Twenty six

27 2 0
                                        

Inabot na kami ng gabi ni Vincent. After we had our dinner in Alabang, tumambay muna kami saglit sa West Gate. Inihatid niya ako noong a las siete na.

I was so tired but happy. I really had a productive day.

When he reached home, he called me immediately as if we were not together the whole day. Paulit ulit niyang sinasabi kung gaano siya kasaya ngayong araw, na first time nita mag volunteer sa isang animal shelter at gusto niya ulitin.

Masaya rin naman ako. Meron na ako makakasama sa pag-volunteer aside sa mga mga co-volunteers na nakilala at naging kaibigan ko sa shelter.

I decided to end the day earlier than usual. I laid on my bed at 8pm and let myself drifted into a deep slumber.

~~~

Nagising ako dahil sa usok at init ng paligid. Ang kapal ng usok na halos ubuhin na ako.

Ano'ng oras na ba? Nananaginip ba ako? Pero bakit parang totoo?

Napabalikwas ako ng tayo at pinagmasdan ang paligid ng kwarto ko.

Ano'ng nangyayari?

Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang apoy.

Apoy?! May sunog!!!

Naririnig ko na rin ang mga sigawan sa labas. Agad ko na hinanap ang cellphone ko para makahingi ng tulong. Kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko na binuksan ang phone ko at naghanap ng tatawagan. Pero sino ang tatawagan ko?

Una kong nakita ang number ni Ken. I dialed it pero walang sumasagot. Hinihika na rin ako sa usok.

"Ken.. please.." Sinubukan ko ulit, maraming beses pero unattended. Baka tulog na siya.

Kalma, Cat. Kalma.

Nang susubukan ko sana muli ay biglang lumabas ang pangalan ni Vincent sa screen.

"Hello, Cat." Masaya niyang bati. "bakit gising ka pa? Alas dos na ng madaling araw." Malumanay ang medyo mahina ang boses niya.

"Vincent.." Natataranta kong tawag sa pangalan niya. "Vincent..may sunog.. may sunog..." hindi na ako makahinga kakaubo. Mas lalong kumapal ang usok. Wala na ring kuryente.

"Ha? Anong sunog?"

"May sunog... Vincent...Nasusunog ang bahay...Vincent..." Binuksan ko ang pintuan ng kwarto para sana lumabas pero maling desisyon pala iyon. Bumagsak ang pinto at bumungad sa akin ang malaking apoy. "Ahhhh!"

***

3rd person POV

Nataranta si Vincent nang maputol ang usapan nila ni Cat. Sinubukan niya lang sana itong tawagan pero hindi niya naman inaakala na sasagot ito, at ang bungad ay paghingi ng tulong.

Hindi na siya nagbihis pa. Agad niyang kinuha ang susi ng sasakyan at dali daling lumabas ng unit niya at pumunta sa car park. Ang bilis ng kabog ng dibdib niya, ganun din ang pagmamadali na makarating sa bahay ng dalaga

He was praying for her safety.

He tried calling her number again pero cannot be reached na.

"Shit..." He cursed as he saw the red light. Hating gabi na naman at wala na masyadong mga sasakyan sa daan kaya umadar pa rin siya. This is an emergency.

Fifteen minutes of driving, he finally arrived at Alabang. Nakasabay niya pa ang truck ng bumbero na mas lalong ikinabahala niya.

Nang makarating sa subdivision ay mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang apoy na halos bumalot na sa buong kabahayan.

When the Sun hidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon