I noticed a man waving his hand from afar while smiling. My brows furrowed a little as I tried to zoom in on his face in my vision.
He was Vincent. The man who approached me after the concert of SV19, who guessed my email address and emailed me, who coincidentally saw me outside my office building, and who walked with me going to the milk tea shop.
Hindi ko alam kung coincidence lang ang lahat o stalker siya. Char.
It so happened na sa BGC din pala ang work niya. Pumayag ako na maging magkaibigan kami dahil isa rin naman siyang fan ng grupo nila Ken. We have that instant connection with our co-fans merely due to we share a common interest. Aside from that, medyo makulit din siya.
"Bakit mo pa ako sinasabayan, kaya ko naman maglakad magisa." Tanong ko sa kanya. May sasakyan naman kasi siya and he can go home directly but he still chooses to walk with me.
"Ayaw mo kasi na ihatid kita."
"Out of the way kasi. Dito ka lang nakatira tapos ihahatid mo pa ako sa Alabang. Ang traffic kaya sa C-5." Sagot ko naman.
"Kaya nga, para hindi ka na rin ma-traffic." Tiningnan ko siya. Ngumiti naman ang loko. "Mago-over time ka ba bukas?" He asked.
"Bakit?"
"May dance practice kasi kami. Sabi mo manunood ka di ba?" Totoo ang sinabi niya na sumasayaw din siya at meron silang grupo.
"Anong oras ba?" Sagot ko naman habang nakatingin sa dalawang estudyanteng babae at lalaki na naglalakad sa harapan namin.
"Seven."
"Sige." Tumingin ako sa kanya at mas lumawak ang ngiti niya.
"I'll pick you up at 6." Tumango tango lang ako. Sa totoo lang, I'm happy to have new friends. Wala kasi akong kaibigan maliban sa mga officemates ko. Wala akong Highschool or College friends. Umiikot lang ang buhay ko sa trabaho at kay Ken.
"Pero may event pala SV19 dito bukas. 7PM din 'yun." Sabi ko as I checked my calendar. Napatingin siya sa akin.
"Are you going to watch them?" Tanong niya. Tiningnan ko rin siya.
"Of course." Mabilis na sagot ko pero agad ko rin naalala na dapat pala maghinay hinay muna ako sa pag-attend ng events nila lalo na ngayon na may issue about that girlfriend thing.
Ilang linggo na rin hindi umuuwi si Ken. Bihira na kami magusap puro text nalang. Nami-miss ko na siya.
"Cat." Vincent called my name, bringing me back to my reverie.
" Sige. 7 PM tomorrow. Sunduin mo ako, ha" He smiled and nodded like a child.
"Araw-araw ka naglalakad papunta sa Bus Terminal?" Tanong niya. Medyo marami na rin ang mga kasabay namin sa paglalakad.
"Hindi. I normally bring my car, maliban nalang kapag coding o tinatamad ako mag-drive."
"Ah. Yeah. You mentioned pala before that you have a car. I forgot."
"Oo. That time you asked me na sumabay sa'yo." Bigla siyang natawa at parang nahiya nang maalala ang araw na iyon.
"Siguro, ang creepy ng dating ko sa iyo that time. Please forgive me, I wasn't really thinking at that moment." Natawa nalang din ako sa kanya.
"Creepy talaga. I mean, inviting someone immediately after saying hi. Mapapaisip ka namam talaga."
"I know. I know. Nakakahiya. Sorry talaga. Pero wala akong masamang intention that time. I only wanted to talk to you." Nakangiti lang ako.
"How about my email?" Tanong ko pa habang nakataas ang isang kilay pero nakangiti pa rin.
"Ah. Hehe. I saw your name sa ID na suot mo then I guessed your email address. Marami rin akong na-send-an. Hindi ko alam kung nage-exist ba iyon o may nakabasa." Sabay tawa niya muli. Ganun nalang din ako.

BINABASA MO ANG
When the Sun hides
Fanfiction'Sometimes, to love is to sacrifice. It is about wishing and acting accordingly so that the person you love is happy and safe. Even if it is to sacrifice. It is because when we love someone we want to see that our loved ones are happy and safe, no...