"Nasaan si Ken?" Tanong ni Pablo pagdating niya sa studio nila. Napatingin sila Justin at Josh sa kanya.
"Nagpa-practice na." Sagot ni Justin.
"Ang aga pa, ha. Anong oras pa lang." Sabi muli ni Pablo sabay tingin sa relo niya.
"Gigil magpractice ngayon si Ken. Maybe to distract himself." Sabi naman ni Josh. Maya maya pa ay dumating na rin si Stell.
"Good morning. Nag-breakfast na kayo?" Bati nito.
"Kumain na ako sa bahay." Sagot ni Pablo.
"Ako rin." sabi rin ni Justin.
"Ngayon pa lang." sabi ni Josh sabay subo ng pagkain niya. "Gusto mo? Nagorder ako ng coffee and pancakes."
"Thank you. Kumain na rin ako sa bahay bago umalis. Wala pa si Ken?" ngumuso sila sa practice room.
"Nandoon." sagot ni Pablo.
"Wow. 7AM pa lang. Ang sipag naman." sabi pa ni Stell at inilagay ang mga gamit niya sa mahabang lamesa.
"Tahimik pa rin si Ken. Hindi ko pa siya nakakausap ng maayos." nagsalita muli si Justin habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. "Pero grabe siya magpractice ngayon. Hanggang gabi, parang hindi napapagod." Napabuntong hininga naman sila Stell.
"Maybe that's his way to cope up or ayun nga to distract himself. Okay na rin siguro na ganyan siya, at least naka focus." maging si Pablo ay nagbigay na rin ng opinyon niya.
"Inaalala ko lang baka magsobrahan naman, baka magkasakit siya. Mahirap din 'yon." pagalala ni Josh.
"Hindi ko alam ang iniisip niya. Hindi rin maintindihan kung bakit siya biglang naging ganito. If you look at his expression, parang galit siya na ewan. "
Maging sila ay hindi na rin alam ang gagawin. All that they could now for him is to give him time and space.
"Hayaan nalang natin muna siya. Iparamdam at ipakita nalang natin na palagi lang tayo nandito para sa kanya." - Stell
"Ganun talaga. Wala tayong magagawa. Kailangan talaga mamili." salita muli ni Pablo. Paulit ulit sila na bumabalik sa kontrata na bawal pumasok sa relasyon hanggat parte pa sila ng grupo.
"Hindi siya ang namili. She made a choice for him." sabi ni Josh.
"Kasi hindi kayang mamili ni Ken. But she knows him very well kaya siya na ang nagdesisyon." sagot ni Pablo. "Pero malay naman natin. Kung sila talaga ang para sa isa't isa, magtatagpo sila sa dulo."
"Sana, kapag maayos na ang lahat. Sana kapag pwede na, pwede pa." malungkot na bigkas ni Josh. Napatingin agad si Stell sa kanya.
"Parang kanta iyon, ha."
"ah. kanta ba iyon?" tanong nito at napangiti.
"oo. parang narinig ko na iyon." sagot ni Stell sabay tawa.
"Pero kilala niyo ba 'yung girl?" mahinang tanong ni Pablo. Napatingin muna sila sa practice room bago magpatuloy sa paguusap.
"Hindi. Hindi naman nagkukwento si Ken." si Justin ang unang nagsalita.
"Ang alam ko may girlfriend siya noong College. I'm not sure if they are the same person." panimula naman ni Josh. Si Justin, Stell at Pablo ay biglang napabaling sa kanya at naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin. "Schoolmates ata sila."
"Dito sa Manila?" singit na tanong ni Stell.
"Oo. Transferee si Ken sa UP. Doon ata sila nagkakilala. Hindi ko matandaan kung anong year pero parang 3rd year ata 'yun. " sagot ni Josh
BINABASA MO ANG
When the Sun hides
Hayran Kurgu'Sometimes, to love is to sacrifice. It is about wishing and acting accordingly so that the person you love is happy and safe. Even if it is to sacrifice. It is because when we love someone we want to see that our loved ones are happy and safe, no...
