CHAPTER 17: "SORRY"

28 1 0
                                    

(Author's mote: hi guys heheh wala lang gusto ko lang mag hi bakit ba? Angal? Eme)

Rio's pov

Pauwi na ako kasama ko si Ashedee at Mayumi, nauna na si Sabrina dahil di ko alam pero panigurado isusumbong nanaman niya ako kay mama.

Pero bago umuwi naisipan namin na mag meryenda sa 7/11 muna dahil itong si Ashedee ay gutom nanaman.

"Gusto ko ng mais" biglang sabi ni Mayumi habang naglalakad kami sa gilid ng daan at doon ko lang napagtanto na nakatingin pala siya doon sa nagtitinda ng mais.

"Same, Rio oh tignan mo kulay yellow yung corn! Libre mo ako please!" Sabi ni Ashedee sakin habang nakaturo sa mga mais.

Paano ba tumanggi sa taong toh?!

"S-sige.." pilit na sagot ko at nagpunta na kami sa nagtitinda at dahil naamoy ko ang mabangong mais ay nagutom agad ako!

"Kuya malaki po ba yang mais niyo?" Tanong ko kay kuyang nagtitinda pero imbis na sumagot ay parang na-bad-trip sa sinabi ko.

At bigla namang tumawa si Mayumi sa di ko alam na dahilan.

Anong meron???

Pero di ko na pinansin yun at bumili nalang kami ng mais at pumunta na sa 7/11.

"Anong gusto niyo?" Tanong samin ni Mayumi.

"Libre mo?" Tanong ko.

"Hindi tinatanong ko lang" pa-sarcastic na sagot naman niya.

"Nubayan sayang!" Sabi ni Ashedee.

"Ikaw puro ka libre! Oo na! libre ko na kayo" eka naman ni Mayumi kaya wala siyang nagawa kundi ilibre kami.

"Hehe sorry pres, gusto ko ng siopao tapos hotdog tapos yung coffee" utos niya kay Mayumi habang nakangiti ng malapad.

Galing talaga.

"Sige,ikaw? Ano sayo Rio?" Baling naman sakin ni Mayumi.

"Kahit siopao nalang din sakin" sagot ko sakaniya bago magtungo sa fridge na may mga drinks at kumuha ng kopiko at ako na magbabayad dito.

Nakakahiya naman kay Mayumi.

Pagkatapos bumili ay nag punta na kami ni Mayumi sa table kung saan nakaupo si Ashedee.

Tinabihan ni Mayumi si Ashedee at ako naman ay naupo sa kabilang side.

Binigay ko na ang mais ni Ashedee "thank you Rio" sabi niya habang hawak hawak ang stick na may mais.

At napansin ko na ako lang pala yung walang stick sa mais! AHHHHH!!!! Ang init pa ng mais paano ko kakainin toh?!

Baka sinadya ni kuyang nagtitinda.

Pero di ko muna binigyan pansin ang mais kaya nilapag ko muna yun sa mesa at  kinain muna yung siopao.

Pagkatapos ay inumpisahan ko nang problemahin ang mais, shet kahit nasa supot mainit parin.

Tinapik-tapik ko ang mais at mainit parin talaga kaya napaso ako.

"Tsk" sabi ni Mayumi bago paluin ang kamay ko na kanina pa pinipilit kunin ang mais.

Nagulat ako nang biglang kinuha niya iyon at tinanggal ang stick sa hotdog niya bago itusok sa mais ko at binigyan niya pa ng kiss yung mais ko bago ibigay sakin.

Sabay kindat pa!

"ACKKKKKK" sabi ni Ashedee na parang kinakatay- ay kinikilig sa ginawa ni Mayumi pero ako dapat cool lang.

HalikWhere stories live. Discover now