Twenty four

43 2 0
                                        

I felt someone wrap his arms around me. His scent was so familiar.

"Ken? " I called. Hindi siya sumagot. "Why are you here?" Tanong ko. Hindi pa rin siya nagsasalita. "Ano'ng ginagawa mo dito? Baka hanapin ka nila." Pinilit ko na kumawala mula sa mga bisig niya upang tingnan siya. "Ken?"

"I missed you." Napahugot ako ng malalim na buntong hininga. He's putting his entire career at risk dahil sa ginagawa niya.

"Tara na. Umuwi ka na sa apartment niyo" Tatayo na sana ako pero hindi niya ako hinayaan. He pulled me back on the bed and hugged me again.

"Wag mo naman ako paalisin. I just want to be with you." Bulong niya. Natigilan ako. Gusto kong sumagot ng 'pero', ngunit alam ko na mas masasaktan lang siya kung gagawin ko iyon. "Pagod na pagod na ako, ga. Parang bibigay na ang katawan ko sa pagod. Just let me recharge with you, please." Mahina niyang sambit. Halata siya boses niya na pagod talaga siya.

I stared at him for a few more minutes and heaved a deep breath. His eyes were closed.

"Kumusta ka na, ga?" Tanong niya na pabulong pa rin, habang nakapikit. Nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko rin alam ang isasagot. "Ako? I'm not okay. Miss na miss na kita." Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. I heaved a deep breath again.

Ako rin naman ay patuloy na nasasaktan sa sitwasyon naming dalawa.

"Ayoko ng ganito, ga. Hindi ko kaya. Sobrang hirap. Hindi ako makatulog ng maayos. Ang lala ng insomnia ko. I tried to distract myself pero ang hirap. Pinapagod ko ang sarili ko para makalimutan ang sakit pero wala pa rin. Sa bawat segundo, ikaw ang nasa isip ko. Paulit ulit ko na tinatanong sa sarili ko bakit tayo humantong sa ganito? Ano'ng nagawa ko at nakapagdesisyon ka ng ganun? " ramdam na ramdam ang sakit sa bawat salita niya. Naninikip ang dibdib ko.

"I'm sorry." Bulong ko

"Let's be more careful nalang. Pwede naman iyon." Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Hindi ko alam ang isasagot. Naging sobrang maingat naman kami noon pero mapaglaro talaga ang panahon. "Hanggang sa maging okay ang lahat." pagpapatuloy niya.

"Pero kailan magiging okay ang lahat?" tanong ko. Naramdaman ko na natigilan siya at bahagya na lumuwag ang yakap niya sa akin. Lumayo siya ng kaunti para tingnan ako. Puno ng pangamba at pagaalala ang mga mata niya.

"Napapagod ka na, ga?" mahina niya na tanong. Tumingin din ako sa kanya. Alam ko na hindi pisikal na pagod ang tinutukoy niya.

"Ayoko lang maapektuhan ang career mo. Lalo na ngayon."

"This success is nothing kung hindi kita kasama. Ano'ng gagawin ko dito kung ako lang magisa?"

"Hindi ka naman magisa. You have your family, your friends." Kumunot ang noo niya, na para bang hindi niya mawari ang sinabi ko.

"Nasaan sila? Not even my parents were on my side when I needed them." Medyo tumaas ang boses niya na ikinagulat ko. Ang bilis ng pagsasalita niya, halata na iritable siya. "Halos sampung taon ko na nga silang hindi nakikita. Naalala lang nila ako kapag birthday ko. Ni hindi nga nila ako nagawang pagara--"

"Ken!" Pagpigil ko. Nabigla pa siya pero huminto rin naman at tumingin sa akin. He let out a deep breath then held my hand.

"All I truly have is you, ga. Ikaw lang ang meron ako ngayon. Hindi ko naman sila kinakalimutan pero ikaw ang priority ko, tayo."

Hindi ko alam ang dapat maramdaman at isagot sa kanya. I can't just take back my word. I can't take that risk again. Natatakot ako sa magiging consequences na naman. Baka mas malala pa sa dati.

"Just trust me, please." Tumingin ako muli sa mga mata niya. "I'm already saving for our future. In three years, papakasalan na kita. Tutuparin ko ang pangako ko sa'yo." Sabay halik sa labi ko. Nanatili lang ako na tahimik. Hindi ako makapagisip ng maayos. Buo na ang naging desisyon ko noon. Sinabi ko sa sarili ko na kahit na mahirap, paninindigan ko lahat ng ginawa ko. Pero ang rupok ko talaga kapag kaharap na siya.

When the Sun hidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon