Part 1

158 4 0
                                        

"New school new life"
Dala ang mga ala-ala ng nakaraan lumipat ako ng ibang eskwelahan kung saan ako'y umaasa na sana ay ang kasiyahan ay aking maranasan.

"Good morning everyone My name is Rio Yvan Aguyen I'm 15 years old and umm..that's all you need to know about me." pa-kilala ko sa mga new classmates ko "okay Rio, my name is Kimberly Sermonia and I'll be your adviser for this school year you can just call me ma'am Kim if you want." Sabi ng adviser namin sakin.

"Okay po" Sagot ko at naupo ako sa itinakdang upuan para sakin katabi ko ang isang babae na naka papusod ang buhok at medyo matalas ang tingin, masungit yata pero dapat mas masungit ako ehe.

~~~~~

Pagkatapos ng ilang oras nag recess na din kaya nilabas ko na ang maliit na bag ko na medyo marami ang laman na pagkain, pero di ako matakaw ah food lover lang po ehe "hi Rio my name is Ashedee Meoni Mandawe but you can call me Meo nalang" bungad sakin ng babae na aakalain mo talaga na Japanese dahil sa hairstyle niya yung parang May dalawang siopao na buhok sa kaliwa't kanan na parte ng kanyang ulo.

"ahh okay." tipid kong sagot.

"cold ferson, wag ganun gusto ko lang naman maging friends tayo." Ayaw ko nga dzuh.

"okay." Yun lang kaya kong isagot kasi wala lang busy ako kumain eh.

"so, we're friends now?." Kulit talagaaaa

"depende sayo." Sabay alis ko at pumunta nalang ako nag gala kung saan pwede ako maka-kain ng maayos, sakto at maraming puno sa likod ng school kaya naman doon nalang ako nag meryenda.

Pag katapos ko kumain ay inayos ko na lahat ng mga pinagkainan ko nang biglang may nag chat sa cellphone ko

Sabrina:>

"Hi Rio! ano okay ka lang ba diyan?"

"Yeah, medyo naninibago lang"

"Aww, okay lang yan! Basta enjoy mo lang
highschool life mo diyan."

"Sige po"

Pag katapos ko makipag-chat sa kanya ay saktong tumunog na ang bell kaya naman pumunta na ako sa room namin nakakapanibago talaga dahil sa private school ito at napag-aralan ko na yung mga tinuturo ng mga teachers ko shesh.

Ilang segundo lang ang hinintay ko at nakarating na kaagad ang teacher namin para sa English "Good morning grade 9 students, oh May bago pala kayong classmate! Who's this handsome boy?" Nukaba ma'am grabe sa handsome cute lang pwede na ehe.

"Ma'am his name is Rio po, Rio Yvan Aguyen and he's my new friend UwU" Eka ni ashedee, mas malakas pa yata tama ng mga estudyante dito kesa sa'kin ah olala.

Napatingin ako sa likod ko ng may nagsalita "new friend? Or boyfriend ikaw ha, Ashedee" gatong naman ng isang kaklase ko, sino na naman toh.

"Ay joke lang Rio hehe, ako nga pala si Mark Paguntalan. Nice to meet you" sabay offer niya saakin ng kanyang kamay na upang ipahiwatig na gusto niya makipag shake hands.

Akmang aabutin ko na sana nang biglang binatukan siya ni ashedee "strike!" Sigaw ng mga kaklase ko.

"biro lang naman eh" hirit ni mark "Che!" Eka ni ashedee.

"Oh awat na yan at nagkakasakitan na kayo oh, baka maging magka-ibigan pa kayo niyan." Huminto naman ang dalawa pero si Ashedee grabe! Nakakatakot tumingin kay Mark baka may pagtingin sya sa kanya shesh.



To be continued.

HalikWhere stories live. Discover now