Hinawakan din nito ang kamay ng dalaga. "Alagaan mo siya, anak. She deserves someone that will take care of her especially in the absence of her parents."

"I will, Mom. I will."

Maya maya at tumayo na rin ang Mommy niya.

"I want to stay pero maaga pa ang Daddy mo bukas. He'll be flying to Singapore for a meeting regarding sa expansion."

"Sorry, Dad. Hindi ako makakasama. "

"Don't worry. I understand. Unahin mo muna si Cat. She needs you here."

"Thank you, Mom, Dad."

"I'll tell Manang na padalhan ka ng pagkain at gamit dito. Sabihan mo kami ng Daddy mo kung may kailangan pa kayo. Update us din kapag nagising na siya."

"Yes, Ma. Thank you." His mother hugged him again.

"Everything will be okay. Magpahinga ka rin. You need strength to take care of her." He just gave them a small smile at inihatid sa labas ng kwarto ni Cat. Sumunod na rin ang nurse at naiwan siya muli. Ngayon niya naramdaman ang pagod. Pero ayaw niya naman iwan si Cat magisa.

Umupo na lamang siya muli sa upuan sa gilid ng kama nito at hinawakan ang kamay ni Cat. Unti unti niyang inihiga ang ulo sa kama nito habang nakatingin pa rin ang mata sa mukha ng dalaga.

"Gising ka na. Promise, dito lang ako. Hindi kita iiwan." Bulong niya. "I love you..." at marahang hinalikan ang kamay nito.

***

Maagang siyang nagising kinabukasan pero wala pa ring malay si Cat. Nakapikit pa rin ang mga mata nito.

"Cat. Good morning. " bati niya habang nakatitig sa mukha ng dalaga, bakas sa boses niya ang lungkot. He was still holding her hand. "Gising ka na, please. Nandito ako. Gising ka na, Cat. Please." He closed his eyes and prayed again to God. He felt so helpless. Wala siyang ibang magawa kundi ang maghintay lang.

Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone niya. Someone was calling him. Unregistered ang number pero sinagot pa rin niya. Tumayo siya at naglakad papunta sa bintana.

"Hello. Good morning. "

"Hello. Is this Vincent?" A lady asked from the other line. Condused, he still answered her.

"Yes. May I know who is this?"

"Siya nga!" mahinang rinig niya na parang may kausap na iba ang tumawag sa kanya. "Ikaw ang boyfriend ni Catarina di ba? Magkasama ba kayo ngayon?"

"Are you her colleagues?" mahinahon niyang tanong pabalik.

"Yes, Work besties niya kami. Alam mo kung nasaan si Cat? Until friday lang kasi ang filed leave niya. Nagaalala kami. Hindi rin namin siya ma-contact." Lumingon muna siya saglit sa babaeng nakahiga bago humugot ng malalim na buntong hininga.

"Cat is in the hospital." Halos pabulong na niyang sagot.

"Ha? Ano'ng ginagawa niya sa hospital?"

"She's unconscious sa ngayon. Her house got burned."

"What? Totoo ba'yan? Kailan? Bakit? Saan hospital?"

"We're at the Asian Hospital. Pero hindi pa rin siya nagigising."

"On My Ghad! Mag early out kami. Pupunta kami diyan. Sige na. Bye. " Then they both hanged up the call. He took a deep breath again before walking back to her side.

He looked at his watch. Malapit na mag alas diez ng umaga. Halos hindi rin siya nakatulog. Walang kain o inom manlang ng tubig pero hindi niya alintana iyon. Ayaw niya rin umalis sa tabi nito. She might wake up and look for him.

When the Sun hidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon